Chapter 59

28 20 0
                                    


Laila

Nasa isang restuarant ngayon ang pamilya ni Stifany at Ricky para pagusapan ang nalalapit nilang kasal. Nanatili lang tahimik si Stifany dahil wala naman siyang karapatan magsalita. Kong magsasalita man ito kukuntrahin lang siya ng kanyang Ama at papagalitan. Mas okay na tumahimik na lang siya kasi sumali sa usapan.

Dahil alam ni Stifany sa sarili niya na gagawa ng paraan si Ace para hindi matuloy ang kasal. Nangako rin siya na tutulongan niya si Ace doon. Kahit kilan hindi pinangarap ni Stifany na maikasal sa ibang lalaki hindi niya naman mahal.

"Pa, pupunta mo na ako sa cr." wika ni Stifany dahil hindi ito ma kahinga ng maayos dahil sa mga naririnig niya.

"Sasamahan ko na po siya." wika ni Ricky pero agad naman siyang pinandilatan ng mata ni Stifany.

"Wag na Kuya ako na ang sasama sa kanya at isa pa pangbabae ang cr kaya hindi ka makakapasok." pagsasalita ng kapatid nitong babae.

"Sige na anak samahan mo na ang Ate Stifany mo." wika ng Ina niya.

Wala na nagawa si Stifany kundi ang magpasama sa nakakabatang kapatid ni Ricky. Pagkapasuk nila sa cr agad na isinara ng kapatid ni Ricky ang pinto na ikinagulat naman ni Stifany.

"Hi? My name is Feng? Sorry kong ngayon lang tayo nagkita. Lumowas pa kasi ako ng ibang basta just for this."

"Stifany nga pala. Sorry kong naabala pa kita."

"No, wag kang mag sorry sakin. You know what ako dapat kailangan humingi ng sorry sayo dahil sa ginawa ng nakakatandang kapatid ko."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I know the whole story between you and my brother. Alam kong hindi mo gusto ang kasal na ito. Napilitan ka lang dahil natatakot ka sa Papa mo at itong wala kwentang kong kapatid sumali pa gulo niyo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya."

"Alam mo na pala ang lahat."

"Oo, pagdating ko dito nagtanong tanong agad ako sa mga kakilala ko. I know na may iba kang minamahal at alam kong hindi si Kuya ang tipo ng lalaking magugustohan mo."

"Hindi talaga siya ang mahal ko." wika ni Stifany at bahagya itong yumoko at unti unting na naman tumolo ang mga luha niya.

"Stop it, walang magagawa ang pagiyak mo. Alam kong si Ace ang lalaking gusto mo makasama kaya isa lang ang mapapayo ko sayo. Kong gusto mong lumigaya wag mo piliin ang Kuya ko dahil habang buhay ka lang masasaktan. Kilala ko siya at hindi siya ang Kuya ko na ka pag kaharap ka niya."

"Salamat dahil akala ko wala na akong kakampi."

"Hindi kita kinakampihan pinagsasabihan lang kita. Ayoko lang masira ang buhay mo nakasama ang Kuya ko. Kaya please lang gumawa ka ng paraan para hindi ma tuloy ang kasal."

"Pangako, hindi ko hahayaan ma tuloy ang kasal."

"Gawin mo ang nararapat, dahil gagawa rin ako ng paraan ko para hindi ma tuloy ang kasal niyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta, alam ko naman na dadating sa araw ng kasal mo ang lalaking mahal mo. Nakakasigurado ako sa bagay na yon. Kapag dumating siya tumakbo na kayo agad dahil akong bahala sa kasal niyo."

Hindi makapaniwala si Stifany dahil sa na rinig niya. Kaya mabilis niyang nilapitan si Feng at niyakap ito ng mahigpit. Buong akala niya kasi wala na siyamg ibang masasandalan at buti na lang at may meron pang tanong naaalala siya sa kabilang na nangyayari.

Malaking pasasalamat ni Stifany dahil sa mga sinabi ni Feng sa kanya. Mas lalo lang lumakas ang loob niya para hindi ituloy ang kasal na hindi naman niya ginusto. Kaya gagawin niya ang lahat para lang makasama ang taong tinitibok ng puso niya.

"Sige na, punasan mo na ang mukha mo at ayosin mo na ang sarili mo. Baka kong ano pa ang sabihin nila sayo pagkalabas mo."

"Salamat talaga ng marami."

"Nga pala sabihin mo sa lalaking minamahal ang pinagusapan natin dahil sa tingin ko ito na ang huli nating paguusap baka kasi makahalata sila."

"Tatandaan ko ang mga sinabi mo." wika ni Stifany at inayos na siya ang sarili niya.

Pagkalabas nila sa cr bumalik sa dati si Stifany. Tahimik at walang gana. Dahil kong ipapakita niyang na masaya ito baka kong ano ang isipin ng kanyang Ama. Bumalik sa pagkain si Stifany at inisip ang mangyayari sa araw ng kasal niya.

"Laila okay ka lang ba?" pagtatanong sa sakin ni Ken.

Tinignan ko lang si Ken at dahan dahan ko kinapa ang ulo ko. Nanaginip na naman ako buti na lang at hindi ito masama. Nakakapagod na rin kasi isipin ang nangyayari sa kanila ni Ace at Stifany. Nagugulohan na talaga ako.

Naghahalo ang ibat-ibang emosyon sa utak ko. Hindi ko alam kong ano mangyayari sakin pagkatapus nang paguusap na ito. Magiging maayos ba ang lahat o magiging magulo.

"Laila relax lang. Sasamahan kita at hindi kita iiwan."

"Ken, sana lang maging maayos ang lahat."

"Maayos ito. Magtiwala ka lang. Tara na sa loob ng bahay ang Lola at ang  Papa mo naghihintay na sayo."

Tumango lang ako sa kanya at pilit akong ngumiti kahit na mahirap para sakin. Habang papalapit kami sa pintoan ng bahay lalo akong nakaramdama ng kakaibang kaba. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.

Sana lang walang mangyayaring masama pagkatapus nito.

"Laila, timingin ka mo na sakin." wika ni Ken at tumigil kami sa paglalakad.

Mabilis akong humarap sa kanya at tinignan siya. Ramdam na ramdam ko rin na pati siya kinakabahan.

"Laila, please lang wag kang panghinaan ng loob nandito ako sa tabi mo at hindi kita iiwan. Kong kinakabahan ka mas kinakabahan ako. Hindi ko alam kong anong gagawin ko pag may nangyari sayo. Kaya ipangako mo sakin na makakaya mo ang lahat ng ito."

Dahil sa sinabi niya mas lalo lang nang hina ang puso ko. Natatakot ako para sa sarili ko baka kasi pagkatapus nito masaktan ko lang siya. Ayoko kong mangyari yon dahil mahal ko na siya.

"Laila, sabay nating haharapin ang araw na ito. Hinding hindi ako aalis sa tabi mo pangako. Tara na oras na para harapin natin ang taong nasa likod ng lahat ng ito."

"Ken, sorry. Pangako magiging matatag ako para sating dalawa at para sa pamilya natin."

Hindi na nagsalita si Ken at hinalikan na niya ako sa noo at sabay yakap. Gusto ko man na sabihan siya kong gaano ko siya ka mahal pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Sana tumigil na lang ang mundo at manatili kaming ganito. Magkayakap at walang iniisip kundi ang sarili naming dalawa.

Kumalas na ako sa pagkakayakap kay Ken nagmahimas masana ako. Oras na para harapin ko to ng buong tapang. Oras na para wakasan ang lahat ng ito.

---

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon