CHAPTER 14

1.4K 50 0
                                    

Royalty's POV (FLASHBACK)

Labasan na kami ngayon pero mukhang ang tagal ni Papa kaya pupunta muna ako sa wishing well malapit sa labas ng school.

"Bata, may pagkain ka ba diyan?"napalingon ako sa lalaking matangkad ng konti sa akin. Napanguso ako at inaya siya papunta sa wishing well.
Binuksan ko ang lunchbox ko at ibinigay sa kanya ang tinapay ko na may palamang peanut butter and jam.

"Ito oh, wag kang mag-alala hindi ko pa naman nakakain-- saan ka pupunta?"pero sa halip na sagutin niya ako ay mabilis siyang nagpunta kay Lola na nanlilimos malapit sa gilid nitong wishing well. Hindi ko alam pero ang bait niya.

"Bakit mo ibinigay ang pagkain na yun, dapat sa'yo
yun eh."ngumiti ito sa akin.

"Hindi masamang magbigay lalo na't hindi naman ako gutom."sabi niya, napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Eh bakit nanghingi ka pa ng pagkain sa akin?"tanong ko.

"Bakit? Sa tingin ko ba'y bibigyan mo si Lola niyang baon mo? Kung hindi ako manghihingi ay hindi mo maiisip na ibigay ang pagkain mo kay Lola kaya sa paraan ng panghihingi ko na lang idaan para ako na lang ang magbigay kay Lola."sagot pa niya.

"Lola mo ba si Lola?"tanong ko.

"Hindi."

"Eh hindi naman pala eh psh."napanguso na lang ako.

"Yun na nga eh, matuto kang magbigay. Napakadaming mga batang hindi nakakakain ng ayos sa loob ng tatlong araw minsan mangangalkal pa kami ng basura para magpaunahang maghanap ng makakain, tapos kayong mayayaman hindi naman pala nakain."napatawa na lang ako.

"Nagkataon lang akong busog pero hindi ibig sabihin nun ay hindi kami nakain. Hayaan mo bukas, dadamihan ko ang baon ko tapos dito tayo kakain."nakangiting saad ko pa.

Dalawang taon kaming naging magkaibigan at magkasama. Lagi kong pinadadamihan ang baon ko kay Nanay para magkaroon kami ng makakain pagkalabas ko. Lagi niyang ginagawa ang pamamahagi niya ng pagkain at sanay na ako dun.

Hanggang sa hindi ko na siya nakita ng gumraduate ako ng grade 6 sa school na yun.
Nagbabakasali ako nun na makikita ko ulit siya sa wishing well na yun. Pero wala ni isa. Maski nga si Manong guard na nakakakita sa amin noon ay hindi na rin alam kung nasaan na ang kaibigan ko.

"Eli"sa huling sandali ay nasambit ko pa ang pangalan niya.

-END OF FLASH BACK-

"Uy, mah fren naiyak ka? Sorry na hindi na namin itatanong ulit."napabalik ako sa huwisyo at mabilis na pinahid ang luha ko.

"S-Sorry, pasensya na po talaga may na-naalala lang po ako."sagot ko. Ba-Bakit nga ba ako umiiyak?

Nang matapos ang pagkain namin ay patuloy pa rin sa pagkukwento si Jenny kay Maddox.

"Mah fren, nung nakita mo ba siya sobrang kinis niya? As in hashtag retweet for clear skin ang peg niya?"tanong pa ni Jenny.

"O-Oo"sagot ko.

"Aaaaaaah! Wait for me talaga Maddox, makikita mo din si Jenny. Jenny ng BlackPink! Iiiiiihhhhh! Ang cute cute!"sabi pa nito at parang pinipisil pisil pa ang pisngi ni Maddox. Napailing na lang ako.

"Mah fren kapag ikinasal kami brides maid ka ah."natigilan ako sa sinabi niya.

"A-Ang bata mo pa mah fren kasal agad ang iniisip mo?"agap ko.

"Masama na bang mangarap? Para ito sa aking sinta na si Maddox! Iiiihhhhh-- Aray!"nahulog lang naman siya sa kama dahil sa pag gulong gulong niya.

Maghanda ka na Maddox padating na ang asawa mo napangisi na lang ako sa naisip ko.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon