Laila
"Anak pakibilisan mo na nasa labas na ang sasakyan ni Ken, mahiya ka naman sa kanya." wika ni Papa.
"Nan dyan na po." sigaw ko.
Mabilis kong kinuha ang bag ko sabay sara ng pintoan ng kwarto. Pagdating ko sa sala naka ready na si Tito at si Papa. Mukhang excited pa silang umowi sa bahay kisa sakin. Sabagay matagal rin silang hindi na ka punta doon kaya nagmamadali silang makita muli ang bahay.
"Pa tara na." wika ko sa kanila at tumango lang sila sakin. Na una na akong lubamas. Sakto pagbukas ko ng gate nakita ko agad si Ken na naka sandal sa sasakyan niya.
"Good morning po sa inyo." bati niya ng makita niya si Papa at Tito.
"Good morning rin iho, sorry kong natagalan kami ito kasing anak ko ang dami pang ginawa." wika ni Papa.
"Wala po yon. Hindi naman po ako nagmamadali."
"Nga pala Ken. Si Papa na lang daw ang magdri-drive ng sasakyan mo dahil alam niya na hindi mo alam ang pupuntahan natin." wika ko naman.
"Wala problema po sakin Tito." tanging sagot naman ni Ken.
"Tara na para hindi tayo ma stuck sa traffic mamaya." wika ni Papa.
Pinagbukas na ako ng pinto ni Ken sa likod. Pagpasok ko sumonod narin siya. Sakalokoyan ngayon nasa driver seat si Papa dahil siya ang magdadala ng sasakyan ni Ken si Tito Forth naman nasa tabi niya. Nagmaayos na kaming nakaupo lahat pinaandar na ni Papa ang sasakyan.
Napatingin lang ako kay Ken. Masyado itong tahimik. Halatang kinakabahan siya at hindi ma pakali. Kong ano man ang iniisip niya ngayon sana hindi ito ma ka apikto mamaya ka pag nakita na niya si Lola. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Ace.
"Ken, okay ka lang ba?" pagtatanong ko sa kanya at dahan dahan itong tumingin sakin.
"Oo, kaso hindi parin mapanatag ang loob ko kakaisip kong ano ang mangyayari mamaya pagnakita ko na ang ina ni Ace."
"Ken wala kang dapat ipagalala. Hayaan mo lang si Ace na gawin ang gusto niya mamaya."
"Ganon na nga ang gagawin ko."
"Tiyak na hindi ka naman masasaktan at isa pa nasa tabi mo lang ako at hindi kita pababayaan."
"Alam ko naman na hindi ka aalis sa tabi ko." wika niya at sabay hawak sa kamay ko.
Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Buti na lang dahil hindi man sila ni Papa nag bitaw ng salita tungkol samin ni Ken. Alam naman nila na nagmamahalan kami. Sa ganon posisyon dahan dahan ng pumikit ang mga mata ko.
"Anak, ka musta ang paghahanda mo sa araw ng kasal niyo." pagtatanong ng kanyang Ama.
Tinignan lang siya ni Stifany na para bang wala itong gana kausapin siya. Araw araw na lang kasi ganon na lang ang mukhang bibig ng Ama nito sa kanya. Kaya naiirita siya sa tuwing tinatanong siya ng kanyang Ama.
"Pa, ilang bisis mo bang dapat ipaalala sakin ang ganitong bagay?"
"Hanggang sa tuloyan mo ng makalimotan ang lalaking yon."
"Kahit kilan Pa hindi ko siya kayang kalimotan. Mas ma buti pang ikaw mis mo ang makalimotan ko wag lang siya." wika ni Stifany at sabay lapag ng librong binabasa niya.
"Wala ka talagang respeto sakin!"
Akmang sasampalin na siya ng kanyang Ama ng mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.
"Ganon na lang ba parati ang gagawin mo sakin. Sa tuwing sinasagot kita ng pabalang sasaktan mo ko. Wala ka talagang kwentang Ama. Kong nabubuhay lang sana si Mama tiyak na nagiisa ka na lang ngayon!" wika niya at malakas na ibinagsak ang kamay ng kanyang Ama.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?