Chapter 8

43 19 0
                                    

Laila

Katatapus ko lang kumain at masaya ako dahil hindi na naman ako dinalaw ng dalawang lover sa panaginip ko. Hindi man lang ako umiyak, sana magpatuloy na ito para naman bumalik na sa normal ang buhay ko. Sakto paglabas ko ng gate isang itim na sasakyan ang tumigil sa harapan ko.

Kanino naman kaya to? At dito pa talaga niya na isipan na tumigil sa harap ng gate namin. Hindi niya ba alam na bawal ang ginagawa niya. Hindi naman parking area ito. Hindi na lang ako kumibo at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Habang tinatahak ang daan papunta sa university napapansin ko na sumosunod sakin ang itim na sasakyan. Ang bagal kasi ng takbo niya at tuwing titigil ako sa paglalakad tumitigil rin siya. Ano naman kaya ang gusto niya sakin?

Huminga mo na ako ng malalim at tumigil sa paglalakad at humarap sa sasakyan. Kong sino man ang nagdri-drive nito malilintikan siya sakin. Mabilis akong lumapit at kinatok ang mirror nito.

Napaatras na lang ako ng biglang bumaba ang mirror at muli naka ngiting mukha lang ni Ken ang nakikita ko. Hindi niya ba talaga ako tatantanan!

"Good morning Laila. Sumabay kana sakin at para maihatid narin kita."

"Kong inaakala mo madadala mo ako sa ganito! Pwes nagkakamali ka!"

"Lahat gagawin ko para lang maging okay tayo. Tara wag ka ng masungit at sumakay ka na lang."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Maglalakad na lang ako!"

"Sumakay ka na lang at wag ng matigas ang ulo mo. Bahala ka, pagnalate ka hindi ko na kasalanan yun."

Napatingin agad ako sa cellphone ko dahil sa sinabi niya. Saktong twenty minutes na lang at masisimula na ang first period ko. Bawal pa naman akong ma late dahil hindi na ako makakapasok. Tatlong kanto pa ang lalakarin ko bago ako makarating sa university.

Paano na to? Ayoko na muli humingi ng tulong sa kanya. May utang pa ako sa kanya kahapun dahil iniligtas niya ko. Ayoko ko na talaga na pumasok sa buhay niya.

"Ano papayag ka na ba?"

"Pwedi ba pagkatapus nito tumigil ka na!" wika ko at ma bilis kong binuksan ang sasakyan niya.

"Papayag ka naman pala ang dami mo pang sinasabi."

"Wala na akong ibang choice at isa pa ayokong ma late."

"Ang sabihin mo gusto mo lang akong makasama ngayon umaga. Alam ko naman na mahal mo rin ako Laila kaso na hihiya ka lang."

"Asshole!"

"Ang sakit mo naman magsalita."

"Dapat lang na masaktan ka para tumigil kana sa kahibangan mo."

"Okay lang na masaktan ako ng paulit-ulit pero hindi pa rin ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sakin."

Hito na naman siya. Nanaginip na naman. Paano ako babalik sa kanya wala namang kami. Hindi talaga siya nagiisip ng maayos. Sana na pagkatapus nito tumigil na talaga siya baka kasi hindi ko na mapigilan ang bibig ko at kong ano anong masasakit na salita ang maibato ko pa sa kanya.

Wala naman akong balak na saktan siya ang gusto ko lang 'ay layuan niya ako. Hindi ko kailangan ng lovelife ngayon ang tangin gusto ko lang 'ay maka pagfocus sa pagaaral ko. Gusto ko lang kasi maging proud sila Mama at Kuya sakin. Ang dami na rin kasing na itulong ni Kuya sa pagaaral ko kaya hindi ko sila dapat bigyan ng sakit sa ulo. 

"Nan dito na tayo, sabay na tayo mamaya na kumain pwedi?"

"Thank you na lang,  busy ako kaya kumain ka magisa."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon