Chapter 39 - Sport Fiest

21 19 0
                                    

Ken

"Laila, anong masasabi mo sa naging laro ko kani na?" patatanong ko sa kanya.

Tumigil ito sa pagkain at tumingin lang siya sakin. Nakangiti ito na parang may gusto siyang ipahiwatig sakin. Sana kong ano man ang lumabas sa bibig niya sana maganda. Ginalingan ko pa naman kani na para lang hindi ako magmukha tanga sa paningin niya. Alay ko kaya sa kanya ang naging panalo ko.

"Okay lang naman."

"What? Yan lang ang sasabihin mo okay lang? Laila naman!"

"Bakit ano bang gusto mong marinig sakin?"

"Syempre yong pupuriin mo ko dahil nanalo kami. Yong sasabihin mo na ang galing galing ko."

"Alam ko naman na magaling ka bakit kailgan ko pang sabihan yan sayo."

"Para nga kiligin naman ako."

"Ken, hindi ko na kailangan pang sabihin sayo yon dahil alam ko naman na magaling ka."

"Kahit kilan talaga Laila hindi marunong makisama."

"Kong hindi ako marunong makisama bakit kasama mo ako ngayon."

Si Laila ba talaga ngayon itong kausap ko? Parang may kong ano sa kanya na hindi ko masabi. Siguro kinakabahan lang siya kaya siya nagkakaganyan. Hayaan mo papalakasin ko ang loob niya. Meron pa naman kaming tatlong oras bago magsimula ang contest na sasalihan niya.

"Laila, alam kong kinakabahan ka."

"Bakit mo naman na sabi?"

"Kitang kita kasi sa kilos at pananalita mo. Alam mo ganyan rin ang naramdaman ko kanina. Habang na nonood ka ng laro ko, mas natataranta ako na baka sa kaling magkamali ako ma wawalan kana ng amor at hindi kana manood."

"Ahh??"

"Laila, subrang ginalingan ko talaga para matuwa ka sa laro ko."

"Alam mo Ken kahit na manalo at matalo kayo sa laro magigingproud parin ako sayo. Alam ko naman ginalingan mo at hindi kana lugi pagnatalo kayo dahil ginawa mo naman lahat."

"Kaya nga kong kikabahan ka ngayon isipin mo na lang na ako lang ang nanonood sayo. Gawin mo akong lakas mo."

"Sa totoo lang Ken kinakabahan talaga ako kaya ako nagkakaganito. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko mamaya, natatakot rin ako na baka matalo kami at ako ang sisisihin nila."

"Laila, hindi mo kailangan ng opinyon ng iba. Diba nga ikaw na ang nagsabi sakin na manalo o matalo as long ginawa mo ang best mo hindi na ako lugi."

"Nakakatawa ka talaga Ken. Lahat talaga ng mga sinasabi ko tinatandaan mo."

"Ganon kasi kita ka mahal. Ayoko kasing dumating sa point na isa sa mga gusto mo hindi ko alam."

"Ang seryoso kani na ng pinaguusapan natin ngayon bumabanat ka na naman."

"Hayaan mo na kinikilig ka naman. Aminin mo ang pula pula ka niya ng pisngi mo."

"Tumahimik ka na nga kumain na lang tayo tapus nito ihatid mo ako sa klasroom namin."

"Sure, ubosin mo na lahat ng yan."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Hindi ko rin siya tinigilan sa pagsasabi na kayang kaya mo yan. Gusto ko lang kasing may lakas ng loob siya mamaya na harapin ag buong campus. Alam kong mananalo si Laila kahit na hindi ko pa naririnig ang busis niya.

Pagkatapus naming kumain, naglakad na kami pabalik sa classroom niya. Tahimik lang siya habang ako naman ay pilit na ngini-ngitian ang bawat tao na bumabati sakin dahil sa pagkapanalo ko. Alam kong hindi siya sanay sa ganito kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon