Chapter 62

30 16 0
                                    


Ken

Abala ngayon ang pamilya ni Ricky at Stifany sa pagaayos sa mga gagamitin bukas para sa kasal ng dalawa. Buo na talaga ang desisyon ng Ama ni Stifany at hindi na ito kailan pa magbabago. Tanging ang magagawa na lang ni Stifany 'ay pagmasdan ang mga taohan ng kanyang Ama na inaayos ang malapad nilang bakuran.

Sa bahay kasi nila gaganapin ang malaking handaan matapus ang kasal. Tahimik lang Stifany at hindi ito komikibo. Kong kakausapin man siya ng kanyang Ama tanging pagtango lang ang ginagawa nito. Sadyang wala lang talaga siyang gana na kausapin ang Ama nito.

Para hindi gaanong mainip si Stifany inisip na lang niya ang nangyari sa kanila ka gabi ni Ace. Isang mapusok na pagtatalik ang ginawa nila. Hindi naman pinagsisihan ni Stifany na may nangyari sa kanila nong gabing yon dahil ginusto naman niya ito. Mahal na mahal niya si Ace kahit ano ibibigay niya.

Hindi rin siya na tatakot kong may ma buo man sa sinapupunan niya dahil alam niya na pananagutan naman siya ni Ace at hindi tatakbohan. Ngayon hindi niya pinapakita sa kanyang Ama na nanghihina siya bagkos normal itong ginawa ang nakagawin niyang gawin. Dahil kong ipapakita niya sa kanyang Ama na hanggang ngayon hindi parin siya sang ayon sa kasal baka masaktan lang siya.

Panatag na ngayon ang loob ni Stifnay dahil alam niya na bukas sa araw ng kasal niya itatakas siya ni Ace. Tatakbo sila at pupunta sila sa mayo kong saan walang sino man ang nakakakilala sa kanila. Hindi na niya ka ilangan pang pagtoonan ng pansin ang kasal niya dahil hindi naman ito matutuloy.

"Anak nagusap na ba kayo ng mapapangasawa mo?" pagtatanong ng kanyang Ama.

"Wala po kami kailangan pagusapan Pa." pabalang na sagot nito.

"Ganyan mo ba kakausapin ang Ama mo? Parang wala kang galang."

"Sinagot ko lang po ang tanong niyo. Kong may sasabihin kayong importante sabihin niyo na dahil magpapahinga pa ako."

"Anak, lahat ng ito ginagawa ko para sa kapakanan mo. Kaya sana isipin mo ng mabuti."

"Pa, hindi mo na kailangan sabihin pa sakin yan dahil alam ko naman ang totoong dahilan mo. Kapakanan mo lang ang iniisip mo."

"Kong yan ang gusto mong paniwalaan sige lang. Hindi mo parin mababago ang utak ko. Ikakasal kana bukas at wala ka ng magagawa."

Hindi na lang sumagot si Stifany dahil alam niya magaaway lang sila. Tumalikod na lang ito habang nakangiti. Walang man lang ka alam alam ang kanyang Ama na hindi na matutuloy ang kasal bukas. Walang kasalan magaganap dahil ilalayo ako ni Ace bukas.

Pagdating niya sa loob ng bahay nan laki ang mga mata niya ng makita niya si Feng na naka upo sa sala. Mabilis itong lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito. Akala ko ba yon na ang huling paguusap natin nong nasa restuarant tayo." wika ko.

"May sasabihin ako sayo tara sa kwarto at wag dito."

"Tara sumama ka sakin."

Hinawakan na ni Stifany ang kamay ni Feng at dinala niya ito sa kanyang kwarto. Mimabuti niya talagang naka lock ang pinto para walang sino man ang makakarinig sa paguusapan nila.

"Nagkita kami kani na ng boyfriend mong si Ace." wika ni Feng at parang hindi makapaniwala si Stifany sa narinig.

"Talaga? Paano? Magkakilala kayo?"

"Oo magkakilala kami namatagal na, sorry kong hindi ko sinabi sayo. Baka kasi kong anong isipin mo."

"Hindi ako ganong tao at may tiwala ako kay Ace. Nga pala ano ang pinagusapan niyo?"

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon