Royalty's POV.
Biyernes na ngayon pero heto ako at iniisip pa rin ang mga pangyayari noong Miyerkules. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit kay Maddox at Eli, maski ay naguguluhan sa sinasabi nila.
Aish!
"Marcos."saad ko, nilingon niya ako habang hawak ang cup noodles niya.
"Oh?"sagot niya. Muli akong napabuntong hininga at pinipilit na wag mautal sa sasabihin ko.
"Ma-Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong gusto ako ni Eli?"akala ko'y magbabago ang ekspresyon niya pero ganun na lang ang gulat ko ng umiling at mapatawa siya kasabay ng pagbaba niya ng kanyang kinakain.
"Alam mo kung kapatid kita baka nabatukan kita ng mga 69 na beses. Sa pagkikita niyo pa lang ng long time bespren mo ay halatang halata ko na sa tingin niya na may gusto siya sa'yo, maski nga si Maddox eh."nasamid ako sa sinabi niyang iyon.
"T-Teka, teka at bakit naman napasama si Maddox sa usapan natin eh si Eli ang topic natin?"minsan ang sarap tahiin ng bunganga nito, basta na lang makapagsabi eh.
"Royalty Celeste Hernandez, naku, naku ang galing mo sa self defense pero hindi naman talaga yan magagamit sa salitang LOVE! Pag nasaktan ka sa emosyonal, mamimisikal ka? Pfft funny."nanatili akong nakikinig.
"Alam mo kasi, bawat tao may strategy sa ganyang bagay. It's either iniiwasan mo ang dalawa dahil sa ayaw mo silang masaktan parehas o umiiwas ka dahil nakapili ka na pero, ayaw mong masaktan yung isa. Alin dun sa dalawa?"
"Minsan kasi Royalty kailangan mong makiramdam sa mga bagay na ipinakikita ng taong nasa harap mo. Kasi malay mo, ang taong yun nagmamahal na pala sayo ng patago ng hindi mo alam. I mean, hulihin mo silang dalawa para malaman mo kung may gusto ba talaga sila sa'yo. The best example are Maddox and Eli. Bumalik si Eli para sa'yo, at nakilala mo si Maddox dahil sa pagtransfer niya dito but! the time comes at kayong tatlo ang dice na inirolyo ni tadhana. It means, you are the prize and they are the contestant, you're in the game Royalty. Game of Love."mas lalo akong nanlumo sa sinabing iyon ni Marcos, ngayon naiintindihan ko na.
"Pe-Pero anong gagawin ko? I'm not a trophy, anong meron sa akin?-- ikaw? May gusto ka ba sa akin? Sabihin mo na agad lalayuan din kita."tanong ko na ikinatawa niya.
"Assuming na ang tawag diyan, pfft. Yes, you're one of my type. Actually, hindi ka mahirap gustuhin ikaw yung tipo ng babae na kayang paibigin ang sinumang lalaki. You're kind, beautiful, brave and intelligent. But sad to say, may girlfriend ako."napatutop ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo sinasabing may girlfriend ka? Now i know kung bakit minsan lagi kang nakangiti habang nakatingin ka sa phone mo."napairap na lang ako.
"I need some privacy too, atsaka yung kotse ng kuya mo kailan mo kukunin? Baka dumikit na ang gulong nun sa semento namin at hindi na matanggal bahala ka."saad niya.
"Mamaya ko kukunin yun, aish napapaisip pa rin ako."napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Huwag mong isaisip, isapuso mo."nanatili akong tahimik sa buong araw, kahit ang totoo ay naiilang ako sa dalawang taong nasa likuran ko lang!
--
"Royal, kumusta ang batang Quroiv?"napatigil ako sa paghahalo ng ginagawa kong kimbap at kunot noong nilingon si Tatay bago sumagot.
"A-Ano, ayos lang naman po siya mukhang humihinga pa naman."naramdaman ko ang mahinang pagtampal ni Nanay sa braso ko.
"Hindi mo dapat sinasabi yan Celeste, isa yung Quroiv you need to respect him."napanguso na lang ako sa aking ginagawa.
"Jowain mo na si Madoxx."natigilan ako sa sinabing iyon ni Clarity.
"Kuya! Hindi ko kailanman naisip na mag-jowa ng katulad ng lalaking yu-yun. Atsaka, teka nga ibinubugaw niyo ba ako sa kanya?"nilingon sila, sabay silang umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi nakikinig.
Kung ibinubugaw nila ako ay hindi ko na ikinagugulat yun. Halos lahat ng lalaking nagiging kaibigan ko na mayayaman ay ibinubugaw din ako, pasalamat na lang ako at may girlfriend na si Marcos. Aissh!
"Tsk, ikaw Kuya ah! Makapagsalita ka diyan akala mo naman may girlfriend ka na."anas ko. Nanlaki ang mata niya
"Wa-Walang personalan!"sagot niya. Napailing na lang ako at ipinatikim na sa kanila ang kimbap.
"Remember ikaw muna bago ako."ngumunguyang saad ko at nagpatuloy na sa pagkain.
"Nagpapatuloy na sa pagkilos ang mga kalaban, isa sa mga tauhan natin ang nawawala at ang kutob ko'y kinidnap siya para alamin sa kanya kung nasaan tayo...sana naman ay wala siyang sabihin."napatigil ako sa pagkain at kinagat kagat ang kutsara.
"Bakit ayaw na lang nila ng tahimik na buhay? Bakit sa lahat ng emperyo ay tayo ang gusto nilang sakupin? Sa dinami dami ng tao bakit tayo pa ang gusto nilang patayin?"si Clarity.
"Dahil tayo ang isa sa maimpluwensyang kalaban, para sa kanila ay hindi tayo madaling matatalo dahil tayo ang pinaka malakas na emperyo. Kung tutuusin pwede na tayong bumalik sa emperyo ng hindi nalalaman ng kahit na sino, lalo na ang batang Quroiv. Ttal geuneun al piyo-ga eobs-seumnida. Arasseo?" (Daughter, he doesn't need to know. Understood?) napatango na lang ako sa sinabi ni Nanay.
Ang emperyo namin ay nahahati sa dalawang lipunan, ang lipunan ng mga Koreano at lipunan ng mga Pilipino. Nagsimula ang pagkakaroon ng komunikasyon naming lahat noong oras na iniligtas namin ang ilang grupo ng mga koreano na hinahabol ng mga kalaban.
"Mmm ang sarap talaga ng kimbap kapag ikaw ang gumagawa. You should build your restaurant as soon as possible."napatikhim ako at kunot noong nilingon si Tatay.
"Ano yun Tay, kimbap lang ang ibebenta ko? Wag na uy."anas ko.
"Atleast may business ka."si Kuya.
"Edi papatayin ko sa pagtatae anang mga customers ko? Besides i don't need any business right now, ngayon pa talaga kung kailan nasa peligro ang buhay natin?"sagot ko na ikinailing na lang nilang lahat. I guess ako lang yata ang may isip dito, aish.
'Alam mo kasi, bawat tao may strategy sa ganyang bagay. It's either iniiwasan mo ang dalawa dahil sa ayaw mo silang masaktan parehas o umiiwas ka dahil nakapili ka na pero, ayaw mong masaktan yung isa. Alin dun sa dalawa?' halos paulit-ulit na umi-echo ang boses ni Marcos sa tenga ko.
Ano nga bang gagawin ko???
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)