LailaHito na ang araw na pinakahihintay ng lahat maliban lang sakin. Hindi talaga ako game sa ganitong activity. Kong may pagpipilian lang sana ako hindi talaga ako sasali. Pero wala, kaya anong pang magagawa ko kondi sasali na lang. Sayang din ang costume na binili ko kong hindi ko man lang gagamitin.
"Laila hindi ka pa ba magbibihis dyan o wala ka talagang balak na pumunta sa Ball?" bulyaw sakin ni Wafa.
Walang ka gana gana tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa cr. Hindi na lang ako nagsalita baka kasi pagalitan niya lang. Kararating niya lang at ayoko sana siyang pumunta dito dahil susundoin ako ni Ken. Kaso nga lang umipal patong kaibigan ko.
Ngayon aasarin na naman niya ako. Mabilis akong naligo dahil ang lamig ng tubig. Naligo naman ako kaninang umaga kaya hindi naman siguro ako manga-ngamoy nito mamaya.
"Bilisan mo na dyan!"
"Wafa bakit ka ba nagmamadali may dalawang oras pa tayo bago magsimula ang event sa school at isa pa ilang kanto lang naman ang aparnment ko sa skwelahan natin."
"Kahit na! Mas maaga tayong makakapunta mas masaya."
"Wala ka bang date kaya ka nan dito?"
"Grabi ka naman? Porket my ka date gaganyanin mo na ako?"
"Hindi naman sa ganon, nagtatanong lang naman ako sayo."
"Meron kaso hindi niya ako masusundo. Kaya sasabay na lang ako sayo. Bakit? May problema ka ba?"
"Wala naman!"
"Siguro susundiin ka ni Ken no?"
Hindi ko ulit siya pinansin dahil aasarin naman niya ako. Kinuha ko na ang costume ko sa kabinit at isinoot ito. Pagkatapus pumunta na ako sa sala para maglagay nga make up. Nakasunod lang sakin si Wafa at bawat galaw ko pinagmamasdan niya.
"Laila?"
"Bakit?"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko?"
"Oo susundoin ako ni Ken! Okay ka na?"
"Ayeeeee! ang sweet naman ng boyfriend mo!"
"Hindi ko siya boyfriend!"
"Eh anong itatawag mo sa kanya?"
"Basta! Wag ka na puro tanong dahil sa ginagawa mo hindi ko nasisimulan ang dapat kong gawin."
Nagsimula na akong malagay ng eye liner sa mata ko. Habang naglalagay ng mga kulureti na aalala ko na naman ang ng yari samin kahapun ni Ken. Hindi ko talaga lobos ma isip na ganon ang gagawin ko.
Matapus kong maalala si Stifany at Ace bigla ko na lang siya niyakap at ang masaklap pa umiyak ako sa harapan niya. Parang natatakot naman ako sa nararamdaman ko. Paano kong ipaubaya ko ang sarili ko sa mga alaala ni stifany paano na ako?
Paano na ang buhay ko. Hindi ko pa naman alam kong hanggang kailan ito magtatagal. Kong ano manang gusto niyang ipahiwatig sakin sana lang hindi ako masaktan at ganon rin siya.
Gusto ko naman siyang tulongan pero na tatakot lang ako sa pweding mangyari sakin. Kapag binuksan ko siya ng pinto at tinanggap ko siyang ng buong buo.
"Laila hindi ka pa ba tapus dyan? Parang na patamimi ka na naman dyan?"
"Nagfo-focus kasi ako sa ginagawa ko. Bakit ba? Kong gusto mong ma una hindi naman kita pipigilan."
"High blood ka girl? Tinatanong lang naman kita."
"Oo na tapus na ako."
"So pwedi na ba tayong umalis?"
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?