Chapter 47

16 19 0
                                    


Denmark

Nakatulala lang ako ngayon sa sala namin habang pinagmamasdan ang litrato ni Papa ang ni Stifany. Hindi ko talaga lubos akalain na mangyayari ang lahat nito. Hindi ko alam kong ano ang dahilan ni Papa kong bakit siya sumonod sa hukay bago niya buntisin ang magulang ang Mama ko. Kahit ako galit parin kay Papa dahil sa pagiwan niya samin ng Ina ko.

Tapos ito pa ang igaganti niya sa pagkawala niya. Ibinigay niya sakim ang mga ala-ala niya na kahit kilan hindi ko naman ginusto na mapasakin. Ang sakit sakit dahil sa tuwing kikita ko kong ano ang mga nangyari sa pagmamahal nila Stifany at Ace para ako ang nasaskatan dahil sa ginawa ni Papa.

Naalala ko pa nga kong paano niya sinabi sa mga magulang niya na gusto niya si Stifany.

Matapus na kumatok sa pinto si Ricky ay pumasok na ito sa kwarto ng kanyang Ama at Ina. Nakangiti lang ito na para bang may isa siyang magandang balita na kailangan sabihin sa kanila.

"Ano ang sadya mo dito anak?" pagtatanong ng kanyang Ama.

"Pa maysasabihin sana ako. Alam kong hindi na ako bata para sabihin to sayo."

"At ano naman yan anak?" sagot ulit ng Ama nito at na natili lang tahimik ang Ina niya na animoy nasasabik narin itong marinig ang sasabihin niya.

"Ma, Pa gusto ko sanang pakasalan ang anak ni Don. Tassara. Alam kong susuportahan niyo naman ako dahil alam ko na kilala niyo ang pamilya nila."

Dahil sa sinabi ni Ricky biblang gumohit ang mga ngiti sa mga labi ng mga magulang niya. Hindi nila ma ibsan ang kasiyahan na nararamdaman nila ng malaman nila ang gusto ng anak nila.

"Bukas na bukas kakausapin natin si Don. Tassara sa pakikipag isangdibdib mo sa anak niya. Tiyak na magugustohan niya ang balitang ito."

"Salamat talaga Pa. Pangako ko pa tutulongan ko kayo sa lahat ng bagay."

"Anak, ang gusto lang namin ay ang makita kang masya. Alam na min na magiging masaya ka sa kanya."

"Salamat talaga Ma. Pangako ko pa mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal niyo sakin."

"Bukas na na bukas pupunta na agad tayo sa kay Don. Tassara para maipagsundo na kayong dalawa. Sige na anak ma tulog kana para may malakas ka bukas."

"Goodnight Pa, good night Ma. Mahal na mahal ko kayong dalawa."

Niyakap na ni Ricky ang mga magulang siya at lumabas na ito. Pagdating niya sa kanyang sariling kwarto sinara niya agad ang pito at pinilit na pinapakalma ang sarili dahil sa labis na kasiyan na nararamdaman niya ngayon. Sa wakas na tutupad narin ang isa sa mga hiling niya.

Kinabukas pumunta agad ang pamilya ni Ricky sa bahay ni Don. Tassara. Pinaunlakan naman sila agad. Sinabi na ng Papa ni Ricky kong ano ang pakay nila at kong bakit sila nan dito. Nan laki lang ang mga mata ni Don. Tassara ng malaman niya ang totoong pakay nila. Pero mabilis itong palitan ng ngiti at hindi makapaniwala si Ricky dahil sa naging reaksyon ng Ama ni Stifany.

"Sa wakas na ka hanap narin ako ng lalaking babagay sa anak ko. Masaya ako par sayo, hindi ka nagkamali sa pagpili sa anak ko tiyak na babagay kayong dalawa." papuri ng Ama ni Stifany sa kanya at gumiti lang ito.

"Salamat po, pangako ko po hindi ko babayaan ang anak niyo."

"Mabuti, dahil ngayon may maaasahan na ako tao para sa anak ko. Pero alam mo na ba ang kwento niya?"

"Opo, alam ko na po lahat pero hindi po ako titigil dahil lang sa ganon. Hindi na babagay para sa anak mo ang isang lalaking na katulad ni Ace."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon