Chapter 28

24 19 0
                                    

Laila

Matyagang hinintay ni Ace si Stifany sa labas ng classroom niya. May usapan kasi sila na sabay sila kakain. Mabilis naman na tapus ang last subject nila at masaya si Stifany dahil sa tagal ng panahon na hindi nila na kita ang isat-isa ay muli na naman silang magsasama.

"Kanina ka pa ba dyan?" wika ni Syifany pagkalabas nito sa classroom.

Nakangiti tinignan lang siya ng kanyang boyfriend. Mabilis siya nitong niyakap na ikinagulat niya.

"Na miss kita, subra." wika ni Ace.

"I miss you too, sige na kumalas kana baka kong ano pa ang sabihin nila satin."

"Bakit? Hindi naman nila tayo isusumbong sa Papa mo." at mas lalo pangkinulong ni Ace si Stifany sa kanyang mga bisig.

"Kahit na. Malay mo may pinadala pala dito si Papa para bantayan ako."

"Sige na nga. Tara na sa canteen na gugutom na ako." wika pa nito at kumalas siya pagkakayakap at mabilis nito hinawakan ang kamay ni Stifany.

"Ikaw talaga, isang linggo lang tayong hindi nagkita. Ang clingy mo na."

"Diba nga ang sabi ko na miss kita."

"Alam ko, nabasa ko kaya ang mga love letter na sinulat mo."

"Buti naman at nabasa mo akala ko kasi walang pagasa na maiabot ko sayo yon."

Ngumiti lang si Stifany sa kanya. Kitang kita niya sa mga mata ni Ace kong gaano siya kasaya ngayon. Gusto niyang yakapin ito kaso hindi niya ma gawa baka kasi may makakita sa kanila at umabot pa sa Papa niya. Baka kong anong gawin nito kay Ace.

'Hindi ko na hahayaan na ma ulit mo li ang nangyari sa park. Ayoko ng makita siyang nasasaktang ng wala man lang akong ginagawa.' wika ni Stifany sa isip nito.

"Akala mo ba hahayaan ko na lang na hindi ko ma basa ang mga sinulat mo. Gumawa kaya akong ng paraan."

"Mahal na mahal mo talaga ako Stifany."

"At patuloy kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ko."

Masaya nilang tinahak ang canteen. Ang sweet sweet nilang tignan at lahat ng nga nadadaanan nila nagtitilian. Alam na ng buong campus ang kanilang napakagulong relasyon pero nanaig parin ang pagmamahal sa kanila ng mga istudyante. Kaya wala silang problema doon ma liban na lang kong may pinadala na naman ang Papa ni Stifany ng taga bantay sa kanya.

Matapos magorder ni Ace naghanap na agad sila ng upoan. Magkaharap silang umopo para makita nila ang bawat isa. Ganon kasi nila na miss ang isat-isa kaya hindi nila na isipan na magtabi.

"Ka musta na para ang mga sugat mo?" pagbabasag ni Stifany ng katahimikan.

"Magaling na. Alam ko kasi na papagalitan mo ako ka paghindi ko inalagaan ang sarili ko."

"Mabuti naman, nga pala sorry dahil na saktan ka dahil sakin."

"Wala yon. Ganon talaga pag nagmamahal masasaktan at masasaktan ka talaga ka pag ang dahilan ay hindi pabor sating dalawa."

"Hayaan mo na, babawi na lang ako sayo sa susunod."

"Wag na, kahit makasama at makita lang kita araw araw masaya na ako."

"Bumabanat ka na naman."

"Hindi ako bumabanat nagsasabi kang ako ng totoo."

"Kumain na lang kaya tayo, pagkatapus nita gagala tayo."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon