Chapter 16

22 19 0
                                    

Ken

Masaya ako dahil pumayag na siya na maging partner niya ako sa darating na Halloween Ball.  Akala ko wala ng pagasa pero meron pala. Iba rin kasi ang trip niya masyado niya akong pinaghintay.

Pinagbuksan ko na siya ng pinto. Makangiti lang itong lumabas habang dala dala niya ang damit na sususotin niya.

"Thank you nga pala sa pagsama sakin." wika nito.

"Wala yun, masaya naman ako na kasama ka at hindi ako mapapagod na samahan ka araw araw."

"Masyado mo naman akong binubola."

"Hindi kaya, I am telling you the truth about what I feel."

"Sige na, umiwi ka narin sa inyo gabi na baka kong may mangyari pa sayo sa daan."

"Sweet, ngayon concern kana sakin."

"Hindi namam sa ganon, ayoko lang ma walan ng partner sa ball."

"Okay, pumasok kana at aalis na rin ako."

"Bye, magkita na lang tayo bukas."

Nagwave lang siya sakin. Ng makapaspk na siya sa gate pumasok na rin ako sa sasakyan ko. Hindi ko talaga ma explain kong gaano ako ngayon ka saya. Ngayon unti unti ko ng nakukuha ang loob niya at alam ko balang araw ma to-totonan rin niya akong mahalin.

Alam kong ma layo layo pa ang lalakbayin ko para makuha ko ang matamis niyang oo pero pagsusumikapan ko yun. At sana lang wag na niyang isipin si Stifany dahil hindi siya ang dahil kong bakit mahal ko siya.

Alam kong kailangan ko rin tulongan si Ace para bumalik ulit kay Stifany pero paano. Kong hindi parin binubuksan ni Laila ang damdamin niya. Alam kong may alam na siya dahil na sa kanya na ang ala ala ni Stifany pero hindi lahat. Hindi niya parin na aalala kong bakit siya nagpakamatay. Alam kong sa oras na malaman niya ito si-sisihin niya ako.

Kaya nga kailangan kong makausap siya sa lalong padaling panahon. Ayokong pati kami ni Laila masira dahil lang sa kwento nila. Hindi ko alam kong bakit sa amin nila na isipan na ilagay ang mga ala ala nila.

Sana lang sumangayon ang lahat sa gusto kong mangyari. Sana lang tulongan ako ni Laila para matapus na kong ano man ang namamagitan kila Ace at Stifany.

Saktong pagdating ko ng Condo na ka tanggap agad akong ng message mula kay Laila.

From Laila:
Hindi ko alam na masaya ka pa lang kasama. Hindi ko talaga makakalimotan ang araw na ito. Salamat dahil tinulongan mo akong makahanap ng susuolit ko at salamat rin dahil ni libre mo pa ako dinner. Ingat ka sa paguwi.

Para akong kinilig dahil sa text niya.

To Laila:
Nakauwi na ako. Nga pala salamat rin dahil pinayagan mo ako na maging ka date mo sa araw ng ball. Pangako ko hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo.

From Laila:
Sana lang, dahil ka pag hindi naging masaya ang gabi ko sa ball. Hindi mo na talaga ako ma kikita.

To Laila:
Pangako ako ang magiging joker mo sa gabing yon.

From Laila:
Goodnight Jaker!

To Laila:
Sabi ko Joker hindi Jaker!"

From Laila:
Hindi ka mukhang payaso sa paningin ko! Goodnight.

To Laila:
Goodnight. Have a sweet dream. Sana magkita tayo sa panaginip mo.

Naghintay pa ako ng ilan minuto pero hindi na siya nag reply pa. Siguro nakatulog na siya. Sana lang Laila mapanaginipan mo ako.

Naligo na ako at nagbihis na. Hindi na ako kumain dahil busog pa ako. Ng makahiga ako sa kama muli na naman sumagi sa isip ko si Ace.

Naka upo lang si Ace sa harap ng Mama niya. Nakayuko lang ito dahil wala siyang mukang mahihaharap sa Ina nito. Alam niya na papagalitan na naman siya at tanggap na niya ito. Hindi nga niya lubos pa isip na tanging Ina niya pa ang hahadlang sa kaligayahan niya.

"Ace! Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo! Hindi kita pinalaki ng ganyan para lang bigyan ako ng sakit sa ulo."

"Ma, hindi mo ako masisisi nagmahal lang ako at hindi ko kaya mawala si Stifany sa buhay ko."

"Anak alam mo bang ang gulong pinapasukan mo! Paano kong ipapatay ka ng ama niya! Anak isipin mo naman ang sarili mo! Ang kapakanan mo!"

"Ma, kahit ano pa ang sabihin mo hindi mo na mababago ang isip ko. Mahal ko siya at hindi ko kaya mawala siya sa buhay ko."

"Anak naman, hindi nga kayo pweding magsama."

"Bakit ba Ma? Bakit ba pilit mong pinipigilan ang kasiyahan ko. Dapat nga sinusuportahan niyo ako dahil anak niyo ako! Pero bakit ganito. Ma, alam kong nagmahal rin kayo kaya please hayaan mo na ako!"

"Anak, hindi nga pwedi! Hindi ko hahayaan makita ka na nasasaktan dahil lang sa babaeng yun!"

"Ma, alam mo bang ikaw ang ka una unahang babae nagwasak ng puso ko. Sana lang maintidihan mo sana ako."

"Ace, please itigil mo na ang kahibangan mo at hayaan mo na siya."

"Hindi ko magagawa yun, mahal ko siya at ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya at alam kong mahal na mahal rin niya ako."

Hindi na hinintay ni Ace na magsalita pa ang Ina nito. Tumayo na siya at lumabas para mag pahangin. Wala siyang balak na pumasok sa bahay nila na hindi pa kumakalma ang isip niya baka kasi maihagis lang niya lahat ng mga bagay na nakikita niya.

Umopo lang si Ace at tinignan ang kalangitan. Ang daming mga bitwin sa langit at pilit siyang gumagawa ng imahi ni Stifany gamit lang ang isip nito.

Mahal na mahal niya talaga ito at gagawin niya lahat para lang makasama siya. Kahit na tutul pa ang mga magulang nila sa pagmamahalan na meron sila.

"Ace nan dito ka lang pala." wika ng pinsan niyang si Forth. "Nagaway na naman ba kayo ng Mama mo?"

"Ano pa ba ang bago pinsan!"

"Alam mo Ace, ginagawa lang ng Mama mo ang makakabuti sayo."

"Insan naman, anong makakabuti? Tignan mo nga ako. Wasak na wasak na ako! At siya na nga lang ang taong matatakbuhan ko pero ano pilit niya akong pinapalayo sa babaeng mahal ko."

"Hindi kita ma sisisi kong ganyan ang tingin mo sa Ina mo. Pero insan hanggang saan niyo ba balak ni Stifany na lumaban?'

"Hanggang sa matanggap na kami ng mga magulang namin."

"Parang malabo namang mangyari yan. Alam kong nagmamahal kayo ni Stifany pero sana lang isipin niyong mabuti ang makakabuti sa inyong dalawa."

"Insan, kahit na tumotul pa ang buong mundo samin hindi ko parin siya bibitawan. Mahal na mahal namin ang isat isa."

"Iba rin talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Sana lang sumangayon sa inyo ang tadhana."

"Salamat na lang pinsan."

Muling tinignan ni Ace ang kalangitan.

'Sana lang sumangayon talaga ang tadhana para samin dalawa. Hindi ko talaga kasi alam kong paano ako mabubuhay ng wala si Stifany sa tabi ko. Simula kasi nong ma kita ko siya alam kong siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Kaya kong ano man ang mangyari samin hindi ko parin siya bibitawan. Alam kong mahal na mahal rin niya ako. Stifany balang araw matatanggap rin tayo ng mga taong mahal natin.'

Ipinik na ni Ace ang mga mata niya at inisip ang mukha ni Stifany.

Huminga agad ako ng malalim. Feeling ko mamatay ako ng wala sa oras. Tumayo na agad ako at tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin.

Ace asahan mo tutuparin ko ang pinangako mo kay Stifany. Gagawa ko ng paraan para lang magkita kayo ulit pero sana wag masira ang pagmamahal ko kay Laila. Alam kong mahal na mahal mo siya kaya nga tutulongan kita. 

Dumiretsyo na ako sa kusina at kumuha ng gatas sa ref, sana lang pagkatapus kong inumin ito makatulog na agad ako ng maayos.

----

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon