Chapter 49

25 20 0
                                    

Ken

Nakasandal lang ako ngayon habang hinihintay na tumawag ang Papa ni Laila. Buti na lang talaga at napapayag ko si Wafa na pakitignan ang cellphone ni Laila. Wala man itong contact number, na ibigay naman niya ang pangalan ng Papa ni Laila sakin kaya dali dali ko itong hinanap sa facebook at ang pinagtataka ko lang ay magkaiba sila ng last name na ginagamit ni Laila.

Sa natatandan ko Liala Ellis ang totoong pangalan ni Laila at ang sa Ama na naman niya ay Si Fifth Sison. Bakit magkaiba ang last name nilang dalawa at bakit makapareho ang last name ng Papa niya ang last name ni Ace? Hindi kaya tama ang hinala ko na nagkapalit kami ng pamilya ni Laila? Pero paano naman ng yari yon?

Kailangan ko na talagang makausap ang Papa niya sa lalong madaling panahon para malaman ko na ang lahat. Iinom nasa ako ng tubig ng biglang tumonog ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha.

"Hello po?" bungad ng Ama ni Laila sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang paggalang.

"Hello po sa inyo. Ako po si Ken kaibigan ng anak niyo." dahil sa sinabi ko parang nagiba ang timpla ng mukha niya.

"Kaibigan ka lang ba ng anak ko o may mas higit pa don? Sana aalala ko kasi dalawa lang ang naging kaibigan nito."

Kilalang kila niya talaga ang anak niya. Bakit ba kasi hindi man lang ako pinakilala ni Laila sa Ama niya yan tuloy nawala ako ng amor. Parang hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Nga pala at saan mo naman hiningi ang pangalan ko? Importanting tao lang kasi ang nakakaalam sa pangalan ko at parang hindi ka naman isa sa kanila." wika ulit nito at parang gusto ko na talagang patayina ng cellphone ko.

Nanginginig narin ang mga paa ko dala ng kaba. Hindi ko talaga ma isip kong bakit ganito ang kaba na nararadaman ko, kong screen lang naman ang namamagitan saming dalawa. Ken lakasan mo ang loob mo. Kailangan mo siyang makausap alang alang kay Laila.

"Sir. Hiningi ko po kasi ang pangalan mo sa kaibigan kong si Wafa na kaibigan ng Anak niyo po nakaibigan ko narin."

"Kong kaibigan ka nga nang anak ko bakit hindi kaman lang niya pinapakilala sakin. Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi ka man lang niya pinakilala. Sino kaba talaga at anong kapay mo?"

"Sa totooo lang po nan dito po ako para tulongan kayong surprisahin ang anak niyo. Nasabi niya kasi sakin na uuwi kayo at hindi parin niya alam kong kilan. Kong iyo pong  mamarapatin handa po akong tumolong mapasaya lang anak niyo." wika ko at na tahimik lang ito. Titig na titig rin siya sa mga mata ko. 

"Mahal mo ba ang anak ko?" wika nito at parang mawawalan ako ng balansi dahil sa sinabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kong pano ko sasagutin ang tanong niya. Akala ko ba ma bait ang Ama niya bakit ganito siya kong makipagusap sakin parang ayaw na ayaw niya.

"Kong hindi mo ma masasagot ang tanong mabuti wag mo na lang akong tulongan sa pagsurprise sa anak ko."

"Mahal ko po ang anak niyo kaya ko po to ginagawa. Gusto ko lang po mapasaya siya dahil ang dami dami na niya pong problema sa ngayon kahit sa ganitong paraan man lang maging dahilan ako para maging maganda ang taon na ito para sa kanya." at mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Out of the blue bigla kong na sabi yon.

Nagulat na lang ako ng biglang tumawa ng napakalakas ang papa ni Laila at may lalaking tumabi sa kanya at panay rin ang tawa nito. Ngayon para na akong nalilito na ako sa kanilang dalawa kong sino ba ang Papa ni Laila dahil magka mukhang magkamukha talaga sila. Pinagtawanan lang nila ako habang ako naman ay hindi makapaniwala sa mga nasabi ko.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon