Chapter 17

23 19 0
                                    

Laila

Katatapus lang ng last subject namin at sa wakas makakapagpahinga na rin ako ng maayos. Nauna ng lumabas sina Wafa at Jai ni hindi man lang nila ako gawang hintayin. Dala ang bag kumaripas agad ako ng takbo para ma abutan ko sila. Hindi ko talaga alam kong bakit nagmamadali sila at hindi man nila ako tinanong kong sasama ba ako.

Mga kaibigan ko ba talaga sila?

Buti na lang at hindi pa sila nakakalayo kaya na ka habul agad ako sa kanila.

"Saan ba kayo pupunta at bakit palagi niyo na lang akong iniiwan?" wika ko at tinignan lang nila ako na parang gulat na gulat sila dahil nan dito ako.

"Hindi ka na namin tinanong kasi akala namin hindi ka sasama?" pagsasalita ni wafa.

"Anong hindi sasama hindi niyo nga ako tinanong."

"Kasi nga baka umayaw ka lang pagsinabi namin sayo kong saan kami pupunta." wika naman ni Jai.

"Bakit? Saan ba kayo pupunta at mukhang nagmamadali kayo?"

"Sa gym, nag presenta kasi kami na tutulong sa paggawa ng design para holloween ball nagaganapin bukas. Hindi ka na namin sinabihan dahil alam namin hindi mo naman trip ang magayos-ayos diba?"

"Tsk!"

"Kita mo na?"

"May magagawa pa ba ako. Nan dito na ako kaya sasama na kang ako sa inyo."

"Hay na ko! Basta wag kang maninisi kong hindi ka magenjoy dito!" sumbat naman ni Wafa at tinaas niya lang ako ng kilay.

"Oo na, hindi ako magagalit inyong dalawa. Ginusto kong sumama sa inyo kaya paninindigan ko na lang to."

"Sayo na nang galing yan."

Tumahimik na lang ako at sumonod na lang sa dalawa. Tama nga sila hindi ko talaga magugustohan kong saan sila pupunta ngayon. Sana pala hindi ko na lang sila hinabol at umiwi na lang ako.

Ano kaya pumasok sa utak ng dalawang to? Bakit nila na isipan na tumolong? Baka siguro may kapalit kaya nagmamadali sila. Sabagay hindi naman kasi sila magpapakahirap sa pagtulong na gunawa ng design kong walang kapalit. 

Pagdating namin sa gym may sumalobong agad samin isang babae. Hindi ko na lang siya pinansin at nilibot ko na lang ang kabuohan ng gym. May mga design na pero hindi parin ito sapat para matawag na maganda. May mga table na rin na nakakalat sa paligid at sa mga bleacher naman may kanya kanya naring palatandaan kong saan uupo ang ibat ibang course. Para itong sementeryo kong titignan.

Maganda naman siya at nakakatakot pero kulang parin. Sunod ko naman tinignan ang stage at na mangha ako sa ganda ng mga design na nakapaligid dito. Para ako nasa horror house. Lubhang nakakatakot ang itchura na stage. Sino kaya ang nakaisip nito at naisipan niya pa talaga na ikat ang mga fake na bungo ng tao.

"Tutulong ba siya?" wika nong babaeng kaya napatingin ako sa kanya.

Tinignan ko lang siya na para bang hindi ko na rinig ang mga sinabi niya.

"Hindi siya tutulong nan dito siya para manood lang. Hindi kasi siya sanay sa mga ganitong bagay."

"Ganon ba Jai. Sige pumunta na lang kayo sa harap at tanongin niyo si Miss. Trecho kong saan ikakalat ang mga natirang bungo ng tao."

"Sige, kami ng bahala dito."

"Maiwan ko na kayo dahil aasikasuhin ko pa ang sound system na gagamitin bukas. Sakin kasi na ka tuka yun."

"Sige, magingat ka Rose." wika pa ni Jai.

Muli ako sumonod sa dalawa hanggang sa ma ka rating kami sa harap. Ang daming mga design na hindi pa nakakabit pero anong paki ko hindi naman ako nagpunta dito para tumolong. Nan dito ako para tumingin tingin at ma wala ang pagkabagot ko.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon