Chapter 2

110 20 2
                                    


Laila

Pinonasan ko na ang mga luha sa mga mata ko. Kainis naman! Bakit ba kasi hindi ma wala wala sa panaginip ko ang itchura ng lalaking yon. Araw araw na lang siyang dumadalaw at araw araw rin akong umiiyak ng dahil sa kanya.

Sino ba siya at bakit niya ginugolo ang takbo ng isip ko. Hindi ko naman siya kaano-ano pero bakit ganon? Siguro kakapanood ko ito ng mga movie kaya kong ano-ano na lang napapanaginipan ko.

"And now please welcome are candidates for Mr. Handsome 2020."

Isa isa ng nagsilabasan ang mga lalaki at wala akong paki kong sino man sila. Dahil wala naman akong hilig na manood nga ganitong show. Sumama lang ako sa besfriend ko dahil wala akong magawa sa apartment.

Gusto ko rin naman maranasan ang ganitong event sa school kaso wala talaga ako sa mood ngayon para magenjoy.

"Laila ano bang ng yayari sayo at ang longkot longkot ng mukha mo. Wala tayo ngayon sa cementeryo tandaan mo yan!"

"Wafa naman, sabi ko naman sayo na hindi ako mageenjoy sa mga ganitong ganap. Sumama lang ako dahil wala akong magawa."

"Sabi ko na nga ba. So? Anong gagawin mo ngayon tatayo na lang dito?"

"Hindi naman, syempre manonood rin ako kaso tatahimik lang ako at hindi ako magwawala di katulad mo."

"Alam mo Laila walang masama sa pagsigaw kong nageenjoy ka."

"Sige na, manood ka na lamg dyan at wag mo na akong pansinin okay lang ako dito."

Akala ko magiging masaya ang araw na ito dahil wala kaming pasok. Pero hindi rin pala. Ang daming pumapasok ngayon sa isip ko at hindi ko alam kong paano ko ito haharapin.

Simula kasi nong napanaginipan ko ang lalaki yon. Para may kong ano naguudyok sa puso ko na hanapin siya. Pero saan ko naman siya makikita ang laki-laki ng Pilipinas.

Hindi ko nga rin alam ang pangalan niya. Kahit hanapin ko pa siya mabibigo lang ako. Napakamot na lang ako sa ulo. Ang tanga tanga ko lang kasi.

Paano ko naman pala hahanapin ang taong nasa panaginip ko kong hindi naman ito totoo.

"Sa wakas na kita ko narin kayo Wafa." wika ni Jai at tumabi ito sakin.

Tinignan ko lang siya tapus ibinalik ko ulit ang paningin ko sa harapan.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka ng galing?"

"Pinontahan ko lang si Ken dahil sabi niya may training kami bukas sa basket ball."

"Sinong Ken? At anong basket ball ang pinagsasabi mo?"

"Wafa, nagaudition ako kani na at ayon nakuha ako. Si Ken ang captain namin. Sikat siya dito sa school dahil magaling siya magshoot ng bola."

"Ganon ba? Pakilala mo naman kami sa kanya!"

Ito talagang si Wafa puro lalaki na lang iniisip. Ang dami dami kayang lalaki sa mundong ito. Sabagay maganda naman si Wafa kaso nga lang niloloko lang siya at pinaglalaroan.

Hindi naman kasi niya pinipili ang tao na magiging boyfriend niya. Hindi man lang kinikikatis. Basta pagtumibok ang puso ayon na! Kaya ayon ilang break up na ang naranasan niya sa buhay.

"Buti na lang na papayag mo si Laila na pumunta dito."

"Wala kasi siyang magawa kaya sinama ko na lang."

"Laila? Kumain ka na ba?"

"Jai, wala akong panahon sayo. Hanggang magkaibigan lang tayo."

"Alam ko naman yon, tinatanong lang naman kita?"

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon