Ken
Katatapus ko lang ngayon mag practice para sa laro namin bukas. Kailangan kasi dahil hindi basta basta ang makakalaban namin. Alam namin na malakas talaga ang mga Education Student hindi lang sa pautakan pati narin sa mga sport and acvitity. Buti nga ngayon lang inanonsiyo ang sport fiest, kaya may pagasa kaming manalo bukas.
"Sir. Aalis na po ako."
"Basta Ken galingan mo bukas. Kailangan nating manalo."
"Gagawin ko po lahat ng makakaya ko bukas Sir. Manalo lang tayo."
"Ganyan nga, malaki talaga ang tiwala ko sayo. Ball captain ka pa naman ng school natin. Sige na 8:30 ang call time natin. Dahil 9:30 masisimula ang laro niyo."
"Okay Sir. Asahan niyo po ako bukas."
"Sige, pwedi ka ng umalis."
Matapus kong magpaalam kay Sir. Kumaripad agad ako ng takbo. Naghihintay kasi si Laila sakin sa coffee shop. Gusto niya pa sana na manood siya ng practice ko kaso ang sabi bukas na lang. Baka kasi pagtripan lang siya ng mga ka-klasi ko.
Ayoko lang siyang ma out of place kaya sinabihan ko siya na sa coffee shop na lang siya maghintay dahil susunod naman ako sa kanya.
Pagdating ko sa coffee shop na kita ko agad siya. Nakaupo lang ito at na katingin lang siya sa daan. Hindi man lang niya ako na pansin na dumating na ako. Sabagay hindi ko rin naman kasi siya tinawagan na papunta na ako. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at ng nasalikod na niya ako mabilis kong nilagay sa balikat niya ang kamay ko.
"Bulaga! Hahahahha! Aray... Arayyy." wika ko at mabilis akong umopo sa kabilang upo'an. Siya na nga itong ginugolat tapus nagawa pa niyang manakit.
"Ka musta ang paghihintay mo sa gwapo mong boyfriend? Naiinip ka ba?"
Tinignan niya lang ako sa mata at bakas parin sa pagmumukha niya na naiinis siya sa ginawa kong paggulat sa kanya. Sana hindi ko na lang ginawa yon. Akala ko kasi magandang gawin hindi pala.
"Laila hindi ka ba magsasalita dyan? Hindi mo ba ako papansinin. Nan dito na nga ako." wika ko ulit pero nanatili lang siyang tahimik.
"Laila ano bang problema mo? May naaalala ka na naman ba?"
"Tsk! Wala akong problema. Naiinis lang ako sayo." walang ka gana ganang wika nito.
"Sorry na, akala ko kasi matutuwa ka pero hindi pala. Sige na anong gusto mong kainin para ma wala na ang pagkainis mo sakin?"
"Kahit ano na lang. Ikaw bahala."
"Ayan ka na naman sakin. Sorry na nga Laila. Promise hindi ko na uulitin sa susunod. Hindi pala nagandang ideya na gawin yon sayo."
"Sige bilhan mo na lang ako ng coffe jelly at chocolate cake."
"Sure, basta ipangako mo sakin na hindi kana naiinis sakin?"
"Oo na, omorder kana bago pa magbago ang isip ko."
Tumayo na ako at nagorder ng kakainin naming dalawa. Hindi talaga ako makakapaniwala na magagalit siya sakin. Sabagay ang bobo ko naman kasi sa part na yon.
Bumalik na agad ako ng matapus akong maka pagorder. Tinignan ko agad siya at maaliwanas na ang mukha nito at nakangiti na siya. Kong ganyang lang siya araw araw hindi na ako mababahala sa kalagayan niya. Hindi na ako magiisip kong okay lang ba siya? Kong may nangyari na naman ba sa kanya?
"Ken, anong oras ang laro mo bukas?" pagtatanong nito sakin.
"9:30 ng umaga kaso ang call time namin 8:30 sabi ni Sir."
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?