Chapter 37 - Sport Fiest

22 19 0
                                    

Laila

Kadadating ko lang ngayon sa classroom at halos lahat nakatingin sakin. Maaliwalas ang mga mukha nila na parang wala silang iisinip na masama laban sakin. Hindi ako sanay sa ganito dahil ngayon lang nakita ganito ang mga ka-klasi ko. Siguro masaya lang sila dahil sa wakas meron sa section namin na lalaban sa sport fiest.

"Good morning Laila, palakpakan naman natin ang representative natin." wika ng class prisendent namin at naghiyawan naman ang mga ka-klasi ko.

"Tiyak na mananalo na tayo this year dahil kay Laila." pagsasalita ni John.

"Oo nga, ang ganda ka niya ng bosis niya. Tiyak matatalo natin ang mga Education." wika naman ni Mark.

"Tiyak na mananalo ang pambato natin dahil may tiwala kami sa galing niyang kumanta diba Laila." wika ni Jai.

Napatingin lang ako sa gawi niya at hindi ako sumagot. Naglakad na ako papunta sa likod dahil doon ako magpra-practice. Naka set na lahat ng nga gagamitin ko at ako na lang ang hinihintay ng mga ka-klasi. Sabagay indi pa nila naririnig ang bosis ko kaya inaabangan talaga nila ako ng mabuti.

"Guys, bigyan na mo na natin ng oras na maka paghanda si Laila. Ang mabuti pa gawin na mo na natin ang mga design na gagamitin niya mamaya." wika ulit ni prisedent at inangayonan naman ng lahat.

Buti na lang wala na sa akin ang mga mata nila. Dahil kong patuloy silang titingin sakin hindi talaga ako makakanta ng maayos.

"Laila, ready ka na ba mamaya?" bungad sakin ni Wafa.

"Sana sinabi mo yan sakin bago niyo ako pinagtripan."

"Laila naman, alam naman namin na magaling ka at tinutulongan ka lang namin na ma over come ang takot mo na hunarap sa maraming tao."

"At hito pa talaga ang naisip niyo."

"Dahil alam namin na wala ka ng magagawa kong nan dyan kana."

"May magagawa pa ako Wafa?"

"Wala na, sige na simulan mo na ang pagiinsayo mo."

Ngumiti na lang ako kay Wafa kahit na naiinis parin ako sa kanya. Kinuha ko na ang lyrics sa bag ko at tinignan lang ito. Sana itong kanta na to ang magpapanalo sa department namin. Kukunin ko na sana ang microphone sa kamay ni Wafa ng biglang nag ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong sinagot ng walang pagalinlangan.

"Good morning Laila. Na saan ka ngayon?"

"Nasa school na ako. May practice ako ngayon."

"Ganon ba, good luck. Pagkatapus mo dyan manood ka agad ng laro ko."

"8:00 am pa lang. Mamaya pa ang laro mo."

"Kaya nga pinagsasabihan kita na manood ka."

"Sige na manonood ako mamaya."

"Asahan ko yan. Sige mag practice kana. Galingan mo."

"Byeeee." wika ko at pinatay ko na ang cellphone ko.

Hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya na kukuha ang gusto niya. Mahirap ba talagang intindihin ang mga sinabi ko. Manonood naman ako at hindi ko papalampasin ang pagkakataon na ito na makita siya na naglalaro.

"Laila, pwedi bang magtanong?" bahagya akong napaatras ng marinig ko ang bosis ni Denmark.

Ngayon lang siya muling naki pagusap sakin. Siguro napansin na niya na ayaw sa kanya ni Ken kaya umiiwas na lang siya sa gulo. Mas ma buti na ngayon para walang away na maboboo.

"Anong klasing tanong naman yan?"

"Ano palang kakantahin mo mamaya?"

"Love Story by Taylor Swift, ito kasi ang kanta na ka pagnarinig ng lahat sasabay sila sa pagkanta sayo."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon