Chapter 44 - Sport Fiest End

22 19 0
                                    

Laila

Kong titignan ko lang ang buhay ko nong hindi pa dumadating si Ken at ngayon na nandito na siya. Ang laki-laki talaga ng pinagbago. Dahil sa kanya maraming ako na tutunan at na lampasan na mga bagay bagay na hindi ko lubos akalain na makakaya ko.

Aminado akong hindi ako ganito dati. Tangin si Jai lang at Wafa ang taong pinagkakatiwalaan ko noon pero nong nakilala ko si James. Nagbago na talaga lahat. Hindi ako nagsisisi na ganito ang naging takbo ng buhay ko. Alam kong may dahilan lahat kong bakit ng yayari to samin. Kailangan ko lang ngayon pagkatiwalaan ang sarili ko at mga taong nasa paligid ko. Lalong lalo na si Ken.

"Pa? Na patawag ka?" wika ko ng makita ko sa screen ang mukha niya.

"Mangangamusta lang ako sayo anak kaso mukha ka namang okay dyan."

"Pa naman. Kahit na ka ngiti ako ngayon deep inside nasasaktan rin ako lalong lalo na hindi ka pa umuuwi."

"Hayaan mo anak malapit na, inaasikaso na ni tito mo ang ticket namin dalawa."

"So uuwi na kayo?"

"Secret, gusto kong masupresa ka sa pagdating ko. Nga pala sa susunod na bwan na ang kaarawan mo anong gusto mo?"

Para akong natigilan dahil sa naging tanong ni Papa. Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa kanya. Wala pa naman kasi akong balak na gawin sa birthday ko at isa pa kong alam niya lang sana ang pinagdadaanan ko ngayon. Huminga na lang ako ng malalim bago nagsalita.

"Pagdating niyo na lang pa. Alam ko naman na hindi niyo papalampasin ang birthday ko."

"Ikaw talaga anak. Kahit kilan alam na alam mo talaga ang takbo ng isip ng Papa mo."

"Sige na Pa may activity pa ako school ngayon hapun. Magingat ka dyan sa Thailand."

"Ikaw rin Laila. Miss na miss na kita. Ingatan mo rin ang sarili mo."

"I love you pa."

"I love you more. Bye."

Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinalik ito sa bulsa. Nagmadali na akong lumabas ng apartment dahil naghihintay na sakin si Ken. Tiyak na naiinip nayon.

Paglabas ko ng gate naka abang na agad ang saskayan nito. Nakabukas narin ang pinto kaya pumasok na agad ako.

"Bakit na talagan ka na naman?" wika nito at agad na niyang pinaandar ang sasakyan.

"Tumawag kasi si Papa kaya kinausap ko mo na."

"Ano naman sinabi niya sayo?"

"Nauuwi na daw sila ni Tito, pero hindi ko alam kong kilan pero surprise daw."

"Mabuti naman."

"Nga pala pagdating nila, ipapakilala kita kay Papa."

"Bakit naman?"

"Para ma kilala ka nila. Kasi tangin kilala lang niya at si Wafa at Jai. Gusto ko rin na makita mo siya."

"Basta kong ipapakilala mo ako, siguradohin mong hindi ka aalis sa tabi ko."

"Malamang, hindi naman ng ngangain nga tao sila Papa at Tito. Mabait sila kagaya ng Papa mo."

"Matanong ko lang na saan ba sila ngayon?"

"Nasa Thailand doon sila nagtra-traho. Miss na miss ko na nga siya."

"Hayaan mo dadating naman sila maghintay ka lang."

Pagdating namin sa campus dumiretsyo na agad kami sa field. Hapun naman at hindi na gaano ka masakit ang sikat ng araw. Mabilis ng hinila ni Ken ang kamay ko at pumila na kaming dalawa.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon