Liala
Hindi parin ma wala wala sa isip ko ang sulat na ibinigay sakin ni Ken bilang tugon niya sa pag hingi sakin ng tawad. Alam ko naman na sa sarili ko na hindi niya ginustong halikan ako. Hindi naman sa marupok ako, ako naman talaga ang gumawa ng dahilan para halikan niya ako.
Bakit ganon? Pagkatapus kong basahin ang sulat na ginawa niya parang bigla narin na bawasan ang pagkainis ko sa kanya. Dahil sa sulat na ginawa niya muli ko na naman napanaginipan si Stifany. Hindi ko alam kong bakit siya ang dumalaw sakin ka gabi at hindi si Ace.
Tanda tanda ko pa ang mga nangyari sa panaginip ko. Dahil feeling ko ako si Stifany ng mga oras na yon.
Tangin pagiyak lang ang nagawa ni Stifany sa harap ng Ama nito. Kahit kilan hindi na niya mababago ang isip nito. Ayaw na ayaw talaga ng papa niya kay Ace dahil isa lang itong hampas lupa na palamonin. Ayaw ng papa niya na mabahiran ng kahirap ang pangalan ng pamilya nila.
Nang mamatay ang mama ni Stifany. Wala na siyang ibang malalapit at wala ng magtatangol sa kanya laban sa malupit nitong ama. Tangin Ina niya lang ang kalakasan nito pero saan pa siya kukuha ng lakas kong matagal na itong patay.
Bilang panganay sinalo niya ang responsibledad na hindi naman niya ginusto. Kaya wala masyadong kaiban si Stifany sa paaralan na pinapasukan nito dahil na niniwala siya na lahat ng tao kagaya ng Ama niya. Malupit at hindi marunong makiramdam sa damdamin ng ibang tao. Pero nagbago lahat ng paniniwala niya ng makilala niya si Ace.
Ang dating napakalongkot niyang buhay biglang nagkakulay. Ipinadama ni Ace sa kanya ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa Ama nito. Kaya mahal na mahal niya si Ace at gagawin niya ang lahat para lang makasama ito kahit na tutul sa kanya ang Ama nito.
"From now on, I don't want to see that guy with you! Dahil pagnahuli ko kayo alam mo na ang mangyayari sayo at sa kanya!"
"No! Hindi ko susundin ang mga sinasabi mo. Sawang sawa na ako, hindi mo ba alam na may damdamin rin ako!"
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo ang sa akin lang layo'an mo siya! Kong hindi papatayin ko talaga sa harapan mo."
"Pagginawa mo yon! Hindi ako magdadalawang isip na sumonod sa kanya!"
"Stifany hindi kita pinalaki nang ganyan!"
"Dahil hindi naman talaga! Inuuna mo pa ang company mo kisa samin ng mga anak mo!"
"Hindi ko na nagugustohan ang tabas ng bibig mo! Tumahimik kana kong hindi masasampal na kita."
"Tatahimik lang ako paghinayaan mo na akong makasama si Ace."
"Yan ang hindi ko kayang gawin! Sa susunod na linggo ililipat na kita ng school para tuloyan na kayong maghiwalay!"
Magsasalita na sana si Stifany pero umalis na ang ama nito at na iwan siyang lumoluha. Mabilis siyang umaykat papunta sa kwarto niya at doon binuhos ang mga luhang hindi niya pa pinakawalan sa harap ng Ama niya.
Kahit na lumoha pa siyang dugo hindi parin niya mababago ang isip ng Ama nito. Labis na kinasusuklaman ni Stifany ang Ama nito dahil hindi man lang siya na awa sa kalagayan niya. Mas inuuna niya pa ang sarili niya kisa sa mga anak niya.
Mabilis na pinunasahan ni Stifany ang mga luha niya ng pumasok ang dalawang kapatid nito.
"Ate umiiyak ka ba?" nagaalalang tanong ni Kasper sa kanya.
"Ate, inaway ka naman ba ni Papa?" dutong naman ni Jasper.
"Ano ba kayo kambal, hindi umiiyak ang Ate. Nalolongkot lang ako dahil walang happy ending ang binasa kong libro." wika ni Stifany at ma bilis niyang niyakap ang kambal.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?