Chapter 34

29 19 0
                                    

Ken

Habang naghahanap ako ng prutas para kay Liala ng biglang nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko mo na kong sino ang tumatawag bago ko ito sinagot.

"Hoy! Na saan ka magsisimula na ang klasi natin bakit wala ka parin dito?" bulyaw sakin ni Russel.

"Hindi ako papasok ngayon. Ikaw na lang bahala sakin."

"Ah? Bakit naman? Na saan ka ba ngayon? Ito talaga hindi man lang nagpasabi sana sinama mo ko."

"Tsk! Nasa grocery store ako ngayon. Bibili ako ng pagkain."

"Kaninong pagkain at bakit ngayon pa?"

"May sakit kasi si Laila at kailangan niya ako ngayon. Sige na ikaw ng bahala sakin dyan."

"Kong hindi lang kita kaibigan hindi talaga kita tutulongan. Sige bye!"

"Basta ikaw ng bahala sakin."

"Oo na, paulit ulit ka naman."

Hindi na ako naka pagsalita dahil pinatay na niya agad. Dala ang chart naglibot libot na ako. Dumaan mo na ako sa mga gatas. Kumoha ako ng dalawa fresh milk at dalawang fresh juice, tapus dumaan narin ako sa tinapay. Huli kong pinontahan ang mga prutas.

Kumoha na ako ng sigdadalawang apple,  orange, grapes at water melon. Sana lang kainin niya lahat ng ito para bumalik na ang lakas niya.

Pagkatapus kong bayaran lahat ng mga pinangbili ko dumiritsyo na agad ako sa sasakyan ko. Tatawagan ko mo na si Laila tatanongin ko lang  siya kong umayos na ang kalagayan niya.

"Hello? Na patawag ka?" wika nito. Masyadong mabigat ang bawat pagbigkas niya. Halata sa bosis niya na hindi parin siya okay.

"Katatapus ko lang kasing bumili. Paalis narin ako. Ka musta ka pala? Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Hito ganon parin, pero hindi naman ako na hihilo."

"Sige sige, papunta na ako. Magpahinga ka na mo na dyan."

"Ikaw rin magingat ka."

Binaba ko na ang cellphone ko at nagsimola ng magdrive. Kailangan ko bilisan para ma alagaan ko si Laila. Siya naman kasi hindi man lang sinabi sakin kani nang umaga na masama ang pakiramdam niya edi sana maaga pa lang na agapan na.

Bakit ba kasi ayaw niya pang sabihin sakin. Magaalala lang ako ng husto ka paghindi ko alam ang kalagayan niya. Ano ba kasing dahilan kong bakit sumama bigla ang pakiramdam niya. Maayos naman ang sarili niya ka gabi at inuwi ko naman siya ng maayos.

Siguro na stress lang siya kakaisip kila Stifany at Ace. Gustong gusto ko na talaga ma tapus to para naman bumalik na sa normal ang buhay kong saan malaya na kaming ipakita ang pagmamahalan namin ni Laila. Yong hindi na siya kailangan magduda dahil may tiwala na siya sakin. 

Pagdating ko sa harapan ng gate nila Laila. Pumasok na agad ako at pumunta sa apartment niya. Kakatok na sana ako ng biglang bumokas ang pinto at sinalubong ako ni Laila.

Tinignan ko lang siya sa mata, hindi ko talaga ma pigilan na hindi kiligin dahil ang ganda ganda niya ngayon. Kahit simpling shirt lang ang soot niya at padyama ang cute cute niyang tignan.

"Pumasok kana at tigilan mo na ang ganyang tingin baka malusaw ako at hindi mo na ako makita." wika nito

"Bumabanat ka na ngayon."

"Masyado ka kasing obvious. Tignan mo nga ang sarili mo at sabihin mo sakin ng harap harapan na hindi ka kinikilig ngayon."

"Tsk! Sige na kinikikig na ako." wika ko at pumasok na ako.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon