Laila
"Before the class end I would like to say thank you for your perseverance to do your assignment. Hopefully you will continue that kind of attitude not only on my subject but for the rest of your class. Good bye everyone." wika ni Miss. Betty.
Sa wakas na tapus na rin. Hindi ko talaga trip ang kanyang subject. Bukod sa magaling siyang magturo nakakaantok naman ang bosis niya. Inayos ko na lang ang mga gamit ko at tumayo na.
"Tara?" wika ni Wafa at tignan ko lang siya. Saan naman kaya siya pupunta nito?
"Laila sumama ka na samin. Bibili kami ng regalo para sa boyfriend mo. Nagusap kasi kami kaninang umaga nakakahiya naman kong pupunta lang kami doon para kumain." pagsasalita naman ni Jai
"Oo nga, sumabay ka na samin. Alam kong wala ka pang naiisip na regalo para sa boyfriend mo."
Tinignan ko lang sila pareho at tumango lang ako. Hindi na ako nagsalita dahil alam na nila na hindi parin ako nakakabili ng regalo ko para kay Ken. Wala kasi akong maisip na bilhin para sa kanya.
"Nga pala Laila may na isip ka na bang regalo para sa kanya?"
"Hindi ko parin alam Wafa. Wala parin akong naisip."
"Kong bilhan mo na lang kaya siya ng sapatos?"
"Wag Laila, ang dami ng sapatos ni Ken. Kong bibilhan mo siya panigurado hindi niya magagamit." Dugtong ni Jai sa usapan.
"Basta kahit ano na lang ang makita ko mamaya."
"Tsk! Laila hindi pwedi yang na isip mo. Birthday to ni Ken, ng boyfriend mo. Ang regalo pinagiisipan yan at dapat may malalim na ka hulogan kong bakit yan ang ibibigay mo."
"Wafa wala nga akong maisip."
"Laila ganito na lang sasamahan ka na lang namin at bibigyan ka namin ng advice, okay?"
"Kayong bala. Tara na nga, ang oras gumagalaw." wika ko.
Habang nasa jeep kani, hindi parin ma wala wala sa isip ko ang sinabi ni Wafa. Tama nga naman siya pero ano naman regalo ang ibibigay ko sa kanya? Hindi ko nga alam kong anong gusto niya. Kaya wala talaga akong ibang ma isip.
Bakit ba kasi ang hirap maghanap ng regalo na gusto niya. Ngayon dumagdag pa siya sa iniisip ko. Bahala na. Hindi naman siguro siya magagalit ka pagbinilhan ko siya ng kahit ano. Alam ko naman na pagdating sakin lahat gusto niya.
Pagdating namin sa Mall dumitersyo na agad kami sa Men Collection. Na unang bumili si Wafa at ang binili niya ay damit na over size, yon daw kasi ang nauuso ngayon. Maganda naman ang napili niya. Sunod naman namin sinamahan si Jai. Hindi ko talaga alam kong anong trip niyang bilhin para kay Ken.
Kasi sa tuwing hahawakan na niya ang isang bagay. Bigla bigla na lang magbabago ang isip niya tapos iba na naman ang kukunin.
"Jai bilisan mo at sasamahan pa natin si Laila bumili ng regalo niya!" wika ni Wafa na naiinip na kakahintay kay Jai.
"Hito na binibilisan ko naman."
"Anong binibilisan? Hindi ka nga makapili sa dalawang damit na yan kong alin ang bibilhin mo."
"Wafa naman, sige na nga dahil nagmamadali kayo bibilhin ko na lang ang dalawa to."
"Talaga ibibigay mo sa kanya yan?" nagtatakang tanong ko. Ang ganda kasi pareho ng damit at isa pa ang mahal.
"Malamang hindi. Akin ang isa tapus sa kanya to." wika ni sabay winagayway ang isang shirt na my print na superman.
"Bakit yan naman ang ibibigay mo sa kanya? Parang pangbata."
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?