Maddox's POV.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa mga ipinapakitang kilos ngayon ni Royalty, pakiramdam ko tuloy sasagutin na niya ako. Kanina pang nakadating ang pagkain namin at kanina pa din kaming nagsimula, ang TAMIS TAMIS TALAGA NG CAKE NA 'TO.
"Anong ingini-ngiti mo diyan?"napalingon ako kay Royalty na katabi ko lang. Mas lalo akong napangiti at napakagat sa labi,
God! Ang bakla ko!
"Wala."sagot ko at sumimsim ng kape.
"Baliw 'to."bulong pa niya pero hindi ko iyon pinansin dahil nasa good mood na ako. Nawala ang mga ngiti ko ng makita ang isang lalaking nakasumbrero at naka-shades malapit sa aming table.
Sa hindi malamang dahilan ay kinutuban ako at pasimpleng lumingon sa paligid at lumingon sa lalaki na sa ngayon ay nakatingin sa akin MISMO. Nakangisi ito, na ikinasigaw ko.
"Dapa!"mabilis kong pinrotektahan si Royalty kasabay nun ay ang malalakas na tunog ng mga baril sa direksyon namin.
Maraming tao ang lumabas at sumigaw habang ang iba naman ay nasugatan dahil sa bubog na tumama sa kanilang katawan.
"Arggh!"halos sumikdo ang puso ko ng maramdaman ko ang isang matalas na bubog na bumaon sa aking hita. Damn it!
"M-Maddox, may su-sugat ka!"si Royalty. Patuloy pa rin ang pagpapatama ng mga armadong lalaki sa aming direksyon kung kaya't gumapang na kami papasok sa cashiers counter at doon nagtago.
"A-Anong nangyayari?"aligagang tanong naman ni Marcos na sa ngayon ay nalilito at namumutla sa mga nasisilayan niya.
"Caleb, Calliber! Ilabas niyo na si Marcos at Royalty dito!"utos ko.
"Huh?! Pero may sugat ka, hindi mo sila kaya Mad!"si Calliber.
"Basta sumunod na lang kayo!"asik ko at hindi ininda ang hapdi ng pagkakalubog ng bubog sa aking hita. Muling nagpatama ng mga bala ang mga armadong lalaki at natamaan ang mga vase at tasang naka-display sa isang aparador.
"Calliber at Caleb ilabas niyo na si Marcos magpapaiwan ako dito."saad ni Royalty na ikinagulat ko.
"A-Ano?! No! Sumama ka na sa kanila, i can manage."sagot ko pero hindi siya nakinig at umupo sa tabi ko.
"Bakit ba ang kulit mo?! Sumama ka na sa kanila, wala tayong panlaban!"sabi ko pa.
"Tangahin ka din, eh ikaw nga walang armas pero ang kapal ng mukha mong magpaiwan partida may sugat ka pa."sagot niya. Kung wala lang akong sugat ay baka naihagis ko na 'to papalabas ng cafe
Tsk!
Royalty's POV.
Sumusugod na ang mga kalaban. At dito ko pa talaga nagawang sumbatan si Maddox. Tsh! Pasimple akong sumilip para makita kung sino ang mga taong yun pero halos magulat ako sa taong nakita ko.
"S-Si Dong Shing Min"wala sa sariling saad ko.
"A-Ano?"gulat na tanong ni Maddox muli akong napalingon sa sugat niya. Medyo malalim ang pagkakalubog ng bubog sa hita niya!
"Kainis naman, ano bang ginawa mo at nagkaganyan ka?"anas ko.
"Pinrotektahan ka! Ayokong masaktan ka ng mga yun, kaya pinrotektahan kita ang logic mo sa logic."sagot niya.
"At talagang dito pa tayo nagbangayan? Hindi ba pwedeng gumawa tayo ng paraan para makatakas at makasunod kina Caleb?"inis na tanong ko.
"Aba eh malay ko sa'yo! Hindi tayo makakatakas dito ng basta basta dahil ganito ako, baka sa halip na maprotektahan kita ikaw pa ang unang mabaril. Royal, wala tayong armas!"masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"Ewan ko say-"
"Valks at Quroiv! Lumabas na kayo, mga mahihina na lang ang duwag ngayon!"napairap ako at mahinang bumulong.
"Bobo"usal ko pa.
Lumabas ako at humarap sa kanila, napapangisi na lang ako ng makita ang ilang baril na nakatapat sa akin ng lumabas ako.
"Hoy, anong ginagawa mo?"nilingon ko si Maddox na nakaupo at hawak ang hita niya.
"Nakatayo malamang."sagot ko. Muli kong nilingon si Dong Shing Min na sa ngayon ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
"At talagang nabuhay pa rin talaga kayong magkakapamilya noh? May lahi ba kayo ng pusa?"tanong nito.
"May lahi kaming dragon, kayo? May lahi ba kayong dinosaur?"nakangising tanong ko at umupo sa isang maayos ayos na table malapit kay Dong Shing Min.
Lumapit ito at umupo din sa unahan ko habang hawak ang baril niya. Napaka komportable ng upo ako ngunit para sa kanya ay hindi dahil hindi niya mabitawan ang baril niya.
"Masamang may baril sa harapan ng mesa, nakamamatay"kasabay nun ay ang mabilis kong paghagip ng vase at hampas nito sa gilid ng mukha ng lalaking kaharap ko.
"Subukan niyong magpaputok, papatayin ko ang boss niyo."mabilis kong nahawakan ang baril at hinila ang kwelyo ni Shing Min.
"G*go ka! Ikaw ang taong hindi ko mapapatawad sa pagpatay sa kaibigan ko!"mahigpit ang mga hawak ko at nanlilisik ang mga matang tiningnan siya.
Tumawa pa ito ng pagak at hawak hawak ang mukha niyang dumudugo dahil sa paghampas ko sa kanya ng vase.
"Kahit anong gawin mo Valks, hindi na maibabalik ang kaibigan mo. Magpasalamat ka na lang sa kanya at iniligtas ka niya noong oras na ikaw dapat ang papatayin namin."natigilan ako.
Totoo nga, ibig sabihin ay ako ang puntirya ng mga ito noong pumasok ako sa Arena?
"At dapat magpasalamat ka sa akin dahil hindi ka na sisikatan ng araw!"ipinutok ko ang baril sa mismong dibdib niya.
Nanginginig ang mga kamay kong pinaulanan ng bala ang mga bataan niya at kasabay nun ay ang pagkatumba ng mga ito. Sa sandaling iyon ay nalaman kong gumagana na naman ang adrenaline rush na meron ako. Nalingap ko si Maddox pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang nanonood ito kanina pa. Nawala ang panginginig ng kamay ko at ibinaba ang baril atsaka siya nilapitan.
"Kailangang malinis yang sugat mo, tara na"saad ko at umakbay sa kanya, para alalayan siya.
Kumikilos na ang mga kalaban at alam kong sa mga oras na ito ay kilala na ako at delikado na ang bawat kilos namin sa labas ng bahay.
"Aaah! A-Ang sakit!"nagulat ako sa sinabing iyon ni Maddox.
"Ang kapal ng mukha mong umaray ngayon, parang kanina lang eh wala sayong epekto ang sakit niyan!"inis na saad ko.
"I-Ito naman, nagpapalambing lang! Masama ba?"napangiti na lang ako sa kalokohan niya.
"Lambingin mo yang nguso mo."sagot ko, napaungos na lang ito at ngumuso.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Aksi[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)