Laila
Tumayo na ako sa kinauupoan ko dala ang bag at lumabas na ako. Hindi ko na hinintay si Wafa at Jai dahil busy pa sila sa group reporting nila. Sayang nga dahil hindi ako ang ka groupo nila. Okay na din siguro yon para hindi ako masanay na palagi silang kasama.
Nagtext na lang ako sa ka nila na mauuna na ako sa canteen wala naman kasi akong ibang pupuntahan pa. Nakakatamad rin na lumabas ng campus at isa pa ang init ng panahon. Ayokong ma tusta ng wala sa oras. Nilagay ko na sa tinga ko ang earphone, ayoko kasi na marinig ang mga nangyayari sa paligid ko.
Sadyang tamad lang talaga ako makipaghalobiri sa kanila. I'm a introvert type of person at tangin sila Jai lang at Wafa ang nakakaintindi sakin. Ma swerte nga ako dahil nan dyan sila parati sa tabi ko.
Uupo na sana ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko at sa paglingon ko tangin nakangiting mukha ni Ken ang na kikita ko.
"Laila okay ka lang? Parang naka kita ka yata ng multo?" wika nito at muli kong inayos ang sarili ko.
Akala ko ba malinaw na sa kanya na hindi ako ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Kainis naman to! Kong saan papasimula na ang tahimik kong buhay dito pa siya dumating. Ano naman kaya ang kailangan niya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sa totoo lang. Nagpunta talaga ako dito para sayo. Gusto sana kitang tanongin kong pwedi ka ba mamaya?"
"Ken, pwedi ba tigilan mo na lang ako. Hindi naman natin kilala ang isat isa kaya itigil mo na to."
Tinignan niya lang ako at saka siya ngumiti sa sinabi ko. Hindi ba talaga niya na iintindihan. Masasaktan lang siya sa pinanggagawa niya. Ayoko siyang paasahin sa wala at isa pa hindi naman ako ang babaeng hinahanap niya.
"Laila, ikaw talaga ang pinonta ko dito at wala akong paki sa mga napapaginipan mo."
"Sa tingin mo ba paniniwalaan kita. Ken una una sa lahat hindi kita type at ayokong pumasok sa buhay mo dahil lang sa mga napapanaginipan ko."
"Laila, pwedi bang i-set aside mo na natin yan. I don't care kong wala ka nangnapapanaginip basta nan dito ako dahil sayo."
"Nasasabi mo lang yan, pwedi bang hayaan mo na lang ako."
"Paano kong ayoko ko? Laila bigyan mo naman ako ng pagkakataon."
"Pagkakataon para ano? Para ipakita mo sakin na totoo lahat ng mga napapanaginipan ko? Pwedi bang itigil mo na to!"
Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad. Kainis talaga siya! Anong akala niya sakin bobo para sabihin niya na ako ang pinontahan niya dito. Isang araw lang kami nagusap tapus ganon na agad siya. Na try na ba niya inuntog ang ulo niya sa padir para ma laman niya kong ano ang pinagsasabi niya.
"Laila, hintayin mo naman ako. Gusto lang naman kitang kausapin."
"Wag mo akong gulohin, nanahimik ako dito! Pwedi bang umalis ka na lang."
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag."
"Bingi ka ba! Pwedi bang layoan mo na ako dahil hindi kita gusto!"
"Kahit hindi mo ako gusto hindi parin kita lalayoan. Alam kong matotoroan ko rin ang puso mo na mahalin ako."
"Hindi natotoroan ang puso yan ang tandaan mo!"
Wala ba siyang balak na tumigil at hayaan na akong makaalis. Bakit kailangan niya pa akong sundan. Ang sarap niya talagang sapakin dahil sa ginagawa niya pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Hindi pa naman ako sanay sa mga ganito. Paghindi talaga siya tumigil mapipilitan akong saktan siya sa harap ng maraming tao. Wala na akong ibang alam na paraan para tigilan na niya pa ako kong di yon lang.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?