Chapter 31

22 19 0
                                    

Laila

Sa wakas na itawid ko ng maayos ang practical test namin. Salamat talaga kay Denmark dahil hindi niya ako pinabayaan.

"Thank you, talaga."

"Wala yon, ang galing mo nga sumayaw."

"Hindi naman, kong hindi dahil sayo hindi naman ako makakapasa."

"Sige, maiwan na mo na kita dyan."

"Salamat ulit."

Ngumiti lang ako sa kanya tanda ng pagpapasalamat ko. Sana lang hito na ang huling araw na magcro-cross ang landas naming dalawa. Hindi naman sa ayaw ko siyang kaibiganin pero parang maynararamdam akong kakaiba sa kanya.

Mabilis akong lumapit kila Wafa dahil na gusto ko siyang tanongin kong ano pinagusapan nila ni Ken. Nagtataka kasi ako ng makita ko siya, hindi man lang siya ngumiti sakin at higit sa lahat hindi niya man lang ako hinintay na matapus. Sana okay lang siya.

"Laila, hito pala pinabibigay sayo ni Ken." wika ni wafa sabay abot ng paper bag. Kinuha ko naman ito at tinignan ang laman. Puro pagkain, binilhan niya talaga ako.

"Nga pala wafa may sinabi ba siya sayo?"

"Meron, ang weird niya nga. Nakatalikod siya habang kinakausap ako. Hindi ko nga siya ma intindihan."

"Bakit ano bang sinabi niya sayo?"

"Kabilin bilinan niya na sabihin ko daw sayo na hindi ka na daw niya maihahatid sa inyo dahil may pupuntahan daw siya."

"Ganon, salamat na lang."

"Nga pala Laila, bakit hindi ka man lang niya hinintay?" 

"Hindi ko rin alam, baka siguro na padaan lang siya para ibigay ito sakin."

"Tara, sabay na tayo."

"Ma una na lang kayo. May dadaan pa kasi ako."

"Sige. Maiwan ka mo namin. Jai tara na."

"Paano si Laila?" nagtatakang tanong ni Jai.

"May dadaan pa siya. Tara na ma una na tayo."

"Ingat Laila." wika ni Jai. Ngumiti lang ako sa kanila.

Ano naman kaya ang gagawin ni Ken bakit hindi man lang niya mo na ako hinintay. Nakakapanibago kasi dahil hindi naman siya ganito. Namimilit pa nga yon ka pagsasabihin na ayokong magpahatid sa kanya. Pero ngayon hindi man lang niya ako kinausap bago siya unalis.

Dala ang bag lumabas na ako sa campus. Dahil wala si Ken. Maglalakad na lang ako. Sa bahay ko na rin kakainin ang mga pagkain na ibinigay niya.

Pagdating ko ng bahay nagpalit na agad ako ng damit. Amoy pawis kasi ako at hindi ko gusto ang amoy ng katawan ko para akong masusuka. Umopo na ako sa lamisa at tinignan lang ang paper bag. Ang sweet sweet niya talaga. Hindi niya talaga ako na kalimotan. Ite-text ko na lang siya para naman maka pagpasalamat ako sa kanya.

To Ken.
Thank you sa mga pagkain. Nga pala bakit hindi mo ko hinintay?

From Ken.
Wala yon, kainin mo lahat ng yan. Sige na may ginagawa pa ako.

To Ken.
Magingat ka.

Nag hintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na siya nag reply. Siguro nga may ginagawa siya. Pero ang saya saya ko parin dahil siya ka una-unahang lalaking ang gumawa nito para sakin.

Akmang tatayo na sana ako ng bigla nakaramdaman ako ng pananakit ng ulo ko. Mabilis akong napahawak sa ulo ko at tangin mukha lang ni Laila ang nakikita ko.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon