Laila
Isintabi ko mo na ang makita ang mga kapatid ni Stifany dahil hindi pa ako handa. Baka kasi may mangyari hindi inaasahan at hindi ko makaya. Gustohin ko man silang makita ngayon pero hindi pa talaga ito ang tamang oras. Masaya na ako ngayon dahil sa ganitong paraan matutulongan ko si Stifany.
Hindi ko talaga lubos ma isip na may koniksyon talaga si Stifany kay Ken at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang ama ni Ken ay ang kapatid ni Stifany. Hindi ko alam kong nagkataon lang ba o sinadya talaga ng tadhana na mangyari ang lahat ng ito. Bahala na hindi ko na mo na sila iisipin.
Umopo na ko ng maayos habang pinagmamasdan ng mga tao sa loob ng gym. Nan dito kasi kami ngayon dahil may announcement ang Prisedent ng school. Buti na lang talaga at maayos na ang kalagayan ko ngayon kaya naisipan ko ng pumasok.
"Laila, na saan si Ken?" nagtatakang tanong ni Wafa sakin. Bahagya akong tumingin sa gawi niya. Tinignan ko lang mo na siya bago ako nagsalita.
"Nan doon sa harapan kasama mga classmate niya, bakit mo naman na tanong?"
"Ang galing niya kasing magalaga. Tignan mo ang sarili mo, maayos ka na at hindi kana matamlay."
"Wafa naman, inaasar mo na naman ako."
"Hindi kita inaasar, nga pala anong ginawa niyo? Sabihin mo na sakin Laila. Hindi na tayo mga bata. May nangyari ba?"
Para akong natigilan sa mga tanong na binitawan ni Wafa. Ang sarap niya talagang sabunotan ngayon, anong akala niya sakin malandi.
"Wafa, mali ang iniisip mo. Wala nangyari samin. Inalagaan niya lang ako."
"Kaya nga nagtatanong ako. Pagaalaga lang ba ang ginawa niya o meron pa?"
"Wafa wala nga sabi, isang pangu-ngulit mo pa papatayin na talaga kita."
"Ikaw naman hindi ma biro." wika nito sabay tawa.
Ang sarap niya talagang itulak. Para tumigil na siya kakaisip ng kong ano ano tungkol samin ni Ken. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Jai. Isa isa na niyang ibinigay ang pagkain namin.
"Nagaaway naman ba kayo?" pagtatanong niya sabay upo sa tabi ni Wafa.
"Ito kasing si Laila hindi man lang nagkwento kong ano ang nangyari sa kanila ni Ken kahapun. Magkasama kaya sila buong gabi."
Dahil sa sinabi ni Laila na katulala tinignan ako ni Jai. Kong pwedi ko lang sana takpan ang bibig ni Wafa ginawa ko na. Kong ano ano na lang talaga ang pinagsasabi niya. Ngayon kong ano ano na ang iniisip ni Jai tungkol samin ni Ken.
"Jai, mali ang iniisip mo. Binantayan lang ako ni Ken kahapun at walang nangyari samin." pagpapaliwanag ko. Inunahan ko na siya baka kong ano pa ang masabi niya.
"Naniniwala naman ako sayo Laila. Hayaan mo na si Wafa alam mo naman walang lovelife yan kaya nagkakaganyan."
"Sayo patalaga ng galing yan! FWI? Jai nag ka boyfiend na rin ako kaso niloko niya lang ako."
"Kaya ka niya niloko dahil na pa ka immature mo."
"Hindi ako immature, sumobra lang ang pagmamahal ko sa kanya."
"Nagdadalihan ka na naman. Ang sabihin mo hindi niya na hanap sayo ang mga katangian ng isang babae."
Bago pa magsalita si Wafa inabot ko na sa kanya ang sandwich. Para kasing sasabog na ang ulo nito dahil sa mga sinabi ni Jai sa kanya. Buti na lang dahil hindi gaano ka lakas ang mga bosis nila kaya hindi sila napapansin ng mga tao dito.
"Wag ka ng magsalita, magsisimula na." wika ko.
Sa subrang inis niya kinagat na lang niya ang sandwich na binigay ko. Tinignan niya lang si Jai pero imbis na ma inis si Jai sa kanya tumawa lang ito. Iba rin talaga sila. Ang lalakas ng mga saltik nila sa utak.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?