Laila
"I will give a long quiz next week."
"From what chapter miss?" pagtatanong ni Wafa sa teacher namin na may edad na.
"Form chapter one to chapter four. Just read everything dahil doon ko kukunin ang lahat ng mga tanong. Goodbye class."
"Goodbye Miss."
Nang makalabas na siya muling naghiyawan ang mga siraulo kong mga ka-klasi. Hindi kasi namin bet yong teacher namin dahil wala naman ibang alam yun kong di basahin ang nakasulat sa hand out na binibigay niya. Basta nakakainis talaga siya.
"Saan ang punta mo ngayon?" wika ni Wafa at sabay lagay ng notebook ko sa loob ng bag.
"Deritsyo sa aparment bakit?" pinangdilat lang ako ni Wafa ng mata dahil sa sinabi ko.
"Sure ka ba? Doon ka didiretsyo?"
"Oo naman bakit mo naman na itanong? Wafa ano ba?"
"Ikaw talaga simula na naging close kayo ni Ken marami ka ng hindi sinasabi sakin. Sa apartment pala, paano mo mapapaliwanag sakin ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ng pinto natin!"
Mabilis akong napatingin sa pinto dahil sa simabi ni Wafa. Ganon na lang kabilis na wala ang mga ngiti sa mga labi ko ng makita ko si Ken na naka tayo habang kumakaway sakin.
Bakit siya nan dito? Ano ang kailangan niya sakin?
"Sige ipaliwanag mo ngayon sakin kong saan ka pupunta?"
"Wafa baka si Jai ang hinihintay niya hindi ako. Wag kang assuming hindi kami close no."
Kinuha ko na lang ang bag ko at mabilis na naglakad palabas. Binangga ko lang si Ken para hindi manghinala sakin si Wafa.
"Wait? Hintayin mo naman ako!" wika ni Ken at mabilis siyang tumakbo at sinabayan ako sa paglalakad.
Ano na naman ba ang gusto nito sakin. Akala ko ba hindi na niya ako gugulohin. Kailan pa kaya ma tatapus ang bango-ngot kong ito.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?" Wika ulit nito.
"Pweda ba tigilan mo na lang ako!"
"Paano kita titigilan kong may utang kapa sakin. Diba sabi mo pumapayag ka na sumama sakin kaya sinusundo lang kita ngayon."
"Hindi mo talaga ako titigilan hanggat hindi mo na kukuha ang gusto mo."
"Malamang kaya nga sinundo pa kita sa classroom niyo."
"Tsk! Sige na pumapayag na ako. Pero hito na ang huli na magkikita tayo at titiyakin ko na hindi na ito mauulit pa."
"Okay, madali naman akong kausap."
Hindi na ako sumagot sa kanya. Wala na kasi akong magagawapa. Kong hindi ako papayag sa gusto niya patuloy parin niya akong kukulitin at pag nagkaganon araw araw na masisira ang araw ko dahil lang sa kanya. Siguro sapat na kabayaran na itong pagsama ko sa kanya para wala na akong utang na loob na kailangan pang bayaran at ito narin ang magiging kabayaran ko bilang pagtulong niya.
Sumonod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking area. Hindi man lang niya na gawang magsalita or tanongin ako ng kong okay lang ba ako o kahit anong tanong. Basta basta na lang niyang binuksan ang sasakyan nito.
May tahimik rin pa lang siyang side. Pumasok na lang ako ng tahimik. Kong hito ang gusto niya hindi ko rin siya kikibo'in. Kong gusto niya akong kausapin mauna siyang magsalita.
Pinaandar na niya ang sasakyan niya at nagsimula na siyang magdrive.
"Saan mo gustong pumunta?" pagtatanong nito sa wakas binasag na rin niya ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?