KenMaaga pa lang sinundo ko na si Laila. Wala namang kaming pasok ngayon dahil christmass na at siguro ito na ang huling araw na pasukan ngayon. Pumasok na ako sa gate at dumiritsyo na sa loob ng aparment nito. Sakto pagpasok ko na abutan ko si Laila na hinahatak ang malita nito kaya dali dali akong lumapit sa kanya at inagaw ito.
"Ako na ang magdadala." wika ko.
"Salamat, nga pala bakit ang aga mo naman yata?"
"Excited lang siguro ako, ngayon lang kasi ako makakapunta sa Bacolod."
"Never ka pa pala na ka punta doon."
"Bakit ikaw na ka punta na ba?"
"Oo, pero isang besis lang at hindi na na ulit. Hindi ko na nga matandaan ang mga lugar na nan don dahil masyado pa akong bata nong dinala ako ni Papa at Tito."
"Pareho lang pala tayo."
"At least ako nakapunta na e, ikaw pupunta pa lang."
Ngumiti lang ako sa kanya at hinatak na palabas ang malita niya sa kanyang apartment. Napagusapan kasi namin kahapon nong pumunta kami sa dagat na pupunta kami sa Bacolod dahil kong dito kami maghahanap sa Maynila tiyak na mahihirapan lang kami. Dahil sa Bacolod naman ito na ganap doon namin hahanapin ang pamilya ni Ace. Sana lang nan doon pa sila para naman hindi kami mahirapan.
Pero hindi ko parin aalisin sa list ko ang Ama ni Laila at ang kakambal nito. Ayon kasi sa napanaginipan ko nagiisang anak lang si Ace. Hindi naman pwedi may anak si Ace sa labas bago iyo nagpakamatay dahil ang igsi lang ng oras. Kaya na lilito parin ako kong bakit magkapareho ang last name nila.
"Ken, tara baka ma huli tayo sa flight natin." wika nito at pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa Ninoy International Airport.
"Laila sana lang mahanap agad namin ang pamilya niya. Para naman hindi masayang ang pinonta natin doon."
"Magtiwala ka Ken. Malakas ang loob ko na makikita natin sila sa Bacolod."
"May tiwala naman ako sayo."
"Ken nga pala saan mo naman ibibilin ang sasakyan mo?"
"Ah, kukunin ito ni Papa na pagsabihan ko na siya na aalis tayo. Balak nga nila ni Mama na ihatid tayo kaso umayaw ako."
"Sana pinayagan mo na lang, gusto ko pa naman makilala ang Mama mo."
"Sa pagbalik na lang natin pagbibigyan kita na makilala siya. Basta wag lang ngayon hindi ako ready."
"Natatakot ka lang siguro baka sa bihin ko sa kanya lahat ng kabalastogan ginawa mo sakin."
"Tumahimik ka na lang dyan."
Pagdating namin sa Airport at nag park na si Ken sa malapit lang para ma bamilis itong makita ng Papa niya. Sinabihan naman niya ang guard na pakitignan ito. Dala ang malita pumunta na kami sa line namin. Saktong naman at papaalis narin kami kaya inabot na namin ang ticket at dumiritsyo na kami papunta sa sasakyan naming eroplano.
Tinignan ko lang si Laila at makikita sa kanyang mukha ngayon ang labis na kasiyahan. Panay ang ngiti nito na para bang excited na excited siya muli makita ang Bacolod. Sabagay na ka punta na siya doon.
Nang makaupo na kami ng maayos ilang minuto lang nagsimula ng umangat ang eroplanong sinasakyan namin.
"Ready ka na ba?" pagtatanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Oo naman, kagabi pa ako ready at alam mo ba masayang masaya ako ngayon."
"Bakit?"
"Dahil ikaw na naman ang kasama ko. Palagi na lang ikaw. Pero okay lang mahal naman kita."
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?