Laila
Sinondo na lang ako nila Jai sa apartment dahil sasakyan niya ang gagamitin namin, pagpasok ko sa loob ng sasakyan nan doon ni si Wafa nakahilata sa unahan, umopo na ako at inilagay ko sa tabi ko ang regalo ko para kay Ken sana lang ma gustohan niya. Agad ko naman binigay ang address kay Jai kong saan na ka tira si Ken.
"Laila? Excited kana ba makita ang boyfriend mo?" wika ni Wafa at tinignan ko lang siya ng masama.
"Laila naman? Wala ka ba talagang balak sa kanya? Bakit pinapatagal mo ang panliligaw niya kong alam mo naman sa sarili mo na may nararamdaman karin para sa kanya?"
"Oo nga, tama si Jai. Bakit pinapatagal mo pa?"
"Ano na ngayon ang balak mo?"
"Maghintay siya." tangin lumabas sa bibig ko.
Hindi kasi madali para sakin na sagutin siya agad lalo na ganito ang sitwasyon naming dalawa. Mahirap kasi baka pagsinagot ko siya magiba ang hihip ng hangin at sabihin niya sakin na ginagawa niya lang ang lahat ng ito para kay Stifany. Kaya na tatakot ako.
Ayoko siyang sagotin dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman niya para sakin. May kong ano pang pumipigil sakin para sagotin siya. Kailangan ko mo ng makasigurado bago ko siya sagotin. Mahal ko naman siya at mahal niya ako. Alam kong makakapaghintay siya.
Kong alam lang sana nila ang pinagdadaan ko, namin dalawa. Hindi kasi nila alam at wala sila sa sitwasyon namin kaya madali na lang para sa kanila na sabihin yon.
"Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sayo. Pero alam ko naman na ayaw mo lang madaliin ang lahat."
"Sa wakas naisip mo rin yan Wafa." wika ko.
"Bahala ka, basta susuportahan ka namin kong ano man ang gusto mo." wika naman ni Jai.
"Laila pwedi bang magtanong? Bakit ba hindi mo pa sinasagot si Ken? Anong dahilan mo? Nasa kanya naman ang lahat ano pa bang hinahanap mo?"
Hindi talaga ako titigilan ni Wafa hanggat hindi siya sangayon sa mga sagot ko. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya?
"Wafa, kong mahal ako ni Ken kaya niyang mag hintay."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko! Oo nga mahal ka niya pero bakit hindi mo pa siya sinasagot?"
"Basta, mahabang isturya. Sasabihin ko na lang sa susunod sayo."
"Ang daya mo naman Laila."
"Kasi kong sasabihin ko ngayon sayo sa tingin ko hindi ka naman maniniwala sakin."
"Bakit Laila? Ano bang dapat mong sabihin samin?" wika pa ni Jai.
"Basta hindi ito ang tamang oras para pagusapan natin yan. Sa susunod ko na lang sasabihin sa inyo."
"Bahala ka nga sa buhay mo Laila."
Dapat na ba talaga nila malaman ang kwento ko? Paano kong hindi sila maniwala sakin? Napaka imposible naman kasi mangyari ito. Pero nangyari na samin. Paano ko sasabihin sa kanila to. Alam ko naman na maiintindihan nila ako.
"Hey, nan dito na tayo sa bahay ng boyfriend mo." wika ni Jai.
Hindi na talaga nila ako titigilan.
Pagbaba ko ng sasakyan sinalobong agad ako ni Ken. Naka red shirt ito at masyadong siyang halata. Sabagay birthday naman niya. Ngumiti lang siya sakin.
"Tara pasok na tayo sa loob para naman makakain na tayo." wika niya pa.
Nauna ng pumasok sila Wafa at Jai. Sumonod lang kami sa kanilang dalawa. Hindi ko talaga alam kong ano ang sasabihin ko ngayon sa kanya. Hindi ko kayang magsalita ng hello dahil nauunahan ako ng kaba.
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?