Laila
From Ken,
Pwedi bang sabay na tayo mamaya sa paguwi? May sasabihin kasi ako sayo.From Ken,
Nga pala good morning.From Ken,
Hintayin na lang kita mamaya sa parking area. Okay ba yon?Pinatay ko na lang ang cellphone ko at ibinalik ito sa bulsa ko. Nakakainis talaga siya. Bakit ba kailangan niya pa akong kulitin ng ganito. Hindi ba siya na uubosan ng load kakatext lang sakin. Wala na ba siyang magawa sa buhay kaya ako na lang ang pinagtri-tripan niya. Anong akala niya sakin sasakay agad sa gusto niya. Ang dami ko pang problema dito sa school at sa grades ko da-dagdag pa siya.
"Good job group b pinahanga niyo ako sa galing niyo. Naitawid niyo ng maayos ang report niyo kahit na medyo mahirap ang napili niyong topic."
"Thank you Ma'am Jean."
"Your welcome, pwedi na kayong bumalik sa kinauupo'an niyo."
Tinignan ko lang si Wafa at masaya itong umopo sa tabi ko. Sa wakas na itawid narin niya ng maayos ang report niya. Ilang araw rin kasi siyang nagpapaturo sakin kong paano niya ipapaliwanag ang mga napili niyang topic.
"Thank you talaga Laila dahil sayo hindi ako nagkamali kanina."
"Wala yun, puriin mo ang sarili mo dahil ginalingan mo. Alam ko naman na makakaya mo lahat ng yun."
"Ililibre na lang kita mamaya, para makabawi ako sa ginawa mong pagtulong sakin."
"Ikaw bahala. Basta ako, hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit galing sayo."
"Wag ng masyadong ma drama. Makinig na lang tayo."
Muli kong inayos ang sarili ko at na kinig na lang sa mga in put na binibigkas ni Ma'am Jean. Believe rin ako sa teacher na ito, alam niya talaga kong paano pakikisamahan ang mga istudyante niya hindi katulad sa ibang mga guro na puro panga-ngaral na lang ang ginagawa na hindi naman connected sa lesson namin.
Habang nagta-take down notes ako sa mga sinasabi ni Ma'am sa hindi inaasahan na isulat ko ang pangalan ni Ace. Mabilis kong binitawan ang ballpen ko at sabay hinga ng malalim. Buti na lang talaga hindi na pansin ni Wafa. Itiniklop ko na lang ang notebook ko at hindi na ako nagsulat pa.
Sino ka ba talaga Ace at bakit parati kitang nakikita sa isip ko at sa mga ala-ala ko. Para ka talagang kabuti na bigla bigla na lang susulpot ng hindi inaasahan. Ace ano ba kasi ang kinalaman ko at bakit sa akin ka nagpapakita. Hindi naman tayo siguro kamaganak kaya please lang tumigil kana dahil natatakot na talaga ako sayo.
"Class, about sa Hollowen Ball niyo. Just send me your picture wearing your costume and sent it to my gmail with you ten sentence explaination why did you choose that kind of dress and looks."
"Okay Ma'am."
"Good, dahil malinaw na ang lahat you can go now but don't forget to read your notes dahil magbibigay ako ng test sa susunod natin pagkikita."
Tumango lang kaming lahat kay Ma'am. Akala ko sa ssg lang ako malilintikan pero hindi pala. Kailangan ko talaga sumali dahil nakasalalay dito ang grades ko. Ayoko naman bumagsak dahil lang hindi ako sumali.
"Laila let's go para naman wala na akong utang sayo." wika ni Wafa sabay hatak sa kamay ko.
Pero bago pa tuloyan mahatak ni Wafa ang kamay ko papunta sa kinaroroonan niya bigla na lang hinawakan ni Jai ang kamay ko.
"Wait, wait, wait! At saan naman kayo pupunta? Parang masyado naman kayong nagmamadali at hindi niyo pa talaga ako inimbita."
"Tsk! Tara na nga ang dal-dal mo!" pagsasalita pa ni Wafa.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?