Chapter 3

58 20 0
                                    

Laila

Nakaupo lang sa isang sulok ang babae habang pinagmamasdan ang mga ka-klasi niya na naglalaro sa quadrangle. Wala sa ugali niya na makisali sa kanila dahil ayaw nitong pamagod. Simula nong tumontong siya ng college naging tahimik lang ang buhay niya. Pagaaral lang ang inaatupad nito, minsan nga pinagsasabihan na siya ng mga classmate niya makisa siya pero hindi niya ito magawa. May kong anong kulang sa puso nito na kailangan niyang mahanap.

Iidlip na sana ang babae ng biglang may tubabi sa kanya. Tinignan niya lang ang lalaki ng walang reaction ang mukha nito. Nagtaka siya dahil marami na mang bakanting bakit dito pa siya umopo. Magsasalita na sana ito ng biglang may inabot sa kanya ang lalaki.

Isa itong kapirasong papel. Binuksan naman agad ito ng babae.

'Are you single?' pagkakabasa nito sa naka sulat. May kong anong kiliti naramdaman ng babae at napatingin siya sa lalaki na nakangiti rin sa kanya.

Sabuong buhay niya ngayon lang may lalaking gumawa nito sa kanya. Hindi naman siya kagandahan at hindi rin napapasin sa skwelahan pero nagulat na lang sita na may lalaki pa palang humahanga sa kanya na hindi niya alam.

"Ako nga pala si Ace" wika nito at inilahad na niya ang kanyang kamay.

Kukunin na sana ito ng babae ng biglang dumating ang taga pagbantay nito.

"Ilang bisis ko bang dapat sabin sayo na bawal kang makipagusap kahit kani no lalong lalo sa mga lalaki!"

Tumayo na ang babae at hindi man lang magawang tignan si Ace. Kumaway lang si Ace sa kanya kahit na nakatalikod na ito.

"Balang araw makukuha rin kita."

Kakagising ko lang ngayon mula sa isang masamang panaginip. Muli ko na naman napanaginipan ang lalaki. Bakit ba parati na lang siyang dumadalaw sa panaginip ko? Anong connection ko sa buhay niya? Tumayo na ako at ginawa kona ang daily routine ko tuwing umaga.

Pagkatapus kong magbihis kinuha ko na agad ang bag ko at pumunta na sa university pinapasukan ko.

Yayain ko na lang si Wafa at Jai na doon na lang kami kumain sa canteen. Nagiwan na lang ako ng message sa kanila at hinintay sila sa labas. Panigurado gutom na rin ang dalawnag yon.

Habang hinahantay sila muli na naman huminto ang mundo ko ng makita ko si Ken na papunta dito. Nagtago agad ako sa gilid para hindi niya ako ma kita. Hindi ko alam kong ano tong nararamdaman ko sa kanya. May kong anong naguudyok kasi sakin na kausapin siya.

Hindi ko naman siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya. Pero ang weird lang dahil last friday tinawag ko siyang Ace. Ano bato! Sumasakit na naman ang ulo ko.

"Laila? Anong ginagawa mo dyan at bakit mo sinisik-sik ang sarili mo sa gitna ng pinto." wika ni Wafa.

Mabilis akong lumabas at napayakap sa kanya.

"Laila! Tinatanong kita ano bang nangyayari sayo?" wika nito sabay tulak sakin papalayo.

"Wala, dala lang ito ng gutom. Tara!"

"Wait lang hintayin pa natin si Jai."

Tumango lang ako sa kanya. Ano ba tong nangyayari sakin. Baka pagkamalan akong baliw nitong si Wafa. Ang tanga tanga ko naman kasi bakit ko naman iniiwasan ang lalaking yon kong wala naman akong connection sa kanya.

"Salamat at dumating ka narin."

"Sorry traffic kasi."

"Anong traffic ang pinagsasabi mo! Nasa harap lang kaya ng school ang aparment mo."

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon