Chapter 65

58 15 0
                                    


Ken

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Unti unting nagkaroon ng linaw sakin kong sino ang mga taong nakapalibot ngayon sakin. Kitang kita ko sa mga mata nila na nagaalala.

"Anak sa wakas gising kana, pinagalala mo kami." wika ni Mama at niyakap niya ako.

"Ma, na saan tayo? Na saan si Laila kailangan ko siyang makita."

"Anak nan dito parin tayo sa bahay nila. Nan doon ngayon si Papa mo  para tignan siya sa loob."

"Ma kailangan kong makita siya."

"Pero anak hindi ka pa okay."

"Ma, mas hindi ako matatahimik ka pag may mangyaring masama sa kanya na wala man lang ako nagawa."

Hindi na nakapagsalita si Mama dahil sa sinabi ko. Ano ba kasi ang nangyari samin at bigla bigla na lang sumakit ang nga ulo namin. Dahil muling ko na naman na saksihan ang pagpakamatay nilang dalawa. Ang sakit sakit para sakin dahil hindi man lang nila nagawang maging malaya.

Tatayo na sana ako ng biglang lumapit si Denmark sakin.

"Ken, kailangan ka ngayon ni Laila nagwawala siya sa loob ng bahay nila." wika nito.

Kahit masakit parin ang ulo ko dali dali akong tumayo at sumanod sa kanya. Habang papalapit ako sa pinto rinig na rinig ako ang sigawan niya. Hito na talaga ang kinakatakotan kong mangyari.

"Denmark anong gagawin ko."

"Manatili ka lang sa tabi ni Laila hanggang sa kumalma siya. Galit ngayon ang ang nasa puso niya. At nangyari sa inyo ka ni na 'ay nasaksihan ko rin. Huli na ako ng dating kong saan patay na si Stifany at Ace."

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong pumasok sa bahay nila at laking gulat ko ng makita ko si Laila. Matalim ang mga tingin nito na parang bang isang maling galaw mo lang pwedi ka niyang patayin.

"Wala kayong silbi, hindi niyo man lang ako binigyan nagpagkakataon. Sinira niyo buhay ko!" wika nito at tanging bosis ni Stifany ang naririnig ko.

Mabilis akong lumapit sa kanya kaso akmangyayakapin ko na siya ng bigla akong hinawakan ng kanyang Ama at mabilis na inilayo sa kanya.

"Wag kang lumapit sa kanya hindi siya si Laila na kilala mo." nagaalinlangan na wika ni Tito sakin.

"Tito wala akong paki kong sino siya. Nangako ako sa kanya na sasamahan ko siya kahit anong mangyari."

"Baka kong anong gawin niya sayo."

"Kilala ko po ang anak niyo. Hindi niya ako sasaktan kaya hayaan niyo na po akong lapitan siya dahil hindi ko kaya na nakikita siyang nasasaktan." wika ko at tuloyan ng pumatak ang mga luha ko. 

"Ken may tiwala ako sayo. Please tulongan mo ang anak ko."

Tumango langa ko sa kanyang Ama. Muli kong tinignan si Laila at saktong tumama ang mga mata naming dalawa. Bigla itong natahimik sa pagsasalita kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Ganon na lang ako ng gulat ng bigla niyang paghahampasin ang dib-dib ko ng kamay niya. Umiiyak ito kaya hinayaan ko lang siya.

"Ace bakit? Bakit? Mo ko iniwan akala ko ba itatakas mo ko sa pamilya ko pero bakit ka nagpakamatay! Bakit mo sinira ang usapan natin!"

"Laila sorry." hindi ko inaasahan na ganon ang lalabas sa bibig ko. Ramdam kong pinapasok ng isip ko ng mga ala-ala ni Ace.

"Sorry! Magagawa pa ba ng sorry mo na maibalik ang buhay nating dalawa! Akala ko mahal mo!"

The Tragic Past We've Had - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon