Royalty's POV.
Hanggang ngayon ay lalong umiinit ang ulo ko dahil sa mga ginagawa ni Maddox. Mukhang may dadagdag pa sa problema--
"Celeste pansinin mo naman ako oh, ang hirap kaya ng ginagawa kong 'to."mariin akong napapikit at inis na nilingon si Maddox.
"Elixir, kung ngayon pa lang ay nahihirapan ka na paano na lang kapag sinagot kita?"nanlalaki ang mga niyang nilingon ako.
"Sa-Sasagutin mo ako??"tanong pa niya.
"Psh, matik na ang sagot ko diyan."
"Edi sasagutin mo nga ako?"nangingiting tanong niya, pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya at marahang kinurot ang makinis at malambot niyang pisngi.
"HINDI."kasabay nun ay ang pagseryoso ng mukha ko at humarap sa unahan.
"Pfft.... mukhang nagsisimula na ang pagsubok ni Maddox sa'yo ah."bulong ni Marcos.
"Alam mong kakagaling ko pa lang sa lungkot Marcos at hindi ibig sabihin nun ay bigla bigla na lang akong magpapaligaw kay Maddox matapos ang pagkamatay ni Eli."paliwanag ko.
"Kaya isasarado mo muna ang puso mo? Tss, Royalty hindi mo kailangang isarado ang puso sa bawat lungkot at sakit na napagdaanan mo. You need to be brave dahil isa yan sa mga dahilan kung bakit ka nabubuhay, matapang ka at alam ko yan. Kaya hindi ka mabubuhay kung hindi ka lumalaban sa mga pinagdaanan mo."nanatili akong tahimik sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko naman isasarado ang puso ko, pagpapahingahin ko lang.
Natapos ang klase at ang dalawang quiz sa dalawang asignatura kung kaya't nagutom ako. Hindi ako kumain
kaninang umaga kaya talagang kumakalam na ang tiyan ko."Tara na Royalty."anyaya ni Marcos. Tumango ako at nilingon sina Maddox na sa ngayon ay naka-upo at wala atang balak na kumain.
"Elixir, sumabay na kayo sa amin. Lalabas tayo ng school, dun tayo sa bagong bukas na cafe malapit dito."napalingon ang mga ito sa akin at nagniningning ang mga mata.
"E-Eh teka, diba bawal lumabas ng school?"si Marcos.
Nagkatinginan kaming apat at napangisi na lang kay Marcos na sa ngayon ay nagtataka sa mga reaksyon namin.--
"Anak ni Lucia Joaquin! Sigurado ba kayong makakababa kayo dito? Lalo na ikaw Royalty, baka mabigyan tayo ng violation nito, jusmeyo josefa marimar."tanong pa ni Marcos.
Nandito kami ngayon sa likod ng canteen dahil ito lang ang tanging tago at maaaring mapaglabasan para sa mga estudyanteng nag-cucutting.
"Alam mo Marcos kung tatahimik ka ay hindi talaga tayo mabibigyan ng violation."sagot ko at sumunod naman kay Caleb na inaabot ang kamay ko sa ngayon. Nakapalda ako ngayon, pero walang pakundangan akong sumampa sa pader.
"Careful, baka makita yang langit mo."inis kong tiningnan si Maddox na nakataas tingin sa akin. Itinaas ko ang palda ko at ipinakita ang leggings na suot ko tsaka siya dinilaan.
"Bleh, BOSO no pico!"nang-aasar na saad ko pa.
"You're so silly Celeste."natatawang saad ni Maddox at sumampa na din sa pader matapos na abutin ni Caleb ang kamay niya.
"Pa'no ako?!"tawag ni Marcos mula sa baba.
"Hey! you monkey! Huwag kang tumingin kay Celeste, bumaba ka na nga dun."inis na sabi pa ni Maddox. Napairap ako at pinanood na abutin ni Marcos ang kamay ni Calliber.
Nang makaakyat kaming lahat ay sabay sabay kaming bumaba at nagdiretso sa cafe na nasa harapan lang namin.
"Hoy, yung mooncake ko ah."napairap ako at inungusan si Marcos.
"Oo na, akala mo naman tatakasan."saad ko.
"Akin na yang bag mo."nagulat ako sa sinabing iyon ni Marcos.
"Wa-Wag na."sagot ko ng makapasok kami ng cafe.
"Sige na.....akin na."sabi pa niya at kinuha sabay isinukbit iyon sa kanyang balikat.
"Hindi mo naman kaila--"
"Akin na? O akin ka na?"napatahimik na lang ako sa sinabi niya na ikinatawa naman nina Marcos at nang natitira pa.
"Anong order niyo?"sabay kami sa pagtatanong na iyon ni Maddox.
"Pfft.....espresso at blueberry cake na lang ang akin."si Caleb.
"Cappuccino and blueberry cake too."si Calliber.
"Ako, mooncake, frappe, strawberry shake, cheesecake at waffle with mapple syrup lang."si Marcos.
"Lang?! Hoy unggoy, cafe 'to hindi fast food resto."sabi pa ni Maddox.
"U-Unggoy? Sa gwapo kong 'to unggoy?"tanong pa ni Marcos.
"Hayaan mo na. Tara...."anyaya ko kay Maddox papuntang cashier at umorder.
"Bakit ililibre mo siya ng mooncake?"tanong ni Maddox sa kalagitnaan ng pila.
"A-Ano, wala yun."sagot ko. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin na ikinailang ko. Ano bang ginagawa niya?!
"Sabihin mo na, hindi naman ako magagalit eh. Atsaka, nakakapagtaka at niyaya mo ako sa cafe."
"Kayo, hindi lang ikaw... ang kapal ng balat mo."sagot ko.
Natapos ang pag order namin ay muli kaming nagpunta sa table para hintayin na lang ang mga pagkain namin.
"Unggoy, dun ka sa tabi nina Caleb."utos pa ni Maddox inis namang napakamot ng ulo si Marcos pero sumunod din.
"Kapag naging boypren mo 'to, pwede ko nang suntukin 'to ng walong beses sa isang araw ah."napangisi ako sa sinabing iyon ni Marcos.
"Unggoy, ako kanina pang naaasar sa'yo nakakadalawa ka na ah."asik naman ni Maddox.
"Bakit ba ang sama ng ugali mo sa akin? Ikaw lang ang natatanging taong hindi ko nakakasundo sa totoo lang."reklamo ni Marcos. Totoo ang sinasabi niya, bakit nga ba
ang init ng ulo ni Maddox sa kanya."Masyado ka naman kasing napapaclose sa nililigawan ko, pakiramdam ko tuloy may gusto ka kay Celeste."inis ko silang nilingon.
"Baka kayo ang itinadhana..."suhestiyon ko na ikinatawa naming tatlo.
"Shut up!/ Heh!"si Marcos at Maddox.
"Oo nga noh, bagay na bagay oha! M&M's couple!!! HAHAHAHAHHA tang*na!"maski ako ay napatawa na lang din sa sinabing iyon ni Caleb.
"Tumigil nga kayo!!!"namumulang awat pa ng dalawa.
Mwehehehe....
M&M's couple.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Acción[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...