Chapter 48

26 19 0
                                    


Laila

Nasa isang orphanage kami ngayon. Naisipan kasi ng section namin na mamigay ng mga kunting regalo sa mga bantang inabandona ng kanilang mga pamilya. Nakagawian na ito ng course namin at  nakaraan taon ginawa rin namin, kaya pinatuloy na lang namin. Kahit papaano makatulong man lang kami sa kanila.

Alam ko ang hirap ng pinagdaan nila yong tipong wala ng magulang na magaaruga sa kanila. Pero iba ang sitwasyon ko sa kanila. Kong ano meron pang Papa na kahit papaano matatakbok ko sa tuwing nangangailangan ako pero sila wala na talaga. Ni wala na ngang bahay na uuwian pa.

"Guys ano mang oras magsisimula na ang activity. Kaya gawin niyo na ang kailangan niyong gawin dahil pag nagsimula na ito tuloy tuloy na to." wika ng class president namin.

"Okay po." sangayon naming lahat.

Naupo mo na ako sa isang gilig para tignan ang cellphone ko. Nagaalala na kasi ako kay Ken dahil hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakausap. Nakapagpaalam naman ako sa kanya na aalis kami ng school dahil my activity kaming gagawin. Saktong pag on ko nagsilabasan lahat ng mga unread text at mga tawag na hindi ko na sagot.

From Ken,
Good Morning, keep safe.

From Ken,
Good Morning, kakarating ko lang sa school kaso hindi ko na kayo na abutan.

From Ken,
Laila magingat ka dyan at dapat mag enjoy ka.

From Ken,
Mag reply ka pag may libring oras kana.

From Ken,
Magsisimula na ang klasi ko.

From Ken,
Magingat ka dyan wag kang magpagutom.

From Ken,
Magkita na lang tayo paguwi mo.

To Ken,
Good Morning, sorry kong hindi ko na sagot ang mga tawag mo. Subrang busy kasi. Magingat ka rin dyan. Pagnakahanap ako ng time tatawagan kita.

Binalik ko na sa bag ang cellphone ko dahil sumisinyas na ang class president namin na pumunta na sa sari sarili naming area.

"Laila, tara na." wika ni Wafa sakin.

"Oo na hito na nga ako." wika ko at mabilis akong hinatak ni Jai.

"Nga pala Laila bakit hindi mo sinama si Ken pwedi namang mag pasa ng iba dito ah."

"Jai, pagsinama ko si Ken ano na lang ang sasabihin ng mga ka klasi natin at isapa class program natin to. May iba rin inaasikaso ngayon si Ken kaya hayaan na natin siya."

"Kahit na wala naman sasabihin ang mga ka-klasi natin sa kanya at isapa pa nageenjoy kaya sila."

"At ngayon ginawa niyo pang clown si Ken. Hindi talaga kayo nagiisip. Bahala na nga kayo dyan."

Lumapit na ako sa mga ka-klasi ko at kinuha ang I.D ko para mabilis akong makilala ng mga bata. Nanaliti kaming tahimik ng maglakad na pa akyat ng maliit na stage ang class president. Sana lang maging maganda ang kinalabasan ng activity namin.

"Good Morning mga bata, good morning rin po mga Sister." wika nito at halos mag hiyawan ang mga bata dahil sa sinabi niya.

"Handa na ba kayo sa unang activity natin?"

"Handang handa na po kami." sigaw naman ng mga bata pa balik sa kanya.

"Very good, sa ngayon ang una natin gagawin ay introduce your name by using you body. Isusulat niyo ang pangalan niyo sa pamamagitan ng inyong katawan."

Naghiyawan ulit ang mga bata na para bang hindi na sila ma kapaghintay sa gagawin nila. Hindi talaga ako nagkamali na muling sumama. Nakakagaan sa loob na makita ang mga bata na may ngiti sa mga labi nila sa kabila ng kanilang pinagdadaanan.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon