LailaMatapus ang kwentohan namin kila Papa at Tito na pagpasyahan mo na namin ni Ace na lumbas ng bahay para maka pagisip-isip kami ng maayos. Nararamdam ko kasi na parang wala sa katinoan si Ken. Kahit na nakangiti siya ka ni sa harap ng Papa at Tito sa kalob-loban naman niya natatakot na ito. Nangangaba at hindi ma pakali kakaisip kong ano ang mangyayari after nito.
After namin malaman ang lahat. Hindi ko alam kong mananatili ba samin ang mga ala-ala nila pagkatapus namin magawa ang dapat gawin. Pag nagkaganon paano naman kami ni Ken. May sarili rin kaming buhay kaya hindi pweding manatili kami sa ganito.
"Ken, alam kong hindi ka okay? Matanong ko lang ano ba ang iniisip mo ngayon?" Wika ko at habang nakatitig sa mga mata niya.
"Yong mga sinabi ng Papa mo. Paano kong matulad rin tayo sa sinapit nila Ace at Stifany. Pano na tayo? Paano na ang pamilyang maiiwan natin?"
"Ken, alam kong mahirap ang pinagdadaanan natin ngayon pero kailangan nating maniwala na malalampasan natin to ng magkasama."
"Laila, hindi kasi ganon ka dali ang sinasabi mong maniwala, paano tayo maniniwala kong wala naman tayong alam kong ano ang mangyayari satin pagkatapus."
"Hindi rin lang ang nahihirapan Ken, nahihirapan rin ako. Kaya nga maniwala tayo dahil alam kong hindi naman tayo pababayaan nila."
"Sana nga dahil pagod na pagod na talaga ako. Hindi ko nga alam kong may mukha ba akong ihaharap sa magulang ni Ace. Naghahalo na ang nararamdaman ko bilang si Ken at Ace sa katawan ko."
"Alam kong nahihirapan kana. Pero sana wag kang sumoko dahil nan didto pa ako. Diba sabi mo sabay tayong lalaban."
"Hindi ko naman sinabi na susuko ako ang iniisip ko lang ang mangyayari pagkatapus nito. Paano kong ito palang nararamdaman natin sa isat-isa ay wala lang. Paano kong dala lang ito ng nararadaman nila Ace at Stifany."
"Ken wag mong isipin yon. Diba nga ang sabi mo sakin noon minahal mo ako bilang si Laila at hindi si Stifany. Kaya ganon rin ako sayo. Minahal kita bilang si Ken at hindi bilang si Ace."
Dahil sa sinabi ko napatahimik siya bigla. Alam kong na ngangaba siya ngayon sa mangyayari samin pagkatapus nito at ganon rin ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kong mamahalin niya ba ako pagkatapus nito.
Natatakot rin ako kagaya niya dahil hindi ko man lang alam ang gagawin ko sa ngayon. Nalilito na rin ako kakaisip kong ano ba ang gustong ipahiwatig nilang dalawa tungkol samin ni Ken.
"Laila, pagkatapus ba nito magbabago ba ang pagtingin mo sakin?"
"Walang magbabago. Kong paano kita minahal ngayon ganon parin kita mamahalin."
"Kasi kong ako anng tatanongin Laila, hindi ako magbabago. Kong mawala man ang nararadaman ko sayo pagkatapus nito sisikapin kong maibalik muli yon dahil ikaw lang ang babaeng minahal ko."
"At ikaw rin lang naman ang lalaking minahal ko Ken kaya magtiwala lang tayo na walang magbabago sa atin dalawa."
"Tara gusto kong kumain ng fishball at isaw sa kanto. Para ma wala ang sakit ng ulo sa kakaisip sa mangyayari."
"Tara, nagugutom na rin kasi ako."
Masaya nanglakad kami ni Ken sa kanto kong saan may nagbibinta ng mga inihaw at tusok-tusok. Sa wakas bumalik na sa dati si Ken. Hindi kasi ako sanay na nakikita siyang malongkot at walang gana. Gusto ko full energy ito palagi at masaya.
Nagkakaroon kasi ako ng lakas ka pagnakikita ko siyang nakangiti. Ang gwapo niya kaya pagnakangiti. Kaya mas nanaisin ko pang maging masaya siya. Nagorder na siya ng kakainin namin at panay lang ang pagngiti nito. Nakakagaan talaga sa loob ang mukha niya. Sarap hawakan at titigan ng matagalan.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?