Ken
Isang suntok sa bwan ang ginawa kong paghalik kay Laila kanina. Paano ba kasi hindi ko na pigilan ang sarili ko. Bakit ba kasi ayaw na ayaw niya sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama maliban sa nang yari kanina. Ang gusto ko lang naman kasi 'ay maging close kaming dalawa at para ma tulongan ko siyang mapaintindi ang mga ala ala na parati niyang nakikita sa isip niya.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya katulad ng bakit ayaw niyang buksan ang puso at isip niya sa akin? Paano niya maiintindihan ang mga nangyayari sa kanya kong binabali wala niya lang ito. Paano niya ako maalala kong hindi niya iniintindi ang mga nakikita niya. Hindi parin niya ba talaga alam na nasa kanya ang mga ala ala ni Stifany, ang babaeng pinakamamahal ko.
Naiinis talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Matagal kong hinihintay to kaya hindi ako papayag na kalimotan niya lang ako at baliwalain niya ang pangako namin sa isat isa. Stifany bakit mo ba ako pinapahirapan ng husto. Ayaw mo ba akong makasama? Ayaw mo na ba sakin?
Bakit sa dami dami ng taong na pili mo bakit sa kanya mo pa ginusto mapunta ang mga alaala mo. Sa babaeng hindi naniniwala sa pagmamahalan natin dalawa. Paano ko ipaglalaban ang pagiibigan natin kong ayaw niya sakin. Ngayon galit na galit siya sakin dahil hinalikan ko siya. Kasalanan rin naman niya kong bakit ko nagawa yon.
Srifany alam ko naman na patuloy kang nagpaparamdam sa kanya. Sana lang gawin mo ang lahat para lang makilala niya ako bilang si Ace na nasa katawan ni Ken. Alam ko naman na tutuparin mo ang pinagusapan natin na magkikita tayong muli. Hito na yong tamang oras para ituloy na natin ang pagmamahalan natin na na-udlot.
Stifany wagin mo sana lahat ng makakaya mo para ma mulat sa katotohanan si Laila. Sana isang araw magising na lang siya na alam na niya ang lahat ng tungkol satin dalawa. Na ang isip at puso niyo ay iisa at sa ganon hindi na ako mahirapan. Gustong gusto na talaga kitang yakapin. Gusto ko ng gawin ang mga bagay na ginagawa natin noon. Gusto ko ng makita sa mga mata mo ang pagmamahal na matagal ko ng hinahanap. Stifany please bumalik ka na sakin. .
"Ken? Okay ka lang ba? Parang wala ka na naman sa sarili mo? May problema ka ba?" sunod sunod na tanong sakin ni Russel.
Ininum ko mo na ang kunting alak na natira sa baso ko bago ako nagsalita. "Wag mo na lang akong pansinin, sanay ka naman siguro sa ugaling kong 'to."
"Get's ko na. Tongkol na naman ba ito kay Laila? Alam mo pre sa akin lang kong ayaw niya talagang pasukin ang mundo ni Stifany hayaan mo. Siguro na hihirapan rin ang tao sa kalagayan niya ngayon."
"Kaya nga pre nan dito ako para tulongan siya." wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Handa naman akong tulongan siya na maalala niya ako. Ayoko rin naman siyang mahirapan dahil alam ko kong gaano ka sakit ang naidudulot nito. Katulad rin niya ako nong una. Nang pumasok sa isip ko ang mga ala-ala ni Ace. Kaya handa talaga akong tulongan siya sa kahit anong paraan.
"Ang tanong gusto ba talaga niya ng tulong mo? Katulad ng nangyari kani na. Dahil sa ginawa mong pagnakaw ng halik sa kanya mas lalo lang sumama ang loob niya sayo."
"Hindi ko naman sinasadya yon."
"Alam ko naman na hindi mo sinasasldya yon dahil kilala kita. Pero para sa kanya nag take advantage ka. Hindi natin siya ma sisi-si kong galit siya sayo dahil kasalanan mo rin naman."
"Kasalanan ko naman at aminado ako doon. Nag sorry naman ako sa kanya at alam na niya na kasalan ko talaga."
"So? Anong sabi niya sayo pag ka tapus mong mag sorry?"
"Wala naman siyang sinabi na okay kami. Basta nagugulohan na ako. Hindi ko na alam kong si Ace pa ba ang nagdidikta ng isip at puso ko."
"Wala ka naman ibang masisisi, sinusunod mo lang naman ang sinasabi ng puso mo. Kong ako sayo Ken kausapin mo siya ulit bilang ikaw at hindi bilang si Ace. Dahil feeling ko nalilito rin siya kong sino ang paniniwalaan niya. Ikaw ba o si Ace na nasa loob ng katawan mo."
BINABASA MO ANG
The Tragic Past We've Had - COMPLETE
RomanceWhat if the tragic past happen again in the future? Would it be the same love? Same you? Same us? Same story?