Chapter 64

27 15 0
                                    

Ken

Nasalabas na kaming lahat. Nasaiisang table kami ng pamilya ko. Sila Jai naman nasa iisang table rin pati na ang mga iba pang bisita ng pamilya nila Laila.

Hindi na talaga ako makapaghintay na makita ang mukha ni Laila. Siguro napakaganda nito ngayon. Maganda naman talaga kasi siya kahit walang make up.

"Hello everyone and Good noon. Buti na lang nakikisama ang panahon sa atin. Kaya fresh na fresh tayo ngayon. Ako nga pala si Rochell your MC for today." wika nito at nagpalakpakan lang kami.

"Ngayon araw masasaksihan namin ang isang masayang yugto sa buhay ni Laila. Ito ay ang kaarawan niya. Ngayon 20 years old na siya balikan natin ang mga masasayang araw sa buhay. Please put your eyes on the screen." wika pa nito.

Halos lahat kami napatingin sa malaking monitor sa gilid ng maliit na stage ni Laila. Unang lumabas sa screen ang picture niya noong baby pa siya. Akay akay siya ng ina nito habang na sa hospital sila. Sumonod naman ang video clip habang umiinom ito ng gatas. Tapus mga litrato niya every month. Ang laki ng tinaba niya. Sumonod rin ang video clip ng pagaaral niyang maglakad.

Nakakatuwa dahil kahit na hihirapan siya sinusubokan niya parin maglakad. Nagnilabas na ang ibat ibang picture niya. Meron nakangiti meron rin wala sa mood. Mga picture niya nong grades school. Na tangin siya lang magisa. Hanggang sa nag high school ito.

Tapus naghiyawan ang lahat ng magsilabasan ang picture niya kasama sila Laila at Jai. Doon na nagsimula ang kwento niya. Hanggang sa nagsigawan ang lahat ng lumabas ang picture namin dalawa nila.

Halos magtago ako. Lahat kasi ng mga mata nakatingin sakin. Hindi ko alam kong paano nila na kuha ang mga ito. Naroon rin ang video na nagpalipad kami ng lantern at sa powder party. Mabilis kong tignan ang table nila Jai at panay ang pangaasar nila sakin.

"Ang ganda diba ng kwento niya. Nawalan man siya ng Ina nag patuloy naman siya sa buhay kasama ang kanyang Ama, Tito, Lola at mga kaibigan niya. Lalong lalo na ang lalaking bumoo sa kanya. Ngayon sabay sabay natin e-welcome ang birthday girl ngayon." wika ni Rochell.

Napatingin kami sa pinto ng bahay nila. Unang lubas ang Lola nito, inaalalayan siya ng Tito ni Laila at ni Cristyl. Halos hindi mapakali ang dib-dib ko. Pabilis ito ng pabilis ang tinok na parang ano mang oras sasabog na ito.

Muli na naman bumokas ang pinto at napatulala na lang ako sa ganda ni Laila. Nakahawak siya ngayon sa Ama niya. Nagsimula na silang maglakad. Parang bumabagal ang takbo ng oras habang nakatitig ako sa mukha niya. Hanggang sa nagtama ang mga mata namin dalawa at ngumiti siya sakin.

Halos himatayin ako sa kilig dahil sa ngiti niya. Nang makaupo na ito nagpalakpakan ang lahat. Nasa harapan namin ngayon ang pamilya ni Laila. Masaya silang ngumiti samin na para bang okay na ang lahat. Wala ng namamagitan na kahit anong galit.

"Ngayon sabay sabay nating batiin ng happy birthday ang napakagandang babae ngayon sa harapan natin." wika nito.

Sabay sabay kaming tumayo at nagsalita ng Happy Birthday Laila. Kitang kita ngayon sa mata ni Laila kong amgaano siya ngayon ka saya.

"Happy Birthday sayo. Ngayon ito n a ang oras para magbigay ka ng message para sa knilang lahat."

Tunayo na si Laila at naglakad pa harap. Inabutan agad siya ng microphone. Nakangiti lang ito habang tinitignan kaming lahat. Humogot mo na siya ng lakas bago ito nagsalita.

"Hello po sa lahat, masayang masaya po ako ngayon araw dahil nan dito kayo. Hindi ko po inaasahan na magiging ganito ka bungga ang araw ko ngayon. Sa mga naging parti ng buhay............" hindi na na ituloy ni Laila ang sasabihin nito ng biglang nabitawan niya ang mic.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon