CHAPTER 60

764 33 0
                                    

Royalty's POV.

Halos isang Linggo na rin ang nakalilipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang pansinin si Maddox. Sa totoo lang ay nalilito na din ako sa sarili ko, hindi ko ba alam kung talagang totoo ang sinasabi ni Marcos na nagseselos ako o hindi.

"Ahhh"humihikab na saad ni Marcos habang nakapangalumbaba ang tingin sa akin.

"Hindi talaga ako makapaniwala na may kaibigan akong gangster, babae pa ah."nanatili ako g nakatingin sa kanya at kunot noo lang ang inirereaksyon.

"Hindi ka ba natatakot sa amin? Sa amin nina Maddox?"bahagya itong natawa at itinuro ang mukha ko.

"Sa mukha mong yan ba naman ay paghahalataan kitang gangster? Model pwede pa pero gangster? Utot."sagot niya.

"What i mean is paano kung madamay ka?"

"Kahit pa madamay ako ay hindi ko kailanman dinadamdam ang takot, siguro pagkalito pero takot? Olats."
Sandaling katahimikan

"Talaga bang wala kang balak na pansinin si Maddox? Isa linggo na rin ang pang-snob mo sa kanya, hindi kaya dumugo ang puso nun?"sarkastiko akong napangisi at nilingon siya ng matiim.

"Kung papansinin ko siya ay importante ang bagay na sasabihin ko sa kanya, eh wala naman akong mai-topic sa kanya so bakit pa?"

"Bakit pa? Eh manliligaw mo yun eh, dapat may pake ka."

"May pake ako pero mukhang hindi lang niya na-appreciate yun."

"Sus! Kung mabara mo nga yun eh akala mo lababo ang bunganga niya. Royalty imposible kasi ang ginagawa mong yan, iniiwasan mo ang tao ng walang dahilan? Famous ka?"

"Tss hindi ko rin alam kung bakit. Kung bakit naiinis ako sa tuwing kasama niya si Athena? Kung bakit lagi na lang siya ang pumapasok sa isip ko tuwing pauwi ako ng bahay?"

"Because you're JEALOUS as simple as that. Huwag mong itanggi ang bagay na dapat ay nararamdaman mo ng kusa, lalo ka lang mahahalata."sabi pa niya na ikinaisip ko.

--

"Mag-ccr muna ako ah."paalam ko kay Marcos at inayos ang palda na suot ko bago maglakad papalayo.

"But i like you! Mahirap bang intindihin yun Mad?"napintig ang
tenga ko sa boses na iyon.

"Pero hindi kita--"bumungad sa harap ko ang naghahalikang si Maddox at Athena. Sa sandaling iyon ay dun ko napatunayan na hindi lang selos ang meron sa dibdib ko ngayon. Sakit, pagseselos at galit.

Malakas na itinulak ni Maddox si Athena sa may locker kasabay nun ay ang panlalaki ng mata niyang paglingon sa akin. Matamlay akong ngumiti at pilit na itinatapon ang nararamdaman ko pero ewan, nasasaktan ako yun ang alam ko.

"R-Royal--"ibinigay ko sa kanya ang isang makapal at malapad na kwaderno.

"Yan ang libro na ipinapagawa mo, ho-hope you like it"hawak ko ang notebook kung saan doon ko muling sinimulan ang librong ipinapagawa niya, balak ko sana siyang sorpresahin pero mukhang ako yung nasorpresa.

"Royalty it is not what you think, hinalikan niya ako--"

"Maddox tama na, manliligaw lang naman kita diba? Besides wala akong karapatan na iratang sayo kung sino lang ang dapat mong ligawan. Hindi ko rin naman hiningi ang eksplinasyon mo, ikaw ang nagkusa. Gu-Gusto ko lang talagang ibigay sa'yo ang ipinagawa mong yan."pilit ngiting saad ko.

"Niligawan kita kasi alam ko na may pag-asa ako sa'yo tapos ngayon mo ako itataboy kung kailan MAHAL NA KITA? Royalty naman!"gusto ko mang matigilan ay pinigilan ko.

"At siguro tama nga na hindi ko sinagot ang tanong niyo, dahil mangyayari 'to. Maddox, ang nararamdaman mo hindi yan, hindi yan tama.--"

"What do you mean, simula pa lang noon minahal na kita. Simula pa noong nakita ko ang pagtulong na ginawa mo kay Eli noong mga panahon na amusin na siya tapos ngayon mo ako pahihintuin?"

"Dahil nasaktan na ako at ngayon nasaktan na naman ako! H-Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng taong naiwan ng biglaan at walang paalam! Da-Dalawang tao na ang nawala sa akin Maddox a-at kung mawawala ka hindi ko kakayanin! Kaya gusto kong lumayo ka sa akin! At inaamin ko na nagseselos ako! Nagseselos ako!"kasabay nun ay ang paglandas ng luha na kanina ko pang pinipigilan.

And this is how my feelings f*cked me up.

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon