Laila
Hindi ko talaga lubos akalain na sa paguwi ko ng bahay si Papa agad ang sasalobong sakin. Akala ko kasi sa susunod pang lingo siya uuwi kong saan ilang araw na lang kaarawan ko na. Na surprise talaga ako, hindi ko inaasahan sa ganitong paraan ko siya makikita. Muntikan ko na nga siya ma sipa dahil akala ko magnanakaw.
Ito kasing si Papa may pa arti arti pa siyang nalalaman. Akala mo artistahin ang dating hindi naman. Nakaupo kami ngayon sa lamisa. Magkatabi kami ni Ken at kaharap namin si Papa at si Tito. Hindi ko alam kong pano ko ba babasagin ang katahimikan na namamagitan saming apat.
"Nga pala Ken pano mo pala na kilala ang anak ko? Kasi hindi naman siya palakaibigan sa school at ngayon boyfriend ka na niya. Ang bilis lang." wika ni Papa na ikinagulat naman ni Ken.
Ininom mo na si Ken ang tubig bago ito nagsalita. Sana lang paniwalaan ni Papa ang sasabihin niya alam ko kasing mahirap ipaliwanag ang nangyayari samin ngayon.
"Nakita ko po siya nong friday night sa schoool. My event po non at doon ko siya unang nakita. Pero hindi pa siya kilala that time. Basta nong pagtama ng nga mata namin bigla na bumilis ang tibok ng puso ko."
"Tapus?"
"Tapus yong isang member ko sa team ay ka-klasi niya kaya ayon, doon ko siya na kilala."
"Tapus na ging close kayo agad?"
"Hindi po sa ganon Tito. Ang hirap kasing ipaliwanag. Kong sasabihin ko ngayon sa inyo baka hindi kayo maniwala."
"Tsk! Lahat pinaniniwalaan ko lalong lalo na kasali ang anak ko. Kaya sabihin mo na."
"Kasi nong magkita kami ng araw nayon. Doon na po kami nagsimula managinip ng pareho. Yong tipong nananaginip ako ng ganito at yon rin ang napapanaginipan niya. Tapus po na laman na lang namin nasa amin pala ang mga ala-ala nila Stifany at Ace." wika nito na ikinagulat ni Tito.
Si Papa naman parang walang alam sa nangyayari. Hindi ba talaga siya naging malapit man lang kay Ace noon. Bakit parang hindi niya kilala si Ace at Stifany. Bumontong hininga lang si Ken. Kitang kita sa mata niya na dismaya ito dahil wala man lang reaksyon si Papa sa sinabi niya.
"Sorry Ken hindi ko kasi kilala ang mga binabanggit mo. Kaya kong sino man sila tiyak na may dahilan kong bakit nasa inyo ang mga ala-ala nila."
"Sa katunayan nga po. Nagkapalit po kami ng pamilya ni Laila. Ang pamilyang hinahanap niya 'ay yon palang pamilya ko tapus ang pamilya naman hinahanap ko 'ay ang kaharap ko lang."
"Sandali lang naliliko ako sayo. Forth may alam ka ba dito?" pagtatanong ni Papa sa kakambal nito.
Napahawak lang ng kwelyo si Tito habang nakatingin samin. Sana lang may alam siya tungkol kay Ace at Stifany para naman matulongan niya kami ni Ken. Gusto ko narin saking matapus ito para bumalik na sa normal ang buhay ko.
Ayoko ng umiyak tuwing gabi dahil lang sa panaginip. Ayoko rin na masaktan ng walang kadahilan. Ayoko na ulit makita ang nakaraan ng dalawa na puno ng pasakit at pangungulila. Alam ko na pareho kami ngayon ni Ken ng nararadaman. Kaya hinawakan ko na lang ang kamay nito para hindi siya lalong kabahan.
"Ibig niyo bang sabihin nasa inyo ang mga ala-ala ng dalawa?"
"Opo Tito," tanging sagot ko.
"Forth sandali lang, sino si Ace?"
"Kuya si Ace ang pinsan natin. Kilala mo ba si Tita Angila?"
"Oo kilala ko siya pero bakit hindi ko ma tandaan si Ace?"
"Dahil nong pagkamatay ni Ace at siya ring pagkaaksidenti mo. Nahulog ka mula sa ikalawang palapag ng bahay natin at na untog ang ulo mo non kaya isigunod ka namin agad sa hospital. Ang sabi ng doctor samin pwedi ka daw magkaroon ng memory lost at yon na nga ang nangyari. Minsan na kayong magkita ni Ace kaso madalang lang kayo magusap dahil magkaiba ang takbo ng mundo niyo. Kong siya happy go lucky ikaw ka kasalungat niya."
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?