Chapter 23

31 19 0
                                    

Ken

Matapus ko siyang iuwi ka gabi at asikasuhin. Umowi na rin ako. Ayoko sana siyang iwan dahil na ngangaba ako baka may maalala na naman siya at kusa na naman bibigay ang katawan niya. Alam ko naman kaya niya ang sarili niya. Hindi lang talaga niya na paghandaan ang ng yari ka gabi kaya ganon na lang ang naging reaction niya.

Bumaba na ako at tanging si Manang lang kasama ko dito sa bahay nasa Pampanga kasi ang magulang ko at ako lang magisang ang na ninirahan dito sa Maynila. Sanay naman ako at kaya ko naman ang sarili ko.

"Ang aga mo naman yata na gising, anong meron?" pagtatanong no Manang.

"May pupuntahan kasi ako ngayon Manang."

"Saan naman ang lakad mo sa girlfriend mo?"

"Hindi po, sa kaibigan ko. Nagdate na kami kahapon at sinulit namin ang buong araw na magkasama kami." wika ko at parang nagtataka si Manang sa mga sinabi ko.

Umopo na ako sa lamisa habang siya ay abala sa paghahanda ng agahan ko.

"Akala ko ba sa cementeryo ang punta mo bakit naging date agad ang ng yari?"

"Nagkita kasi kami doon ng hindi inaasahan. Kaya ayon nagdate kami."

"Ikaw talaga Ken ang lakas mo pagdating sa mga babae. Nga pala anong plano mo bukas? Birthday mo diba?"

"Wala po akong alam manang. Balak ko sana na dito na lang kumain para naman magkaroon kami oras para magusap ng mga magulang ko kaso parang hindi pa sila sigurado kong makakauwi sila kaya na isip ko na imbitahan na lang ang mga kaibigan ko dito."

"Pati girlfriend mo?"

"Hindi ko pa siya girlfriend nililigawan ko pa lang siya pero nan dito rin siya bukas."

Bakas sa mga mukha ni Manang na kinikilig ito. Kitang kita naman kasi na namumula ang mga pisngi niya. Ano bang nakakakilig sa sinabi ko?

Kinuha ko na mo na ang cellphone ko at nagiwan ng message kay Laila. Gusto ko lang palakasin ang loob niya at para ipakita sa kanya na nan dito ako at handa ko siyang damayan.

To Laila.
Good morning. Sana nakatulog ka ng maayos. Kong may kailangan ka tawagan mo lang ako pupuntahan agad kita. Kumain kana para bumalik ang lakas mo.

Maya maya lang na ka tanggap agad ako ng message mula sa kanya.

From Laila.
Wag kang magalala okay na ako. Salamat pala dahil hindi mo ko pinabayaan ka gabi. Good morning rin sayo.

To Laila.
Alam mo naman na mahal kita. Kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwan. Sige na kumain ka na dyan. Tatawagan na lang kita mamaya. May lakad rin kasi ako ngayon.

From Laila.
Hintayin ko ang tawag mo. Magingat ka.

To Laila.
Ikaw rin wag mong pabayaan ang sarili mo.

Ilang minuto pa ang hinintay ko pero hindi na nag reply si Laila. Kumain na lang ako at hindi ko na lang pinansin baka kasi kaumakain na rin siya.

"Ken, basta bukas e-text mo ko kong papunta na ang mga kaibigan mo dito para maasikaso ko agad sila."

"Oo Manang sasabihan kita. Pero kakausapin ko pa mo na sila Mama at Papa kong makakauwi ba talaga sila o hindi."

"Makakapunta ang mga yon, sila pala. Pero kong hindi alalahanin mo na lang dahil alam mo naman ang trabaho nila. Kailangan nilang mag conduct ng medical mission doon."

"Naiintindihan ko naman po sila Manang. Tapus na po akong kumain aalis na po ako baka kasi hinihintay na ako ng kaibigan ko."

"Sige magingat ka. Ako ng bahala sa bahay."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon