Chapter 46

20 18 0
                                    


Ken

Nakamasid lang ako ngayon sa labas ng kwarto nila Laila. May usapan kasi kami ngayon na after class ipagpapatuloy namin ang paghahanap sa pamilya ni Ace. Hanggang may oras pa gagawin namin ang lahat bago pa dumating ang araw na kinakatakotan namin.

Aminado ako na habang palapit ng palapit ang araw kong saan ikakasal si Stifany kay Ace, natatakot ako. Ayokong dumating ang araw na yon at may mangyari samin ni Laila at wala man lang kami may magagawa. Tanda tanda ko pa ang sinabi sakin ni Denmark na pweding maulit ang nakaraan at ayokong mangyari yon samin.

Paano kong ng yari nga at si Laila ang na unang tumalon siguro hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Kaya hanggang maaga gagawa ako ng paraan. Inayos ko na ang sarili dahil nakikita ko na siyang nagaasikaso ng mga gamit nita. Pero bago pa ako makalapit sa pintoan nila sinalubong agad ako ni Denmark.

"Ka musta? Na hanap niyo na ba ang mga sarili niyo?" bungan nito.

"Yon nga ang problema, nahanap na namin ang pamilya ni Stifany pero yong kay Ace parang mahihirapan kami."

"Pano niyo na hanap ang pamilya ni Stifany?"

"Sa picture na na kita ko sa kwarto ni Laila. Tapus non na laman ko na Tita ko pala si Stifany at anak ako ng isa sa mga kapatid niya."

"So, ibigsabihin niyo pamilya mo nga si Stifany."

"Ganon na nga, ang problema ngayon namin kong paano mahahanap ang pamiyla ni Ace."

"Kong na hanap niyo ang pamilya ni Stifany hindi malabo na mahanap mo rin ang pamilya ni Ace."

"Nga pala bakit mo ko kinakausap?"

"Dahil gusto ko lang sabihin sayo na sa araw ng kaarawan ni Laila mangyayari ang lahat. Hindi ko alam kong ano pero na tatakot ako sa pweding mangyari."

"So, anong gagawin mo?"

"Hanggat maari hindi ako pweding lumapit sa inyo dahil ka pag ginusto ko tiyak na hindi mo na ngayon kasama si Laila."

"Denmark, nagugulohan na talaga ako."

Hindi siya mo na nag salita at tinignan niya lang ako. Sa totoo lang kasi hindi ko alam kong ano na ang gagawin ko ngayon. Dahil lang sa mga sinasabi niya para akong duduwag.

"Hito lang ang masasabi ko hanggat maaga dapat kailangan niyo nang mahanap ang pamilya ng dalawa at mapagusap sila ng maayos at malaman ang totoong dahilan kong bakit bawal ang relasyon nila ni Ace at Stifany."

"May alam ka ba tungkol sa kanila."

"Wala at labas na ako doon dahil hindi ko naman sila kilala noon at hanggang ngayon. Ang sa akin lang ay kailangan kong umiwas para ma protektahan mo si Laila laban sakin."

"Salamat talaga Denmark. Asahan mong gagawin ko ang lahat."

"Aasahan ko yan. Mauna na ako ayan na ang siya." wika nito at agad na siyang lumayo.

Muli kong nilongon si Laila at papalabas na ito ng pinto. Sinalobong ko agad siya. Nakangiti lang ito na parang hindi siya problemado. Ganyan nga Laila  kailangan mong maging matapang ngayon at wag kang magaalala dahil sasamahan kita.

"Anong na pagusapan niyo?" bungan nito at nagumpisa na kami sa paglalakad.

"Sinabi niya sakin na kailangan na natin mahanap ang pamilya ni Ace."

"Wala ba siyang alam sa mga bagay bagay na ito?"

"Meron naman pero yong tungol sa dalawa hindi niya talaga alam ang tunay na dahilan kong bakit ayaw sa kanila ng kanilang pamilya."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon