Chapter 57

26 20 0
                                    


Laila

Nakakagaan ng loob na pagmasdan sila ngayon dalawa. Ramdam na ramdaman ko ang pananabik nila sa isat-isa. 

"Laila hito upo'an umopo ka muna baka mapagod ka lang kakatayo dyan." wika ni Tito sakin at binigyan niya ako ng upoan.

"Salamat Tito."

"Nga pala, bakit ka nan dito kong gusto mo naman na marinig ang pinaguusapan nila?"

"Kasi Tito ayokong sirain ang moment nilang dalawa. Dito na lang ako kisa nan doon ako at ma sira ko lang ang paguusapan nila."

"O siya, maiwan na mo na kita dito."

"Sige po Tito."

Inayos ko na ang pagkakaupo at muli silang tinignan dalawa. Naka ganon posisyon parin sila at panay parin ang kanilang pagiyak. Nakakatuwa lang isipin na sa dami ng aming pinagdaaan hindi namin aakalain na aabot kami hanggang dito. Kaya wala ng dahilan para hayaan na lang namin ang ganitong bagay at kalimotan na lang. Nan dito na kami at ipagpapatuloy  na namin ito hanggang sa ma bigyan kami ng liwanagan at pati narin sila Stifany at Ace kong bakit hindi sila pweding magmahalan dalawa.

"Anak, sana patawarin mo ko sa mga kasalanan ko sayo. Hindi ko man lang inisip na nasasaktan kana pala sa ginagawa ko." wika ni Lola. Ramdam na radama ko talaga na nagsisisi na ito.

"Ma, bakit ganon. Bakit ayaw mong maging kasintahan ko si Stifany? Bakit ayaw na ayaw niyo po sa kanya?" malumanay na pagsasalita ni Ken sa Lola ko.

Bago pa magsalita si Lola. Tumayo na siya at tumabi kay Lola. Hinawakan niya ang kamay nito at sumandal siya sa wheelchair ni Lola.

"Anak, akoyo ko lang ma saktan ka. Alam kong galit ang Ama ni Stifany sa mahihirap na katulad natin."

"Pero Ma."

"Makinig ka mo na sakin. Anak inilalayo lang kita sa kapahamakan. Alam kong malupit ang Ama ng babaeng pinakamamahal mo. Kong hahayaan lang kita sa gusto mo baka isang araw hindi na kita makita pang buhay."

Dahil sa sinabi ni Lola bigla na lang tumolo ang mga hula sakin mga mata. Tama naman siya sa naging dahilan niya. Kitang kita ko mis mo kong paano pinahirapan ng Ama ni Stifany si Ace. Kahit sa mga panahigip ko lang sila nakikita ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Ace sa mga oras nayon.

Alam ko ang hirap ng pinagdaan ni Ace para lang makasama si Stifany kaya may karapatan lang si Lola na gawin ang tama dahil para naman ito sa kapakanan ng anak niya. Lahat gagawin ng isang ina paganak na niya ang pinaguusapan. Kahit alam niya na masasaktan ang anak nito pipiliin parin niya ang mas makakabuti.

"Ma, bakit ganon na lang kong magalit ang Ama ni Stifany sakin? Ano bang ginagawa kong masama sa kanya at pilit niya akong sinasaktan."

"Anak ang kasalanan mo lang 'ay dahil nagmahal ka."

"Bakit Ma? Kasalanan bang magmahal?"

"Hindi kasalanan ang magmahal Anak."

"Kong hindi kasalanan ang magmahal? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit ako nahihirapan ng ganito? Bakit hindi ko man lang nagawang ipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko sa Ama niya."

"Anak, wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang."

Para akong binuhosan ng malamig na tubig dahil sa salitang binatawan ulit ni Lola.  Bakit sa bawat salitang binibatawan niya parang tagus lahat ng puso ko. Hindi talaga siya nagbago siya parin ang Lolang nagpalaki sakin noon hanggang ngayon. Masaya ako dahil siya ang naging Lola ko dahil kahit kilan hindi niya pinadama sakin na hindi ako kamahal-mahal na tao.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon