Ken
Pinagmasan ko lang siya habang kumakain. Masaya ito at hindi man lang nakakaramdaman ng pangamba. Sabagay hindi naman si Stinafy ang nasaharapan ko ngayon. Siya si Laila at siya ang babae mamahalin ko.
Alam kong mahirap para sa kanya intindihin ang nangyayari samin dalawa. Hindi ko naman ginusto to nagising na lang ako bigla at ang tangin mo kang bibig ko lang ay ang pangalan ni Stifany. Kaya pati ako na hihirapan sa kalagayan ko. Kong sasabihin ko man ngayon sa kanya ang lahat lahat masyadong malabo para paniwalaan niya ako.
Kahit siya hindi rin naman makapaniwala pero anong magagawa ko hindi ko pweding ipilit sa kanya ang sarili ko bilang si Ace at higit sa lahat ayokong masira ang namamagitan samin dalawa. Siguro makakapaghintay naman si Ace na muli niyang makakausap at mayakap ang babaeng pinakamamahal niya.
"Hindi ka pa ba kakain?" pagtatanong niya. Kong paano tumingin sakin noon si Stifany ganon rin siya. Hindi na ako nagtaka kong bakit nasa kanya ang mga ala-ala ni Stifany.
"Ken? Kinakausap kita? Hindi ka ba kakain? Titignan mo na lang ba ako?" muli akong bumalik sa sarili ko ng tapikin niya ang kamay ko.
"Kakain naman ako."
"Kakain ka pero sakin ka na katingin imbis na sa pagkain?"
"Hindi ko maiwasan na mapatingin sayo. Ang ganda ganda mo kasi masyado."
"Ayan ka na naman sa palusot mo. Anong iniisip mo bakit hindi ka pa kumain?"
"Ikaw, malamang bakit may iba pa bang dapat akong isipin bukod sayo?"
"Oo meron."
"Sino?"
"Si Stifany? Alam ko naman na bukod sakin inaalala mo rin siya."
Para akong nanigas dahil sa sinabi niya. Ganon na ba ako kahalata para ma basa niya ang iniisip ko? Huminga lang ako ng malalim at muli tumingin sa kanya.
"Hayaan mo na, ikaw naman ang mahal ko at hindi siya."
"Wala naman akong sinasabi mahal mo rin siya."
"Parang ganon na rin yun. Kumain ka na at wag mo na lang siyang isipin."
"Hindi ko naman siya iniisip kaso nga lang siya mis mo ang gumogulo sa utak ko."
"Yahaan mo na alam ko naman na hindi ka pa handa para malaman kong sino ba talaga siya at pati nga rin ako hindi ko rin alam kong bakit sakin na punta ang alaala ni Ace."
"Sorry, ayoko lang kasing pahimasukan siya. Gusto ko naman siyang tulongan kaso na tatakot ako sa pweding mangyari."
"Ganon nga rin ako. Kaya hindi kita pinipilit at baka kong anong mangyari. Handa naman akong maghintay sayo at sabay natin tuklasin kong bakit ba nila na pili tayo."
Bakas talaga sa mukha niya ang pangamba. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko naman iniisip niya kong ano ang pweding mangyari. Dahil kong ako rin ang tatanongin natatakot rin ako. Hindi ko parin kasi alam ang kabuohan na kwento ni Ace. Nalilito parin ako sa buhay niya noon.
Kong nan dito lang sana siya at kinausap ako ng maayos hindi na sana aabot pa sa ganito.
"Ace may alam ka ba kong bakit sila nagpakamatay?"
Dahil sa tanong niya muli ko na naman na isip ang huling sinabi ni Stifany bago siya tuloyan na tumalon at sumonod sa hukay ni Ace.
"If death is the only way for me to see you, I will embrace death open arms."
Hindi ko handa para sabihin sa kanya ang nangyari. Dahil alam kong hindi pa siya handa at siya na mis mo nagsabi. Ayokong madaliin ang lahat baka makasama sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?