Chapter 12

25 19 0
                                    

Laila

Hindi na lang ako pumasok sa huli kong subject. Naiinis parin kasi ako kay Ken dahil sa ginawa niya. Kong matinong tao siya sana hindi niya nagawang hinalikan ako. Napaka manyak niya talaga. Dahil sa ginawa niya na wawalan na ako ng tiwala sa kanya at mga lalaki.

Akala ko kasi susundo'in niya ako mamayang hapun pero ano tong ginawa niya. Pumunta agad siya kahit na maglalunch pa lang yan tuloy sa hindi inaasahan nangyari ang hindi dapat mangyari. Ayoko ko na talaga siyang ma kita, kumukolo lang ang dugo ko sa kanya.

Na saan na kaya sila Jai at Wafa? Kasalanan rin nila kong bakit nanakawan ako ng halik ni Ken. Kong hindi sana nila ako iniwan sana walang kiss na naganap. Ang dami dami ko na nang problema dumagdag pa sila. Lalong lalo na si Ace at si Stifany hindi ko naman sila ka ano ano pero patuloy parin nilang ginugolo ang isip ko.

Kailangan ko na talagang pumunta sa  taong makakatulong sa problema ko. Kailangan matigil na ang pagpaparamdam nila sakin dahil naiinis na talaga ako sa kanila.

Muli kong tinignan ang cellphone ko. Panay parin ang paghingi ng patawad sakin ni Ken. Akala niya siguro mapapatawad ko pa siya sa ginawa niya. Manigas siya dahil hindi ko na talaga siya kakausapin. Binuksan ko na lang ang messenger ko at panay rin ang chat nila Wafa at Jai sakin.

Wafa:
Na saan ka? Sorry kong iniwan ka namin.

Jai:
Laila sorry talaga, ito kasing si Wafa pinilit ako.

Me:
Seen

Wafa:
Sorry na Laila. Na saan ka ba ngayon? Pupuntahan ka namin tapus ililibre kita ng kahit ano.

Me:
Seen

Jai:
Laila galit ka ba sakin. Sige na sabihi mo na samin kong na saan ka.

Me:
Seen

Wafa:
Sige ka paghindi mo sinabi samin kong nasaan ka ipagkakalat namin na naghalikan kayo ni Ken!

Dahil sa sinabi ni wafa na bitawan ko ang cellphone ko. Buti na lang lamisa ang sumalo sa kanya at hindi semento. Shit! Paano naman nila na laman na hinalikan ako ni Ken. Wala naman tao ng mga oras na yun kaya iposibleng may na ka kita samin.

Ang bilis talaga kumalat ng balita. Sino naman kaya ang nagsabi sa kanya nito. Sige na nga lang papapuntahin ko na lang sila dito. Gusto kong tanongin sila at para malaman ko na rin kong sino ang nagsabi at para maipaliwanag ko rin ang totoong nangyari baka kasi kong ano ano naman ang pumasok sa isip nila.

Me:
Nasa coffee shop ako ngayon sa harap lang ng skwelahan natin. Bilisan niyo bago pa ako magalit sa inyong dalawa.

Wafa:
Papunta na kami sis.

Jai:
Hintayin mo kami dyan.

Tinang ko muli ang message at ganon parin. Sunod sunod lang ang mga text na natatanggap ko mula kay Ken. Wala talaga siyang balak na tigilan ako.

From Ken:
Sorry talaga, alam kong galit ka pa sakin. Sana lang ma patawad mo ako. Hindi naman ako manyak sadyang hindi ko lang na pigilan ang sarili ko sa mga sinabi mo. Sorry talaga.

From Ken:
Nga pala sinabi ko na sa kanila Wafa at Jai ang totoong nagyari. Hindi ako nagmalinis sa kanila kaya sorry talaga. Sana mapatawad mo ko.

From Ken:
Laila pwedi bang magkita tayo para naman personal akong ma kahingi ng tawag sayo.

From Ken:
Alam mo naman na galit ka pa sakin. Sana mapatawad mo ako.

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon