Laila
Katatapus lang ng PE namin at ramdam na ramdam ko pa ang pananakit ng katawan ko. Paano ba kasi pinatakbo kami sa quadrangle ng sampong bisis. Hindi pa naman ako sanay kaya hito na wala lahat ng lakas ko.
Kong wala lang sana kaakibat na grades ito hindi talaga ako tatakbo. Kahit nakakapagod tiniis ko na lang para naman hindi ako pagalitan ni Sir. Ang lakas pa naman niyang sumigaw at mag mura ng kong ano ano. Ayoko lang talaga na pagalitan niya ako dahil sa kaartihan ko. Hindi naman talaga ako maarti sadyang hindi ko lang talaga gusto ang mga pinagagawa sa PE.
Tumayo na ako at lumabas na sa gym. Na una ng umalis si Wafa at Jai dahil magpapalit pa sila ng damit. Palibhasa kasi masyado nilang ginalingan kani na kaya ayon basang basa sila ng pawis. Saktong liliko na ako ng big lang may humarang sa dinadaan ko. Mabilis kong inangat ang tingin ako at muli na naman ng tama ang mga mata namin ni Ken.
"Hi, binilhan pala kita ng energy drink, hito kunin mo para bumalik na ang lakas mo." wika niya sabay abot sakin ng energy drink.
Kinuha ko naman ito at ngumiti lang sa kanya. Pinapatunayan niya talaga na mahal niya ako. Pero kulang pa tong ginagawa niya.
"Salamat at nagabala ka pa?"
"Wala yun, hindi ko naman sana alam kong hindi ako kinausap nila Wafa at Jai sa canteen kani na."
"Hay! Nako!"
"Wag mo na silang sisihin ako naman ang pumilit saka nila. Gusto ko lang talaga na ipakita sayo na mahal kita."
"May magagawa pa ba ako. Pwedi ka ng umalis baka may pasok ka pa."
"Wala na kaming last period, kaya pinuntahan kita dito para yayain ka sana na pumunta ng mall para maghanap ng sususulit para sa Hollowen Ball at gusto ko rin sana tanungin ka kong pwedi ba kitang maka date?"
"Tsk! Ang dami mo naman sinabi. Sige na nga pagbibigayan kita ngayon pero magbibihis mo na ako."
"Sa wakas at pumayag ka narin."
"Pumayag lang ako sumama sayo sa mall dahil maghahanap rin ako ng susuotin ko at isa pa hindi pa ako pumapayag na mahing ka date mo!"
"Ang saklap naman akala ko pumapayag kana."
"Hintayin mo na lang ako sa labas ng school. Magbibihis lang ako."
Naglakad na ako at hindi ko na pinasin pa ang mga sinasabi niya. Pagdating ko ng cr ng bihis agad ako at ng hilamos. Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin at isang tanong ang pumasok sa isip ko.
Tama bang pinagbuksan ko ng pinto si Ken? Paano kong tanging habol lang niya ang mga ala ala ni Stifany sakin. Paano kong tuloyan akong mahulog sa kanya? Tapus sa huli hindi niya pala ako mahal.
Nakakalito naman to. Ano ba kasi ang nakaraan ni Stifany at Ace at bakit nila ako ginugulo. Ano ba kasi ang kailangan kong gawin para matapus na ito at hindi ko na sila kailan man makikita pa. Sana lang hindi sila magdala ng sakit sa ulo ko dahil hindi ko na talaga ang alam ang gagawin. Ayoko ng umiyak ng dahil lang sa kanila.
Paglabas ko ng school sinalubong agad ako ng sasakyan ni Ken. Bago pa ako maka sakay ng bigla kong marinig sila Wafa at Jai sa likod ko.
"At saan ka naman pupunta at sino sasakyan yan?" bungan ni Wafa.
"Oo nga at hindi ka man lang nag sasabi samin!"
"Ngayon! Saan ka pupunta?" pagtatanong ulit ni Wafa pero bago pa ako makapagsalita narinig kong bumokas ang pinto ng sasakyan. Napalingon agad ako sa gawi ni Ken na naka tayo lang gilid ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?