Chapter 63

23 15 0
                                    


Ken

"Happy birthday." bati ko sa kanya ng makarating kami sa bahay nila.

Ngumiti lang siya sakin. Alam kong kinakabahan siya at ganon rin ako pero hindi ito ang tamang oras para hayaan na lang namin na lunorin kami ng kaba. Na una na akong bumaba sa kanya at pinagbuksan ko siya ng pinto. Pagkababa niya agad siyang tumingin sakin.

Hindi ko alam kong ano ngayon ang pumapasok sa utak niya pero kailangan ko siyang tulongan. Kailangan ko siyang damayan sa lahat ng bagay. Akoyo kong nakikita siyang malongkot at nahihirapan. Dahil nasasaktan lang ako pagnakikita ko siyang ganon at wala man lang ako magagawa para maibsan yon.

"Ken, alam mo ba ito na ang pinakamasayang birthday ko."

"Alam ko, tignan mo ang nasa paligid pinaghandaan talaga nila ang kaarawan mo." wika ko.

Ang ganda lang kasi tignan. Nagkalat ang ibat-ibang bulak-lak sa paligid tapus maraming ballon na naglalakihan. Ang dami rin mga lamisang nagkalat. Pinaghandaan talaga ng Ama niya ang araw na ito. Masaya ako dahil masaya si Laila ngayon.

"Hindi rin ako ma ka paniwala. Akala ko simpling handaan lang ang gagawin nila."

"Kaarawan mo to kaya gagawin nila lahat. Diba nga sabi mo minsan mo lang ipagdiriwang ang kaarawan mo na kasama ang Papa mo. Kaya hito tinodo na ng Papa mo."

"Natatandan mo pa pala ang mga sinasabi ko sayo."

"Oo naman, lahat ng bagay na dinasabi mo sakin hindi ko nakakalimutan. Nga pala bakit wala pang tao."

"Mamaya pa sila darating. Na kausapan ko naman sila Wafa, Jai at Russel." 

"Ganon ba, masayang reunion para satin to."

"Tara na nga sa loob baka naghihintay na sila sakin."

"Tara na."

Nauna na siyang maglakad at sumonod lang ako sa kanya. Pagpasok namin sa bahay sinalubong agad kami ng Papa niya at Tito.

"Magandang umaga po sa inyo." bati ko at nakipagkamayan ako sa kanila. Agad naman niyakap ni Laila ang Ama niya. 

"Akala ko mamaya pa kayo darating." wika ng Ama nito.

"Inagahan ko pa, dahil alam kong nagaalala kayo sakin dahil sa nagyari." wika ni Laila.

"Wag na nating pagusapan yon Anak. Wala naman nangyaring masama sayo."

"Salamat pa, nga pala nasaan si Lola?"

"Ayos nasa kusina may kinakausap?"

Biglang nagtaka si Laila sa naging sagot ng kanyang Ama sa kanya.

"Sino po ang kinakausap niya?"

"Gusto mo na bang makita kong sino ang kinakausap ng Lola mo?"

Bakas sa mukha ni Laila ang pagtataka. Ni ako hindi ko rin alam kong sino ang tinutokoy ng kanyang Ama. Nan dito rin kasi ang Tito ni Laila kaya posibling siya ang kausap ng Lola nito.

Ngumiti lang ang kanyang Ama sa kanya. Mamaya lang tumayo na ito at naglakad. Ni hindi man lang nagsalita ng kahit ano.

"Tito may alam kaba kong sino ang kinakausap ni Lola sa kusina?"

"Malalaman mo rin, tiyak na matutuwa kong sino ang makikita mo."

"Tito naman."

Tumawa lang ang Tito niya. Kahit ako nagtataka na king sino ba talaga ang tinutukoy nila.

"Ayan na ang Papa at ang Lola mo kasama si.."

Hindi na naituloy ng Tito niya ang sasabihin ng biglang may batang babaeng lumabas sa likod ng wheelchair. Nakangiti ito at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni Laila.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon