Chapter 52 - Bacolod City

24 20 0
                                    


Ken

Ito na ang huling araw ng pamamalagi namin dito sa Bacolod at sa wakas na hanap narin namin ang pamilya ni Ace. Hindi nga ako nag ka mali na nagkabaliktad nga ang pamilya namin ni Laila. Ang haba rin ng hinintay namin bago namin malaman ang lahat ng ito. Ngayon sigurado na ako ang kailangan na lang namin gawin ngayon ay ang pagtagpu'in ang pamilya ng dalawa. Para ma pagusapan ng maayos ang dahilan kong bakit ayaw na ayaw ng dalawa pamilya magmahalan ang mga ito.

Alam kong hindi basta basta ang dahilan na ito, dahil hindi aabot sa puntong magpapakamatay ang dalawa kong mababaw lang ang naging dahilan. Pero hindi, pilit sila inilalayo sa isat isa.

"Ken anong iniisip mo?"

"Iniisip ko lang kong ano mangyayari pagkatapus nito."

"Ako rin, hindi ko alam kong ano ba ang ipinaglalaban ng dalawang pamilya. Bakit ayaw na ayaw nilang magmahalan ang dalawa."

"Sana nga masagot lahat ng mga tanong natin. Nga pala paano kong magaway-ayaw ang pamilya natin?"

"Parang malabo naman yon, ang babait kaya ng mga magulang natin."

"Oo pero kong iisipin mong mabuti nagsimula lahat sa kanila ni Ace And Stifnay at na buksan lang muli nong magsimula nating makita ang isat-isa."

"Kaya nga, sana lang walang mangyaring masama sating dalawa dahil na tatakot ako sa pweding mangyari."

"Basta kapag kasama mo ako walang mangyayari sayo. Manatili ka lang sa tabi ko."

"Mananatili lang ako sayon Ken."

Tinignan ko lang si Laila ng mapatingin ito sa bag niyo. Dahan dahan niyang kinuha ang papel na binigay sa kanya ng Madre kahapun. Ngayon lang namin mababasa kong ano man ang nakasulat dito. Buong hapon kasi kamo na masyal at na kaligtaan namin ang sulat.

"Ken, ngayon araw pala ang kaarawan ni Laila." wika nito at dahan dahan na binuksan ang papel.

"Oo nga, nakalimotan ko."

"Tiyak na pupunta ang pamilya mo sa cementeryo para dalawin si Stifany."

"Siguro nga, pero wala namang sinabi si Papa sakin."

"Diba nga ang sabi ng Papa mo kinalimitan na nila si Stifany pero hindi sa puso kaya tiyak na dadalaw parin sila."

"Sige kakausapin ko nan lang mamaya si Papa. Sige na Laila basahin mo na ang nakasulat."

December 5, 1957

Dear Ace,
Alam mo ba na kaaraw ko na bukas. Pero tiyak na hindi mo naman makukuha agad to kaya sana dalawin mo ko ulit sa bahay. Kahit na kumaway ka lang sakin masaya na ako. Alam ko naman na hindi ka papayagan ni Papa makapasok kaya gawin mo na lang dati mong ginagawa. Dahil tapus na ang klasi natin tiyak na pagbabawalan na ako ni Papa na lumabas kaya dalawin mo ko parati. At isa pa wag kang mabahala magpapadala ako ng sulat sayo at ipapangalan ko ito sa paaralan natin pa libri mong makuha ang sulat at ma tanggap mo agad.

Ace sana wala parin magbabago sating dalawa. Alam kong nagaalala ka dahil ikakasal na ako sa susunod na araw. Pero magtiwala ka sakin dahil hindi naman ako papayag sa gusto nila. Gusto ko bago man mangyari ang kasal o sa araw ng kasal mis mo. Magpakita ka sakin dahil handa akong magpakalayo layo kasama ka.

Ikaw lang ang lalaking mamahalin at hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ang lalaking hindi ko naman kilala. Sana Ace ipaglaban mo ko dahil gagawin ko ang lahat para hindi ma tuloy ang kasal. Bilang ka arawan ko naman bukas yon na lang ang hihilingin ko sayo. Namakipagkita ka sakin bago o sa araw ng kasal ko.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon