Ken
Pagkatapus kong kumain tumayo na agad ako. Kailangan ko pa kasing punatahan si Laila. Hihingi ako ng tawad sa kanya dahil hindi ko man lang siya hinatid ka hapun dahil nagpadala ako sa init ng ulo ko. Aminado akong mali ang ginawa kong pagiwan sa kanya kahapun. Sana hinitay ko na lang siya hindi yong umalis na lang ako bigla ng hindi man lang nagpapalam sa kan niya ng maayos.
Siguro hindi naman niya ginustong makapartner si Denmark. Dahil nararamdaman kong umiiwas din siya dito. Bakit ba kasi makasing ugali sila ni Ricky. Hindi naman kasi pweding nagkataon lang ang lahat ng to. Hindi ako papayag na mangyari ulit ang nangyari noon. Hindi ko hahayaan na masira ang relasyon namin ni Laila ng dahil lang sa kanya.
"Ma una na ako Russel. Magkita na lang tayo bukas."
"At saan ka na naman pupunta?"
"Hihingi ako ng tawad kay Laila dahil sa ginawa ko kahapun."
"Ihanda mo na sarili mo dahil panigurado masasapak ka non."
"Hindi niya ma gagawa sakin yon. Mahal kaya niya ako."
"Paano mo na sabi?"
"Basta akin na lang yon, alis na ako."
Tumalikod na ako kay Russel at nagsimula ng maglakad. Pinagmamasadan ko lang ang bawat taong nakakasalubong ko. Bakas sa mga mukha nila na wala silang ini'inda na kahit anong problema. Hindi katulad ko, ang gulo gulo ng mundong ginagalawan ko. Hindi ko nga alam kong makakaya ko pa lumaban. Wala naman kasi akong nakukuhang impormasyon kong anong bagay ang naguugnay samin sa nakaraan nila Stifany at Ace.
Ano pa ba ang kailangan kong gawin para bumalik sa normal ang buhay ko. Hindi pa ba sapat na nahanap ko na si Stifany sa katayoan ni Laila. Ano pa ba kasing gusto nilang ipagawa samin. Nakakasawa na kasing magisip. Nakakasawa ng umiyak at magmok-mok. Kalalaking kong tao pero ito ang nararamdam ko kapag hindi ko na kaya.
Pagdating ko sa harap ng classroom nila Laila. Hinanap ko agad siya. Ng masilayan na ng mga mata ko kong na saan siya. Tinignan ko lang siya habang inaayos niya ang mga gamit niya. Laila sana lang malampasan natin to. Gusto ko na kasing matapus ang lahat ng ito at para hindi na ako magaalala pa sayo.
"Ken? Kanina ka pa ba dyan?" bungad sakin ni Jai.
"Hindi kakarating ko lang. Susundoin ko kasi si Laila."
"Hintayin mo ng lang siya dito. Ang bagal niya kasi."
"Sige dito na lang ako."
"O siya, alis na ako may gagawin pa kasi akong project." wika nito at tinalikoran na niya ako. Hindi man lang ako na ka pagpaalam sa kanya ng maayos.
"Ken, anong tinatayo mo dyan. Pumasok kana lang. Wala naman si Sir." bungad naman ni Wafa sakin.
"Wag na dito ko na lang siya hihintayin."
"Bahala ka, ka pag hindi ka pa pumasok mauunahan ka ni Denmark."
"Ikaw talaga Wafa."
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Puntahan mo na siya sa loob."
"Sige, nga pala salamat dahil ibinigay mo sa kanya ang pagkain na dala ko kahapon."
"Malamang ibibigay ko talaga sa kanya yon dahil para naman yon sa kanya."
"Basta, salamat na lang. Sige na papasok na ako."
"Bye, magingat kayong dalawa kong saan man kayo mapad-pad."
Bahagya akong na tawa dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita at pumasok na ako. Tinignan lang ako ni Laila habang papalapit ako sa kinauupoan niya. Habang papalapit ako sa kanya bigla akong nakaramdamn ng kalungkotan. Bakas sa mga mata nito na labis siyang nalo-longkot.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?