Ken
Nasa tapat na ako ngayon ng aparment nila Laila. Balak kasi namin ngayon puntahan sila Papa. Buo na rin ang desisyon ni Laila na ipaubaya kay Stifany ang araw na ito. Kailangan niyang gawin to dahil ito na lang ang tangin paraan niya para matulongan si Stifany.
Kahit ako ngayon hindi ma pakali kakaisip sa pweding mangyari mamaya. Alam kong mahal na mahal ni Stifany ang mga kapatid niya kaya nasasabik na ito na makita silang muli.
Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay siyang makalabas. Maya maya lang ay dumating narin ito.
"Kani na ka pa ba dyan?" bungan niya.
"Hindi kakababa ko lang ng sasakyan. Tara na para maaga tayong makarating doon."
"Kaso Ken kinakabahan ako."
"Laila, sundin mo lang puso mo. Para rin naman to kay Stifany at sa familya ko ang ginagawa mo."
"Alam ko, sana lang pagkatapus nito maayos na natin ang lahat."
"Sana nga, tara na, sumakay kana."
Pinagbuksan ko na siya ng pinto at agad naman itong pumasok. Sumonod narin ako sa kanya.
"Laila, nagtiwala ka lang maayos natin to."
"Ken, kinakabahan lang kasi paano kong magalit sakin ang Papa mo."
"Wala siya dapat ikakagalit sayo Laila. Mabait sila Papa at kasing bait mo sila."
"Sana nga mapatawad nila ako."
"Hindi ikaw ang kailangan nilang patawarin kondi si Stifany na nasa katawan mo."
"Salamat talaga Ken sa pagpapalakas ng loob ko."
"Lahat gagawin ko para hindi ka lang matakot. Maiba pala tayo napagsabihan mo na ba sila Jai at Wafa na hindi ka makakapasok ngayon."
"Oo, attendance lang naman ang kailangan ngayong araw. Sila na daw ang bahala sakin."
"Kong ganon pumunta na tayo sa kanila ni Papa."
Nagdrive na ako at hinayaan lang siyang magisip. Alam kong kinakabahan siya ngayon at alam kong hindi ma dali para sa kanya ang gawin to lalong lalo na hindi namin alam kong anong pweding mangyari pagkatapus nito.
Kong ano man ang iniisip niya sana hindi ito maging dahilan para kabahan siya lalo. Mabait naman si Papa at alam kong sa tagal ng panahon na naulila siya sa kan yang kapatid tiyak na matutuwa ito pag nakita niya si Stifany sa katayoan ni Laila.
"Laila, malapit na tayo. Lakasan mo lang ang loob mo nan dito lang naman ako."
"Hindi na ako makapaghintay na makita silang muli." wika niya at kitang kita ko sa mga mata nito ang pananabik.
Hindi ko alam kong si Laila pa ba tong kaharap ko o si Stifany na. Pero isa lang masasabi ko magkasing ugali lang silang dalawa. Habang hindi pa gumagalaw ang takbo ng sasakyan kinuha ko na mo na ang cellphone ko at nagiwan ng message kay Papa.
To Papa.
Malapit na po kami, tiyak na magugustohan niyo po kong sino ang kasama ko ngayon.From Papa.
Bilisan mo na, nga pala wala dito ang Mommy mo may trabaho siya ngayon.To Papa.
Okay lang po Pa. Basta ihanda mo na ang sarili mo.From Papa.
Sige hihintayin ko kayo dito.Ibinalik ko na muli ang cellphone ko at nagsimula na ulit magdrive.
"Ken, sino ang ka text mo kani na?"
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?