Ken
Nasa bahay ako ngayon nila Laila at para na akong mababaliw kakaisip sa kanya. Hindi ko man lang alam kong saan siya pumunta. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para sa kanya. Laila nasaan ka na ba kasi? Bakit hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko. Hindi mo ba alam na nagaalala na ako sayo. Kaya sana naman umowi kana please.
"Tito hindi parin po ba niya sinasagot ang mga tawag niyo?" Pagtatanong ko sa Ama ni Laila.
Pati siya hindi narin mapakali. Maghahating gabi na kasi wala parin kaming balita kong na saan si Laila. Kong ano ano narin ang pumasok sa isip ko. Pero wag naman sanang umabot sa putong yon. Natatakot talaga ako.
"Ken, hindi parin niya sinasagot. May alam ka bang mapupuntahan niya?"
"Baka Tito bumalik siya sa aparment niya."
"Sana nga nan doon lang siya."
"Tito ako na po ang pupunta sa apartment niya. Mas ma buting magpahinga mo na kayo dahil hating gabi na."
"Pero paano ka?"
"Kaya ko pa po ang sarili ko, ang importante ngayon makita ko po ang anak niyo."
"Salamat iho. Kong na saan man ngayon ang anak ko sana maayos lang siya."
"Nakakasigurado po akong maayos po ang kalagayan niya ngayon Tito. May tiwala ako sa kanya. Sige po tatawagan ko agad kayo ka pagnakita ko na si Laila."
"Sige Ken, magingat ka."
Nagpaalam na ako sa Ama ni Laila. Dala ang sasakyan tinahak ko na agad ang daan pabalik ng Maynila. Sinunokan kong muli tawagan si Laila pero hindi niya ito sinagot. Subrang nagaalala na talaga ako. Kong pwedi ko lang sana hatiin ang katawan ko para lang mabilis siyang makita gagawin ko.
Kasalanan kasi lahat ito ni Lolo. Kong hinayaan lang sana niya si Stifany at Ken na magmahalan noon sana hindi kami nagdudusa ngayon ni Laila sa kanila ng nangyari sa kanila ng Ina ni Ace noon. Bakit ba kasi kailangan sa amin pa mangyari ang ganitong bagay. Nakakainis parang gustong magalit sa mundo dahil feeling ko pinaglaroan niya ang buhay na meron ako.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari masama kay Laila. Nangako pa naman ako sa kanya na sasamahan ko siya pero na saan ako ngayon. Wala ako sa tabi niya sa mga oras na ito kong saan kailangan niya ng karamay.
Laila na saan ka na ba kasi. Alam kong nagulat karin sa mga natuklan mo kani na pero hindi rason ang pagalis ng walang paalam. Akala ko ba napagusapan na natin to. Pero bakit mo ko iniwan na lang bigla. Bakit umalis ka ng hindi man lang ako sinasama. Akala ko ba magtutulongan tayo. Paano na kita ngayon matutulongan kong umalis ka.
Pasadong alas tres na ng madaling araw akong nakarating sa apartment ni Laila dahil sa haba ng byahi. Bumaba na agad ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng gate. Buti na lang at naiwang bukas ito. Pakadating ko sa harap ng pinto niya.
Humogot mo na ako ng lakas. Sana lang nan dito lang siya mahimbing na natutulog. Dahan dahan binuksan ang pito nagbabakasakaling bukas ito at hindi nga ako nagkami. Nakaiwang bukas nga ang pinto ng apartment niya. Kaya dali-dali akong pumasok at nan laki ang mata ko ng ma datnan ko ang sala niya na napakagulo. Halos lahat ng gamit ay wala sa ayos.
May basag na mga plato at baso rin akong nakikita. Mas lalo lang ako kinabahan dahil sa mga nakikita ko. Parang gusto kong sumiwag ng tulong pero hindi ko magawa. Laila ano bang pinanggagawa mo. Mabilis ko siyang hinanap pero wala siya sa buong sala. Kaya mabilis kong tinongo ang kwarto niya.
Saktong bubuksan ko na sana ito ng mapansin kong may maliit na papel na nakasabit dito. Kinuha ko ito at binasa.
I'd like to be my old self again,
But I'm still trying to find it.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?