Chapter 53

28 20 0
                                    


Ken

Maaga ako nagising dahil hindi ako mapakali sa kakaisip kong ano bang magiging itchura ni Laila pagnakita na niya ang kanyang Ama na matagal na na walay sa kanya. Alam kong papagalitan niya ako nito dahil nakisabwatan ako sa kanyang Ama. Pero bahala na, basta gusto ko lang makita siya ngayon na nakangiti.

"Ken, bakit ang aga mo nagising?" napatingin ako kay Laila na ngayon ay bumabangon na sa kama ko.

"Maaga talaga ako gumigising."

"Talaga lang ah, bakit parang hindi ka ma pa kali dyan. Bakit nanginginig ang paa mo?"

Bigla akong napatingin sa paa ko at nanginginig nga talaga. Kaya mabilis ko itong itinuwid.

"Hindi pa kasi ako na ka pagluto. Akala ko kasi late kana gigising."

"Hindi ko bahay to, kaya kailangan kong magising ng maaga."

"Kong ganon, maligo kana mo na tapus bumaba ka na lang para kumain. Ako na magdadala ng malita mo pababa."

"Sure, maliligo na ako ang baho ko na kasi." wika nito at dumiritsyo na siya agad sa banyo ko.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na papunta sa kusina. Saktong pagdating ko doon nagluluto na si Manang ng agahan. Sayang gusto ko pa naman ipagluto si Laila ng masarap ng itlog at ham.

"Na saan na si Laila?"

"Nasa taas pa siya Manang naliligo."

"Kong ganon tawagin mo na lang siya pagnaluto na ito."

"Manang sandali lang sasagutin ko lang mo na itong tumatawag."

Agad kong sinagot ang tawag. Bakit kaya ang aga aga ng Ama ni Laila tumagaw. Hindi ba siya ma ka paghintay sa anak niya. Magkikita naman sila mamaya.

"Hello po, good morning."

"Good morning rin, kamusta ang anak ko? Na katulog ba siya sa bahay niyo ng maayos?"

"Opo, sa katunayan nga ang aga niyang na gising. Naliligo na po siya sa taas ngayon parang excited umowi."

"Ganon ba, basta wag mo mo nang  sabihin sa kanya na nandito na kami sa aparment niya."

"Sige po akong bahala sa kanya. Nagse-set up po ba kayo ngayon dyan?"

"Parang ganon na nga gusto ko kasi ma surprise ang anak ko."

"Sige po magte-text na lang po ako pagpapunta na kami. Kailangan ko na kasing ibaba dahil nan dito na ang anak niyo baka maghinala pa siya."

"Sige, ingatan mo ang anak ko."

"Paalam po,"

Hindi na ito nagsalita pa kaya binaba ko na ang cellphone ko. Sakto naman ang pagpasok ko sa kusina ang siyang pagdating ni Laila. Mas lalo lang ako nahuhulog sa kanya. Hindi na naman maiwasan na bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang ganda niya ngayon.

Dahan dahan akong umopo sa harap niya at pinagmasdan lang siyang mabuti. Natigilan lang ako sa ginagawa ko ng itaas na niya mis mo ang hawak nitong tinidor at pinandilatan ako.

"Isang titig mo pa papatayin na talaga kita."

"Ang sama sama mo naman. Bakit masama bang titigan ang isang tulad mo."

"Kong sabihin kong oo titigil ka na sa pagtitig sakin?"

"Hindi, paano ko titigilan ang pagtitig sayo kong ikaw ang dahilan kong bakit ako ngayon ganito."

"Kumain ka na lang, gutom lang yan at bilisan mo kailangan ko pang linisin ang apartment ko dahil tatlong araw akong nawala doon."

"Relax lang walang naman mangyayaring masama sa apartment mo."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon