Stifany
"Tara na, kong hindi man sila payag sa pagmamahalan natin ilalayo kita." wika ni Ace.
Kitang kita ko sa mga mata nito kong gaano siya nasasaktan ngayon sa sitwasyon naming dalawa. Mahal ko siya at ayokong mawala siya sa sakin. Gagawin ko lahat kahit na totol ang mga magulang namin sa relasyon na ito.
Hinawakan ko lang ang kamay niya ng mahigpit. Sasama ako sa kanya, bahala na kong saan man kami mapad-pad. Hanggat kasama ko siya panatag ang loob ko. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at ayokong masira ito dahil lang ayaw ng mga magulang namin na magsama kami.
Napahinto kaming dalawa sa palalakad ng makarating kami sa roof top ng building.
"Ace, ipangako mo na hindi mo ko iiwan?"
"Hindi kita iiwan Stifany, mahal na mahal kita."
"I love you, Ace."
Muli na naman tumolo ang mga luha ko. Hindi ko maiwas ang hindi umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sawang sawa na akong itago ang relasyon namin. Gusto ko ng matigil ito.
Gusto ko lang naman na makasama siya habang buhay pero paano? Kong may humahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Bakit ba kasi kailangan mangyari pa sakin ang ganitong bagay.
"Wag ka ng umiyak, nan dito lang ako hindi kita iiwan."
"Ace paano kong paghiwalayin nila tayo? Paano kong ilayo nila ako sayo? Paano kong saktan ka nila?"
Hinawakan niya lang ang mukha ko. Ang longkot longkot ng mga mata niya at gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong ako na ang magdala nito para hindi na siya mahirapan pa.
"Kahit saktan man nila ako. Hindi parin ako aalis sa tabi mo. Nangako ako sayo na mananatili ako sa tabi mo hanggang sa mamatay ako."
"Ace, natatakot ako sa pweding mangyari pero ipangako mo sakin na hindi mo ko iiwan."
"Hanggat nan dito ako sa tabi mo hindi ka nila masasaktan. Hindi kita iiwan Stifany."
"Salamat, dahil parati mo na lang pinapalakas ang loob ko sa tuwing nalolongkot ako at natatakot. Gusto kitang makasama habang buhay Ace."
"Alam ko, kaya wag ka ng umiyak dahil nan dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo."
Niyakap lang ako ni Ace. Ang sakit sakit para sakin na nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi ito ang kwento na gusto kong mangyari sa buhay ko at sa relasyon namin.
Hindi ko gusto na mapunta lang sa wala ang pinagsamahan namin ni Ace. Simula pa lang sumogal na ako at hindi na ako susuko pa. Bahala na kong ano man ang mangyari.
Hindi naman ako iiwan ni Ace. Lalaban ako para sa pagmamahalan naming dalawa. Ipaglalaban ko ang lalaking nagbigay ng kulay sa mundo kong napakadilim. Ipaglalaban ko siya hanggang sa huli kong hininga.
"Bitawan mo ang anak ko!" napatingin ako sa gawi ni Papa ng marinig ko ang bosis nito. "Kunin niyo si Stifany at dahil niyo siya dito."
Lumapit na ang dalawang lalaki sa kinatatayoan ko at pilit nila akong kinukuha sa pagkakayap kay Ace. Muli na naman tumolo ang mga luha ko.
"Bitawan niyo siya. Hindi niyo pweding konin sakin ang babaeng pinakamamahal ko." wika ni Ace. Malakas niyang tinulak papalayo samin ang dalawang lalaki.
"Ikaw, wag na wag mong ilalayo sakin ang anak ko. Hindi ikaw ang tamang lalaki para sa kanya."
"Pa! Hayaan niyo na kami ni Ace. Mahal na mahal ko siya at wala na kayong magagawa pa." muli kong niyakap si Ace.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
عاطفيةWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?